KABANATA 08

667 36 7
                                    

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko para sa masarap na almusal ay dumiretso na ako sa dining area

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko para sa masarap na almusal ay dumiretso na ako sa dining area. Ang sabi ni manang Glenda ay naroon na daw si Aster kaya excited akong tumungo doon. 

Sa may pintuan palang ng dining ay pinagala ko na kaagad ang tingin ko at nakita ko naman ang hinahanap ko. Nakaupo sa may table si Aster at nakayuko habang nagbabasa mula sa laptop nito. Mukhang hindi nito napapansin ang presensiya ko dahil busy ito sa ginagawa, tuloy at naisipan ko itong pagmasdan muna.

“I love you.”

“Vernice, mahal kita.”

“Alam mo namang malakas ka sa'kin e. Mahal kaya kita.”

“Paglaki natin pakakasalan kita. Promise ikaw lang ang mamahalin ko.”

Simula nang bumalik si Aster ay hindi ko pa naririnig mula dito ang salitang 'mahal kita' na palagi nitong bukam-bibig noong mga bata pa kami. Dati napaka-vocal nito pagdating sa nararamdaman nito para sa akin. Samantalang ngayon, hindi na ako sigurado kung ganoon pa rin ba ang nararamdaman nito lalo't wala naman itong sinasabi.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaisip. Mahal pa rin kaya ako nito? O sadyang mabait lang ito kaya ako nito pino-protektahan?

What if... He was taking care of me because of my dad? Paano kung dahil lang sa daddy ko kaya ito bumalik?

Hindi ko napigilan na kapain ang dibdib ko. Tila may kumirot kasi sa loob niyon nang maisip ko iyong ikalawa. Kahit ang paligid ng mga mata ko ay tila ba gustong magpaulan dahil sa emosyon na biglang yumapos sa akin.

Alam kong hindi nakakatulong ang pag-iisip ng negatibo, pero naman kasi─ hindi ko iyon mapigilan.

Bago pa ako tuluyang mapaluha ay kinagat ko na ang pang-ibaba kong labi bago bagsak ang balikat na tumalikod.

Bigla akong nawala sa mood na mag almusal ngayon kaya balak ko sanang umalis na sa dining, pero bago pa ako makahakbang ay narinig ko na bigla na lang nagsalita ang binatang kanina lang ay pinagmamasdan ko.

“Where are you going? Sit.” ma-awtoridad nitong utos.

Binalik ko ang tingin ko kay Aster. Nakatitig na ito sa akin. Nakatiklop na ang laptop na nasa harapan nito at hawak ang isang tasa ng kape. Sumenyas pa ito na maupo ako sa upuang nasa tabi nito gamit ang kaniyang mga mata.

Today, I don't feel like eating with him so I decided to ignore what he said. Imbes na lumapit ay muli kong tinalikuran si Aster at walang pasabing lumakad palayo sa dining.

I saw Aster's jaw dropped a little. Mukhang hindi ito makapaniwala sa ginawa ko.

Malapit na akong makarating sa may sala nang maramdaman ko na hinabol pala ako ni Aster. He held my arm that made me stop from walking. Tapos, nagulat na lang ako nang biglang umangat ang katawan ko mula sa lapag. Binuhat niya ako at ibinalik sa dining. Nang maibaba ay pinaghila niya ako ng bangko at pilit na pinaupo roon gamit ang pwersang kinaiinisan ko.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon