Pagkatapos mag-almusal ay tinahak ko ang daan patungo sa may pool. Pagdating doon ay naupo ako sa isang bench na nasa ilalim ng isang payong tapos pinagala ko ang tingin sa paligid ng pool area.
Tila nasa gitna ng kagubatan ang bahaging iyon ng mansion dahil sa dami ng mga halamang nakapalibot sa lugar at nagbibigay na ng silong.
Marahan kong isinandal ang ulo ko sa sandalan ng bench kung saan ako nakaupo. May foam iyon kaya naman komportable sa pakiramdam. Habang ang preskong hangin ay nagdudulot ng kapanatagan sa aking kalooban.
Ilang minuto rin akong nakapikit lang habang ninanamnam ang nakare-relax kong posisyon nang marinig ang isang boses ng isang babae. Kahit hindi pa ako lumingon ay nakilala ko kaagad kung sino ito. Paanong hindi eh, halos araw-araw kaya kaming magkasama nito na akala ko'y kaibigan kong totoo.
Krista...
I sighed. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at dinala ang tingin sa direksyon ng pintuan. Katulad nga ng inaasahan ko ay bumungad sa akin ang babaeng kinaiinisan ko.
“Nandito ka lang pala, Vernice.” an excited voice greeted me. Kumakaway pa si Krista habang nakapaskil sa labi nito ang isang matamis na pekeng ngiti.
Yeah, I know it was all fake. Lahat ng pinapakitang kabutihan sa akin nito ay tiyak kong peke lang dahil alam ko na ang totoo nitong pakay sa akin.
It was Aster.
“Aster, believe me. Planong tumakas ngayon ni Vernice. Narinig kong magkausap sila ni Lukas kanina sa school. Talagang wala siyang utang na loob. You don't deserve someone like her. Pinaglalaruan ka lang niya kaya paalisin mo na siya sa bahay mo. Paalisin mo na siya sa buhay mo.”
Hilaw akong napangiti nang maalala iyong sinabi ni Krista nang masaksihan ko mismo ang nakadidiring pag-arte nito.
Doon ko lang napagtanto na hindi pala totoong kaibigan ang tingin nito sa akin. The truth was, she hated me. She only befriended me because of Aster.
I was so naive to know that back then. But now, I know everything. Alam kong hindi mapagkakatiwalaan si Krista, kaya kailangan kong mag-ingat sa mga sinasabi ko sa kaniya lalo pa't alam kong makararating iyon kay Aster.
But I'm curious though... Kailan kaya ito nagsimulang magkaroon ng interes kay Aster?
“What are you doing here?” walang gana kong tanong kay Krista.
Luminga muna ito sa paligid bago tila excited na lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.
“I met someone at the club. He was so hot. At alam mo kung ano ang nakakatuwa? Nalaman ko na papasok rin pala siya sa school natin this semester. Oh my gosh. I really wanted you to meet him.” she excitedly said. Bakas pa sa mga mata nito ang kakaibang pagkislap niyon na animo'y hindi na ito makapaghintay na makilala ko ang sinasabi nitong lalaki.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 3: The Main Lead Is A Villain
FantasyAng akala ko ay kilala ko na ang mga tao na nasa paligid ko. Akala ko tama ako ng pagbabasa sa mga tao, pero isa pala akong malaking tanga. Dahil iyong mga taong iniisip kong nasa panig ko ay siya pa pala ang ta-traydor sa akin. At iyong nag-iisang...