KABANATA 19

499 28 3
                                    

I really enjoy Mortice company

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I really enjoy Mortice company. Sa tagal naming magkasama ay ngayon ko lang na enjoy ang presensiya niya. Madalas kasi kapag nasa labas kami ay umaasta siyang parang bodyguard talaga. Hindi nga siya masyadong nagsasalita noon.

But today, he was a bit different. Hindi ko alam kung epekto ba 'yon ng pagbabalik ko sa nakaraan, pero kung anuman iyon ay masaya ako dahil para kaming nagsisimula ulit.

Sana nga kami rin ni Aster ay maging ganoon... Sana ay makapagsimula rin ulit kami.

“Next time, huwag kang nakikipag-usap sa taong hindi mo naman kilala. Para ka namang bata e. Sa susunod ano? Bibigyan ka lang ng candy ay sasama ka na?” patuloy na panininermon ni Mortice.

Sa mga pinagsasabi niya ay isa lang ang nasisiguro ko. Hindi talaga siya tumungo sa banyo nang magpaalam siya. Marahil nagtago lang siya at palihim akong pinanonood kaya nakita niya kaagad ang paglapit sa akin ni Ohru.

Siguro tini-test niya ako. Baka gusto niyang malaman kung tatakas ba ako. Tsk! Kaya pala bigla niya na lang akong iniwan na mag-isa kanina; na hindi niya naman ginagawa noon.

Teka, inutos ba iyon ni Aster? O talagang gusto lang akong subukin ni Mortice? Haissst mukhang malaki rin ang trust issue ng isang 'to.

“Ahem...”

Sabay kaming napalingon ni Mortice sa may front door ng mansion nang marinig ang pagtikhim na iyon. Agad na nabura ang nakapaskil na ngiti sa labi ko nang makita ang magkasalubong na mga kilay ni Aster. Naroon ito nakatayo sa gilid ng pinto na tila nag-iintay sa pagdating namin.

Ang sama ng hilatsa ng mukha nito. Akala mo'y may nakain na hindi masarap kaya hindi maipinta ang mukha. Sinenyasan nito si Mortice na sumunod sa kaniya at agad na tumalikod.

May nangyari ba? Bakit parang wala sa mood si Aster?

“Did you see his eyes? Sa tingin mo galit siya?” pabulong na tanong sa akin ni Mortice.

Nangkibit-balikat lang ako. Ano ba naman kasi ang malay ko. Pero base sa ekspresyon ni Aster, sa tingin ko ay galit nga ito.

“Well, there is only one way to find out.” Inunat ni Mortice ang kamay niya at ibinigay na sa akin ang bitbit na mga pinamili namin.

Nang matanggap ko iyon ay tinapik nito ang balikat ko tsaka nag goodnight at sumunod na sa daang tinungo ni Aster.

Ginabi na kami ng uwi, kaya kumain na kami sa labas. Wala na akong gagawin kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.

Naghugas muna ako ng katawan bago binalikan ang mga pinamili ko at nilabas ang mga iyon sa mga bag. Nang makita ko ang kahon na may lamang relo na balak kong ibigay kay Aster at nakangiti ko iyong dinampot tsaka binuksan at pinagmasdan.

This is my first gift to him. Sayang lang at hindi iyon galing sa mismong bulsa ko dahil pera rin ni Aster ang pinambili ko niyon. Pero ang mahalaga naman ay naalala ko siya.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon