KABANATA 18

386 20 3
                                    

“Ikaw na ang bahala sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Ikaw na ang bahala sa kaniya. Make sure that she'll get everything she needs.” Tapik ni Aster sa balikat ni Mortice.

Ni hindi man lang ito lumingon sa gawi ko para magpaalam ng maayos.

Ang bigat tuloy ng dibdib ko. Umasa pa naman kasi ako na nasa date kami ngayon tapos heto. Dahil lang sa isang tawag ay bigla na lang itong nagsabi na kailangan nitong umalis. Pagkatapos nitong sagutin ang phone ay tinawagan kaagad nito si Mortice at heto na nga. Ipinapasa na ako nito sa kanang kamay nito.

Napabuga na lang ako nang makitang nakalayo na si Aster. Wala naman akong magagawa para pigilan siya, kaya hindi na lang rin ako nagreklamo. Wala akong kapangyarihan na gawin iyon kaya wala akong pagpipilian kung hindi ang mag protesta na lang sa isip ko.

“Let's go.” pag-aaya na sa akin ni Mortice.

Mula kay Aster ay ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya. Nang lumakad siya ay agad ko siyang sinabayan.

“Alam mo ba kung saan pupunta si Aster?” curious na tanong ko.

Sandali naman akong tinapunan ng tingin ni Mortice bago mabilis na ibinalik ang atensyon sa harapan. “He didn't said?”

“Kailan ba siya nagsabi.” may himig ng pagtatampong tugon ko dito.

“Nagtanong ka ba?” balik na tanong naman ni Mortice.

Tama siya doon. Hindi nga naman kasi ako nagtanong. Kahit kailan ay hindi ko naman inaalam ang pinaggagawa ni Aster. Wala naman kasi akong pakialam sa kaniya. Tuloy ay nasanay siyang hindi nagsasabi sa akin. Akala niya siguro, hanggang ngayon ay ganoon parin ako sa kaniya.

“Right. I should've asked him.” pagpapakawala ko ng malalim na buntong-hininga.

Akala ko lang kasi kanina ay magpaliliwanag ito. I am waiting for him to explain. Dapat pala, ako na ang nag first move. Dapat nagtanong ako kesa naghintay ng paliwanag.

“Uyyy... Showing na pala 'to.” Nilingon ko ang poster na tinapatan at hinintuan ni Mortice nang marinig ang excited na sambit nito.

Pinagmasdan ko ang nakasulat roon at bigla akong napangiti nang mapagtanto na iyon rin ang pelikula na nakita ko kanina. Iyong ayaw panoorin ni Aster.

Para akong bigla na lang sumigla, knowing that Mortice was interested in watching that movie too.

“Panoorin natin?” pag-aaya ko sa kaniya.

Mula sa poster ay binaling naman sa akin ni Mortice ang tingin niya. Ang luwag ng pagkakangiti nito. “Gusto mong manood?”

“Oo.”

“Kung ganoon tara. Panoorin natin 'to.” Excited akong hinawakan sa braso ni Mortice at tsaka marahang hinila patungo sa escalator.

Hindi naman ako tumutol. Hindi lang naman kasi siya ang excited na panoorin ang pelikulang iyon. Dumiretso kami sa cinema ni Mortice. Siya na ang bumili ng ticket at snacks. Inintay ko lang siya sa isang sulok. Tamang-tama lang pala ang pagpunta namin doon dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang next showing.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon