KABANATA 26

406 17 0
                                    

“Maawa ka na sa'kin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Maawa ka na sa'kin. Pakiusap huwag mo akong papatayin. Pangako, hindi na ulit ako magpapakita sa'yo. Pagbigyan mo lang ako. Maawa ka... Maawa ka...”

Magkahalo na ang luha't sipon ng lalaking nakaluhod na nagmamakaawa para sa kaniyang buhay. Halata ang matinding takot sa mga mata nito. Malamang dahil ramdam nitong iyon na ang katapusan nito.

Nanginginig pa nga ang katawan nito na tila kinu-kuryente kahit wala pa namang ginagawa dito si Aster.

Dapat lang iyon. Mabuti at alam nitong dapat siya nitong katakutan, dahil iyon naman ang binuo niyang imahe. Sikat siya dahil na rin sa pagiging walang puso niya pagdating sa mga taong tuma-traydor sa kaniya.

And this man is one of them.

One chance, they only have one chance. Iyon lang ang kaya niyang ibigay sa mga tauhan niyang nakagagawa ng pagkakamali.

He can only give one f*cking chance.

As the saying said; One is enough, two is too much, three is poison that can kill a person.

Para sa kaniya, ang taong paulit-ulit na ginagawa ang iisang pagkakamali ay parang nabubulok na mansanas. Mahirap ng mahalo pa ito sa mga matitino at baka makahawa pa, kaya kailangan niya itong alisin kaagad.

In short, he needs to kill this person so he'll rot alone. Aster doesn't want to take a risk. Ayaw niyang masira ang pinaghirapan niya dahil lang sa isang walang kwentang traydor.

Mabagal na naupo si Aster at pinagapang sa pisngi ng lalaki ang dulo ng hawak niyang baril. It was his favorite gun. Dinala niya iyon kalaunan sa baba ng lalaki at pilit itong pinatingala upang titigan siya sa mga mata.

He wanted him to see his face. Ang huling mukha na makikita nito bago makaharap si Kamatayan. He bet, this guy thinks he was a God right now. Siya lang naman kasi ang may hawak ng buhay nito ng mga oras na iyon. He was like a reaper. One f*cking awesome reaper.

This is what he really is. Ito ang side niyang kinatatakutan ng lahat; na hindi pa nakikita ni Vernice. 

“Pwede naman siguro kitang pagkatiwalaan ulit, hindi ba Carlos?” Aster seriously asked. May diin sa bawat letrang binitiwan niya na tila pinararating niyang mag-ingat sa isasagot sa kaniya.

“Oo. Oo naman...” The guy nodded. Bahagyang lumiwanag ang mukha nito sa narinig, na tila ba may nakita itong liwanag sa kaniyang harapan. 

“Okay then. You are free to go.” Tumayo na si Aster at ibinaba ang hawak na baril tsaka bahagyang lumayo sa lalaki. Habang ang lalaki naman ay mukhang nagulat sa ginawa niya.

Punong-puno ng pagka-sorpresa ang mukha nito. “Ta-talaga? Pa-palalayain mo na ako?”

Masaya ito sa narinig pero may kahalo iyong pagdududa. Pero kahit ganoon ay wala paring mapaglagyan ang kasiyahan nito.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon