KABANATA 11

580 33 5
                                    

“Ano na naman ba kasi ang pumasok sa ulo mong bata ka at naisipan mong pumuslit sa wine cellar ha? Mabuti na lang at naisipan ni Aster na magtungo roon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Ano na naman ba kasi ang pumasok sa ulo mong bata ka at naisipan mong pumuslit sa wine cellar ha? Mabuti na lang at naisipan ni Aster na magtungo roon. Paano kung hindi ha? Tiyak na hindi lang gutom ang aabutin mo. Alam mo namang hindi madalas na binubuksan ang silid na iyon.” panenermon ni Manang Glenda sa akin.

Imbes na mairita sa matinis na tinig nito ay isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko, kasunod ang pagyakap ko sa bewang nito. Agad namang kumukot ang noo ni Manang Glenda, na halatang nagulat sa ginawa ko. Inexamine pa nito ang mukha ko na tila ba binabasa nito ang naglalaro sa isip ko.

“Sorry po. Hindi na po mauulit.” aniko sabay nguso na parang naglalambing na bata. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap kay manang.

Samantala, mahina naman nitong hinawakan ang magkabilaang balikat ko at bahagya akong pinalayo. “Sana naman umayos ka na Vernice. Huwag mo na sanang bigyan ng sakit ng ulo si Aster at marami ng iniisip ang batang iyon. Hmmmm...”

“Promise po. Hindi na.” Pagtango ko naman habang lumalayo kay Manang.

Hindi na talaga.

“Tsk. Sana naman totoo na 'yan. Oh siya. Pumasok ka na sa banyo at naihanda ko na ang bathtub. Maligo ka na at ng ma-preskuhan ka.” Pagkatapos sabihin iyon ay tuluyang ng lumabas ng silid ko si Manang Glenda.

Hinatid ko pa ito ng tingin hanggang maisara nito ang pintuan ng kwarto ko. Pagkaalis nito ay tsaka ako pumasok ng banyo. Isang maluwag na ngiti ang pinakawalan ko nang makita ang maraming bula na nasa bathtub. Tila ba, tinatawag na ako niyon upang magbabad.

Wala na akong sinayang na oras. Mabilis akong naghubad ng kasuotan at tumalon sa bathtub. Napapikit pa ako nang dumampi sa balat ko ang maligamgam na tubig. Tamamg-tama lang ang init niyon at  sobrang nakare-relax.

I took an hour in the bath. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas ako para sana kumuha ng malamig na tubig sa kusina. Habang nasa hagdan ay napansin ko ang mga tauhan ni Aster na naglalakad patungo sa main door. Mukhang may lakad sila ngayong gabi.

I thought it was only them. Medyo nagulat pa ako nang makita na naroon na pala sa labas si Aster. Nakatayo ito sa nakabukas na pintuan at may kausap sa telepono.

Aalis siya? Gabing-gabi na ah.

Sometimes I get curious about Aster's business in Italy. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang business nito. Perhaps, may kinalaman iyon sa mga alak. Nang nakaraan kasi ay narinig ko na may pinapatayo itong bar. Iyon ang dahilan kaya marami itong stocks ng alak sa wine cellar. Maliban sa mga mamahalin ay ilang karton ng alak pa ang naroon, na swak kung sa bar na pina-plano nito.

Namalayan ko na lang na lumalakad na ako patungo sa pwesto ni Aster. Wala naman akong pakialam kapag umalis siya noon pero this time, ramdam ko iyong pande-deadma niya sa akin. Dahil hindi siya nasanay na magpaalam ay parang hindi tuloy ako nag e-exist sa bahay na iyon. Animo'y isa lang rin ang tauhan na hindi niya kailangang pagpaliwanagan kung saan siya pupunta o kung ano ang gagawin niya. And that, made my heart a little broken. Ayokong patuloy niyang gawin iyon sa akin. This time, I won't let him ignore me. Not anymore.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon