Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko para maligo. Nakakalungkot lang dahil nang lumabas ako ay hindi ko na naabutan si Aster. Ang sabi ni manang Glenda ay nakaalis na raw ito.
Hindi talaga ito nagpapaalam.
Pero mainam naman iyon dahil alam kong mamaya lang ay babalik rin siya. Knowing that I will see him again later, kahit paano hindi na rin iyon nakakalungkot.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at ngumiti. Usually, inuubos ko lang ang oras ko ng paikot-ikot sa bahay na iyon. Hindi kasi ako pinapayagan ni Aster na lumabas. Ang dami ko pang bantay, kaya nga noon pakiramdam ko isa talaga akong bilanggo sa lugar na iyon. But now, having a different point of view ay nagbago na ang tingin ko sa lahat.
Dinala ako ni Aster sa mansion na iyon para protektahan.
I know that now and I am willing to pay him back.
Nang mamatay ang parents ko ay bigla na lang nagpakita si Aster pagkatapos ng mahabang panahon. Magkaibigan ang mga magulang namin. Dati madalas silang nagpupunta sa bahay, pero isang araw ay bigla na lang hindi na sila bumisita.
But after the accident ay doon lang ulit kami nagkita ni Aster. Halos hindi ko na nga siya namukhaan nang dumating siya. Ang laki na kasi ng pinagbago niya. Mula sa uhuging batang natatandaan ko ay naging matipuno ang pangangatawan nito at masasabi kong naging gwapo.
Hindi lang sa pisikil na anyo ito nagbago. Maging ang pakikitungo nito sa akin ay nagbago rin. Dati kasi ay palangiti ito, masiyahin at pala-kwento. He is not afraid of showing how he feels. Pero nang bumalik siya ay naging tahimik na siya. Madalas na ring nakakunot ang noo niya at palaging seryoso, na akala mo'y ang daming problemang dinadala. Hindi na rin niya ako sinasabihan na mahal niya ako, katulad noon na halos araw-araw niyang ginagawa.
Akala ko tuloy ay nawala na ang pagmamahal na iyon. But I guess, nabawasan lang ang pagiging showy niya. But he still feels the same. Because if he's not, bakit niya naman isasakripisyo ang buhay niya para sa akin.
Isang simpleng maikling short at tshirt ang kinuha ko para suotin. Pagkatapos magbihis ay tumungo ako sa kwarto ni Aster. He never locked his door, kaya naman nabuksan ko iyon at nakapasok ako sa loob.
Sandali... He never trusted me but he trusted his people?
Hindi siya nagla-lock ng pintuan ng kaniyang kwarto dahil may tiwala siya sa mga tao niya. But he can't do it with me?
Wow... Ganoon ba ako ka loka-loka dati para hindi niya pagkatiwalaan?
I smile having those thoughts. Talaga namang simula nang dumating ako doon ay umarte ako na parang nasisiraan ng ulo. Palaging gumagawa ng eksena at nagsisimula pa ng gulo.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 3: The Main Lead Is A Villain
FantasyAng akala ko ay kilala ko na ang mga tao na nasa paligid ko. Akala ko tama ako ng pagbabasa sa mga tao, pero isa pala akong malaking tanga. Dahil iyong mga taong iniisip kong nasa panig ko ay siya pa pala ang ta-traydor sa akin. At iyong nag-iisang...