KABANATA 22

404 29 3
                                    

After a week, the new semester has finally started

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After a week, the new semester has finally started.

Sa unang pagkakataon ay ngayon lang yata ako hindi na excite sa gagawin kong pagbabalik-eskwela. Maybe because I was thinking about everything that had happened in that school. Kung paano ako napaikot at napaglaruan ng dalawang taong inakala kong mga kaibigan ko.

Lukas and Krista made me feel like I was a puppet. They both play and use me for their own agenda. Hinding-hindi ko makalilimutan ang panggagamit nilang dalawa sa akin.

“Vernice, dito.” Kaway sa akin ni Krista. She was offering the vacant seat beside her by tapping the chair.

I faked a smile before I waved back to her. Kung gusto kong maging effective ang pangpapanggap ko ay kailangan kong galingan sa pag-arte.

But do I really need to do this?

Kung tutuusin, ngayon pa lang ay pwede ko ng tapusin ang relasyon na mayroon kami, pero may ilang bagay na pumipigil sa akin. Like, I wanted to know all of her plans. Gusto kong masiguro na bukod sa pagdadala kay Lukas sa buhay ko ay wala na itong iba pang masamang plano. I also want to make sure na wala nga talaga itong kinalaman sa mga plano ni Lukas.

Katulad ng hiling ni Krista ay naupo ako sa tabi niya. Inilapag ko sa table ang dala kong book binder at nilingon ang paligid. Lahat ay busy sa pakikipag-usap; halatang bawat isa ay nakiki-tsismis sa mga pinaggagawa nila nitong bakasyon.

Everyone has their own group. Bigla kong naalala, nang pumasok si Lukas roon at naging kaklase namin ay naging instant celebrity ito. Gumawa pa ito ng grupo na mabilis na sumikat sa buong school. Hindi lang iyon, nagkaroon pa ito ng fan base na binuo ng mga babaeng patay na patay dito.

Well, gwapo naman kasi si Lukas. May dugo itong Italiano kaya lutang ang itsura nito sa lahat. Maski ako, aaminin kong humanga ako sa pisikal na anyo nito. Tapos ang bait pa nito. Naging ideal man ko tuloy ito.

But that was before. Dahil ngayon na alam ko na ang totoong pagkatao nito ay hinding-hindi ko na ito hahangaan pa.

Isa pa, may Aster na ako na totoong nagmamalasakit sa akin kaya sa kaniya ko na planong ibaling ang buong atensyon ko. He is my ideal man now. The man that protects me in silence and gives his life to save me.

“Narinig mo na ba? May mga bago raw tayong kaklase. Kasama na iyong lalaking sinasabi ko sa'yo.” Krista opened.

Mula sa mga kaklase namin ay dinala ko ang tingin ko sa kaniya. She looks really excited. I'm curious... Ano kaya ang naglalaro sa isip niya ngayon?

“Wait. Sinabi mo bang mga bagong kaklase?” tanong ko ng nakakunot ang noo.

Mga bagong kaklase daw? Mayroon ba akong nakaligtaan?

Masyado ata akong lutang noon kaya hindi ko na maalalang nagkaroon kami ng mga bagong kaklase, maliban kay Lukas.

Siguro dahil iyon sa stress na dinaranas ko ng mga panahon na iyon. No doubt ang bababa ng mga grades ko dahil na rin sa pagkawala sa focus. Kaya nga siguro ang bilis ko lang na napaniwala nina Krista at Lukas.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon