KABANATA 06

603 37 2
                                    

Wala na akong nagawa nang dalhin ako ni Aster sa labas at pilit na isinakay sa kaniyang kotse

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala na akong nagawa nang dalhin ako ni Aster sa labas at pilit na isinakay sa kaniyang kotse.

Masyado talagang matigas ang taong ito. Isa ito sa ugali niyang kinaiinisan ko; iyong kapag may gusto siya ay ginagawa niya ang lahat para makuha iyon. Kapag umaarte ito na parang hari na kayang kontrolin ang lahat ay talaga namang naiinis ako sa kaniya.

Nakakaasar pero wala naman akong magawa para labanan siya. Katulad noon, ay para lang akong laruang de-susi na walang pagpipilian kung hindi ang sumunod sa pagkaka-program nito.

Isang malalim na buntong-hininga na lang ang nagawa ko at pabagsak na isinandal ang likod ko sa backrest ng upuan at nag cross arm sabay Lingon sa labas ng bintana. Hindi na ako nakapagpalit ng damit. Kasalanan ko rin naman iyon dahil sinubukan ko pang kumontra sa gusto ni Aster kahit alam ko na hindi naman ako mananalo sa kaniya.

“I don't think I have much help here, if she's not helping me.” wika ng doktor na kanina pa nagbibitaw ng mga tanong sa akin.

He was asking a lot of things about what I'm experiencing and feeling pero wala naman akong masagot sa kaniya kundi ayos lang ako at wala naman akong masamang nararamdaman.

Ayos lang naman kasi talaga ako. I feel good. I am healthy. But despite all my assurance that I'm fine, I know Aster doesn't believe that. Alam kong nag-aalala siya sa kalagayan ko, malamang dahil iyon sa nangyari sa pool.

“Pasensiya na po, Doc. Minsan may pagka-over acting lang talaga 'tong boyfriend ko e. Alam 'nyo na, sobrang mahal niya kasi ako, kaya ganon. Pero I'm fine po talaga. I'm sorry if we wasted your time but we are leaving now─”

Isang malakas na hampas sa lamesang nasa harapan ko ang nakapagpatigil sa pagsasalita ko. Agad kong dinala ang tingin ko kay Aster na tila ba, tuluyan ng nadala ng kaniyang emosyon at nakapaskil na sa mukha nito ang kakaibang galit.

He was giving me a deadly look. Kahit paano ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng takot. Ramdam ko kasing totoo ang galit niya. As if he can kill me, kapag hindi pa ako umayos.

I wonder, talaga bang kaya niya akong saktan?

Hindi lang ako ang nagulat. Halata rin ang pagkabigla sa mukha ni Doctor Fernandez na tila natuyuan ng dugo at bigla na lang namutla.

Aster and I have an eye battle. May kasamang pagbabanta ang pagtitig nito sa akin. Minsan ko lang siya magalit ng ganito, and this time hindi ko alam ang mararamdaman ko.

“You are not going anywhere, not until you take some f*cking tests.” mariing sambit ni Aster bago muling hinampas ang lamesa at marahas ba tumalikod sa amin. Tila naso-suffocate na ito at nais na makalanghap kaagad ng sariwang hangin mula sa labas ng silid na iyon. 

After seeing him leave, wala na akong nagawa kung hindi ang bumuga ng malalim na buntong-hininga at awkward na ngumiti kay Doctor Fernandez.

He also smiled. “He must be so worried.”

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon