Chapter12
Skyes Obsession#Asar_talo😂
#Rhyya
Nagulat ako ng bigla na lang nasa tabi ko na si Skye.
Agad-agad parang kidlat,parang si Flash,sa bilis niyang makalipat sa kama.Masama ko siyang tiningnan saka napailing.
"What?"Salubong ang kilay na tanong niya,marahil nagtataka siya.
"Wala nagulat lang ako,akala ko kasi hindi ka lilipat dito. Kala ko kasi magpapakipot ka pa."
"Ah,yon ba,sos walang ibig sabihin ang lahat ng to,Miss Villegas,gusto ko lang talagang matulog ng comportable. Medyo malayo kasi ang byahe natin bukas kaya ayokong mapuyat. Kaya ikaw matulog ka na,wag kang masyadong magpupuyat sa pagtitig sa mukha ko ha."Mahabang nonsense na wika nito,sabay kindat sa akin.
Malandi talaga.
Kapal niya.Inirapan ko lang siya saka nauna na akong humiga.
"Wish mo! Sa totoo lang kong pwede nga lang sana ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo!"Nagdadabog na wika ko sabay talikod sa kanya.
"I knew it,youre not over me yet!"
Napaharap ako sa kanya ng wala sa oras ng marinig ang sinabi niya.
"Anong sabi mo?"Naiinis na tanong ko,narinig ko naman kaso baka nagkamali lang ako ng dinig. Kaso nagkibit-balikat lang siya saka di na ako sinagot.
"Goodnight! Ito yong boundary natin,wag na wag kang lalampas dito,Miss Villegas!"Sabi niya sabay ayos sa malaking unan sa gitna namin.
Abat ang kapal,siya pa ang may ganang maglagay ng unan sa gitna namin!
"Fine!"Mabilis na sagot ko. Kung tutuusin mas pabor sa akin yon. Di ko kasi alam kong kaya kong labanan ang mga gagawin ni Skye sa akin kung sakali.
Mahina pa naman ako pagdating sa kanya.
Wait what?
Hindi,Hindi!
Malakas ako.
Di ako paapekto sa charm niya!"Matulog ka na din Mr. Ganz,wag na wag ka ng mag-ilusyon na mahahawakan mo pa ang katawan ko!"Nang-aasar lang ako promise! Di ako nagbibigay ng motibo.
"Its look like youre trying to seduce me,Miss Rhyya. Well kung mapilit ka,kayang-kaya kitang pausin hanggang sa mawalan ka na ng boses kakasigaw sa pangalan ko."
Sarcastic ko lang siyang nginitian."Tulog ka na ba?"
"Hindi pa! Gising na gising na nga ako ee."Pilyong sagot naman nito. Na tila may double meaning pa ata.
"Bakit dapat ang isagot mo! Di yong puro kabirdihan mo!" Nanggigil na talaga ako sa kaartehan niya."Tseee makatulog na nga! Baka bangungutin pa ako sayo ee."Tinalikuran ko na lang ulit siya. Ayaw ko ng humaba pa ang usapan namin.
"Hey,hindi ka ba magpapalit?"
Grabe naidlip na ata ako,pero dahil sa malakas niyang kalabit bigla akong nagising!
"Ano na naman! Nakatulog na sana ako ee."Nakasimangot na tanong ko. Badtrip na talaga ako!
"May naiwang damit dyan,magbihis ka ng pantulog,nakapantalon ka pa! Di komportableng matulog sa ganyang kasoutan diba?"
Inhale,exhale,sarap niyang sapakin!
"Nakatulog na nga sana ako diba! Kaso ginulo mo ang tulog ko. Atsaka pwede ba,ayokong magsuot ng damit ng iba mamaya may skin allergy pa yan mahawa ako."Maarteng wika ko. Alam ko naiinis siya kapag ganon ako magsalita. Ayaw niyang maging brat ako.
"Malinis lahat ng damit sa closet,pinalinis ko talaga yan. Yan ang isinuot ng mga babaeng dumadalaw sa akin dito!"
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. Kala ko ba walang ibang nakakapasok na babae dito.
BINABASA MO ANG
Skye'Obsession(#Completed) Obsession Series 3
General FictionRhyya and Skye's Story. 3rd obsession series. Repost. #Completed.