Ang akala ko ay kilala ko na ang mga tao na nasa paligid ko. Akala ko tama ako ng pagbabasa sa mga tao, pero isa pala akong malaking tanga.
Dahil iyong mga taong iniisip kong nasa panig ko ay siya pa pala ang ta-traydor sa akin. At iyong nag-iisang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aster fiercely clenched his jaw and punched the punching bag. He was still thinking about the guy who entered his property. Gabing-gabi na pero hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil sa pag-iisip kung paano mahahanap ang lalaking iyon. Tuloy, itong punching bag ang napagdiskitahan niya.
Binuhos niya ang lakas sa pagsuntok sa punching bag hanggang sa unti-unti iyong napunit at naputol. Nang tumigil ay ramdam niya ang pagod sa ginawa. Hingal siyang napayuko. Hinayaan niya lang na tumulo ang pawis sa kaniyang mukha. Wala siyang suot na damit kaya maski ang katawan niya ay nakikitaan ng buo-buong pawis.
“Who the f*ck are you and what the h*ll do you want?” mariing bulong ni Aster.
Gusto niya pa sanang magpakawala ng suntok pero dahil bumigay na ang punching bag ay lumabas na lang siya ng silid niya at tumungo sa pool upang doon sa malamig na tubig makapag pakalma ng sarili.
Pagdating sa pool area ay walang sinayang na oras si Aster at agad na tumalon sa pool. Niyakap naman siya ng tubig na tila nagyeyelo sa lamig. The water makes his body feel numb. Para iyong may kasamang patalim na tumatagos hanggang sa kaniyang buto, pero hindi niya iyon alintana.
Pabalik-balik siyang lumalangoy, malalim at malakas ang bawat hagod ng kanyang mga braso sa tubig. Tahimik ang gabi, tanging tunog ng paggalaw ng tubig ang maririnig sa paligid. Ang ilaw ng pool ay nagbibigay ng banayad na liwanag, parang binibigyang-diin ang bawat kumpas ng kanyang katawan.
“What a nice view.”
Napatigil sa paglangoy si Aster nang marinig ang tinig ni Mortice na gumambala sa kaniya. Hindi niya inakalang gising pa ito katulad niya.
Nang lingunin niya ito ay naroon ito nakatayo sa dulong bahagi ng pool. Hindi niya man nakikita ang hilatsa ng mukha nito, dahil sa dilim ng paligid ay alam niyang nakangisi ito ng nakaloloko. Tila sadyang dumating ito para mang-alaska.
“Pshhh...” Patay-malisyang bumalik si Aster sa naudlot na paglangoy.
Alam niyang wala namang sasabihin na maganda si Mortice kaya hindi niya ito binigyan ng sapat na atensyon.
He was in the middle of deep thought, and Mortice wasn’t helping him. So why the hell was he giving attention to this asshole?
---×××---
Sino kaya ang taong iyon?
After what happened earlier ay nahirapan na akong bumalik sa pagtulog kaya naman naisipan kong lumabas muna upang magpahangin.
Masyado akong na bother doon sa idea na may taong naroon sa silid ko kaya ang daming bigla na lang sumulpot at gumulo sa isipan ko. Isa na roon ang pagkakakilalanlan ng taong iyon. Sigurado akong hindi nangyari sa nakaraan namin ni Aster ang senaryong nangyari kanina lang, kaya naman ang daming bigla na lang bumagabag sa akin.
Like what is really going on?
Mabagal akong naglakad patungo sa pool area at naupo sa bench na nasa gilid ng sliding door. Madilim sa bahaging iyon dahil hindi iyon naabot ng ilang poste ng ilaw na nakasindi sa paligid ng lugar. Mabuti na lang at hindi malamok kaya komportableng akong nakaupo roon.