KABANATA 16

414 24 3
                                    

Malungkot na napatitig si Ohru sa madilim na kalangitan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malungkot na napatitig si Ohru sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin na tumatama sa kaniya at tila nanunuot sa kaniyang balat.

Hilaw siyang napangiti.

Bigla siyang nakaramdam ng awa sa sarili. Paano ba nama'y naisip niya na sa lawak ng mundong ginagalawan niya ay bakit nag-iisa yata siya ngayon.

The silence is making him feel empty. Tila may bahagi niya ang nawawala na dulot ng matinding katahimikan. Maybe it was just his brain telling him to feel that way. Para ipakita sa kaniya na kahit gaano siya kaperpektong tingnan ay hindi ganoon ang nararamdaman niya.

Napabuga na lang ng hangin si Ohru. Inilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng kaniyang ulo at humiga siya sa matigas na yero bago nakipagtitigan sa madilim na kalangitan.

Kahit ang langit tila nagluluksa ngayon. Wala kasing gaanong bituin na animo'y pinagtataguan siya upang mas lalo pang palungkutin. Muling siyang bumuga ng malalim na buntong hininga tsaka mariing pinikit ang kaniyang mga mata.

Bagong patakaran. Oras na maglaho na ang hourglass ay mawawala na rin sa alaala ng bawat mag soulmate na pinagtatagpo niya ang lahat ng may kinalaman dito; kasama na siya.

He will fade into their memories as the hourglass turns to dust. Makalilimutan siya ng mga taong tinutulungan niya, na parang isang panaginip lang na hindi maalala.

The thought of being forgotten, gives him a heart ache. Para sa kaniya ay nakalulungkot iyon. Iyong pakiramdam na nag-iisa ka lang sa napalaking mundo.

Sigurado na siya. Hindi blessings ang kapangyarihan na mayroon siya. It was a curse. At hindi niya alam kung ano ang nagawa niya para maparusahan ng ganoon.

Paanong ang nilalang na kagaya niya na tumutulong upang makabuo ng pagmamahal ay walang nagmamahal? That kind of thought pops to his head, sometimes.

Ang sarap siguro sa pakiramdam ng minamahal.

Napabuga siya ng hangin. Hindi naman siya ganito noon. He was not affected by all of these matchmaking things. But after he helped Alecxie, may na-realize siya.

He doesn't want to be like this forever, pero mayroon ba siyang pagpipilian?

"Ohru, where are you?" tawag ni Emitt sa kaniya.

Mula sa pagkakahiga ay mabagal na bumangon si Ohru at sumilip sa ibaba. Nakita niya naman si Emitt na paikot-ikot sa garden. Ewan niya at hilig nitong guluhin siya. May sarili naman itong bahay pero halos doon na ito sa kaniya tumira. Psh.

Nakakatawa. Paano'y kanina lang ay naghahanap siya ng makakasama. Tapos ngayon na narito na si Emitt ay hindi naman siya natutuwa.

Siguro nga, mas masarap na lang na mag-isa lalo na't ganito kagulo ang makakasama niya. Akala mo naman kasi'y walang ginagawa ang isang 'to na siya lang yata ang binabantayan.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon