KABANATA 27

306 18 3
                                    

“Grabe, akala ko mabubuking na ako e

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Grabe, akala ko mabubuking na ako e.” Paghinga ng maluwag ni Emitt, matapos matakasan si Vernice.

Matagal na rin niyang hindi nagagawa ang pagpapalit ng anyo kaya kanina ay ramdam niya ang kaba habang nagpapanggap bilang si Aster at kausap si Vernice.

Hindi niya nga alam kung ano ang pinagsasabi niya dito. Umaasa na lang talaga siya na hindi naman nakahalata si Vernice na ibang tao siya.

“Ayos ka lang ba Aster? Para kasing may mali sa'yo. Masama ba ang pakiramdam mo?” may pag-aalalang tanong ni Vernice.

Inabot nito ang noo niya at nilapatan iyon ng palad para alamin ang kaniyang temperatura. Nang maramdaman nitong normal lang naman ang init niya ay sunod siya nitong pinasadahan ng tingin simula ulo hanggang paa. Para itong doktor na ini-examine siya.

Hays ano ka ba, I am fine. Sige na, umuwi ka na at may pupuntahan pa ako. Kita na lang tayo sa bahay. Bye.” Kinakabahang talikod naman ni Emitt.

Mabuti na lang talaga at hindi na siya kinulit ni Vernice nang oras na 'yon at hinayaan na lang. Kung hindi ay tiyak na mahihirapan pa siyang magpaliwanag dito. Siguro sa susunod ay kailangan niya munang alamin kung anong klase ng tao ba ang gagayahin niya para mas maging maayos ang kaniyang pangpapanggap.

Anong klase ng tao ba ang Aster na 'yon? Suddenly he wonders.

Pagkatapos masiguro na naka-alis na ang sinasakyan ni Vernice ay agad na nag teleport si Emitt patungo sa kikitaan nila ni Ohru. May usapan kasi sila na magkikita pagkatapos ng klase.

As he popped up in the rooftop ay agad pinagala ni Emitt ang tingin sa palagid para hanapin ang kaniyang pakay at naroon na nga si Ohru. Prente itong nakaupo sa isang malambot na single couch na naroon. Bago pa iyon kaya mukhang kadadala lang niyon ni Ohru sa rooftop.

Napakadaya... Bakit isang upuan lang ang dinala nito, eh dalawa silang mapapadalas ang pagtambay doon. Iyon kasi ang pinaka safe na lugar na malaya silang makapag-uusap, kaya simula ngayon ay doon na sila magkikita kapag may mahalagang pag-usapan; katulad ngayon.

Lalapitan na sana ni Emitt si Ohru pero napatigil siya nang mapansin na malalim ang iniisip nito. Halata iyon dahil hindi man lang nito napapasin ang presensiya niya. Pumikit pa nga ito at sumandal sa backrest ng sofa na parang nire-relax ang sarili, sabay minasahe ang ulo.

Bigla niyang naalala na ganoon nga pala kaseryoso ang hinaharap nitong problema. Ohru's hourglass is starting to cause some trouble.

Ang mga hourglass na ginagawa nila ay para lamang sa partikular na taong ginawan nila; that's why it has a name curved on it. Hindi iyon maaring mapunta sa iba dahil pagsisimulan iyon ng samu't-saring problema. Katulad na lang ng nangyayari ngayon. Ohru's hourglass started to malfunction, iyon ang dahilan kung paano nito naibalik si Vernice sa nakaraan; na kahit kailan ay hindi pa nangyayari.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon