Chapter13
SKyes Obsession#Skye_Meets_Skylar
#Rhyya
Mga apat na oras din ang byahe namin bago kami nakarating sa province.
Ang sakit na ng pang-upo ko,parang namanhid ata dala ng matagal na pagkakaupo.
"Ok ka lang?"Maya-maya tanong niya sa akin,napansin niya sigurong hindi na ako komportable."Gusto mo hinto muna tayo?"Tanong niya.
Umiling lang ako,malapit na din naman kaming dumating.
"Malapit na tayo,Skye,kalahating oras na lang yata.""Sige ikaw bahala."
"Ikaw di ka ba napagod?"Pano naman kasi siya ang nagdidrive.
"Concern?"Ayan na naman yang nakakaasar nyang ngisi. Sarap punutin ng labi niya.
"Neknek mo!"Pabalang na sagot ko. Binaling ko na lang sa labas ang tingin ko saka nilibang ang sarili sa mga madaanan namin,ilang buwan na din akong di nauwi dito.
Bigla kong naalala yong sinabi ni Skye kanina,hmmp.
Paasa talaga ang lalaking to.
Erase na nga yon!
Ayaw ko ng maalala.
Naiinis lang ako.
Pano naman kasi diko napigilang magblush kanina ang hudyo pinagtawanan ako saka inasar!
Kainis talaga!"Youre blushing!"
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras dahil sa sinabi niya."What?"Iritadong tanong ko.
"Youre blushing!"Wika nito pero hindi siya sa akin nakatingin,sa daan siya nakatingin.
"Tigilan mo na yang pang-aasar mo sa akin,Skye,di na ako natutuwa! Kapag ako naman ang nang-asar sayo mabilis ka pa namang mapikon!"
"Fine,sorry,ang sarap mo lang kasing asarin,mas lalo kang gumaganda!"Pasimpleng wika nito.
Fishtea,ang loko!
Pasimple lang.
Parang wala lang sa kanya,pero yong puso ko ang lakas na ng tibok."Tigilan mo na ako Skye,hindi na nakakatuwa!"Mataray na wika ko. Totoo naman talaga hindi na nakakatuwa mga pinaggagawa niya.
Mga linyang paasa. Mahabang katamikan ang dumaan sa aming dalawa pareho kaming nagpaparamdaman. Nawalan na din naman ako ng sasabihin. "Nandito na tayo,liko ka lang dyan.."Sinunod naman niya ang sinabi ko hanggang sa tumambad na ang bahay namin.."Bahay nyo?"Tumango lang ako. Alam ko masyadong maliit ang bahay na yan kumpara sa dati naming bahay. Pero ganon talaga ang buhay,minsan mapagbiro. Hininto na niya ang sasakyan sa harap ng bahay namin,agad naman akong bumaba ng makitang nakadungaw na ang Daddy ko.
"Anak!"Masayang tawag ng Daddy ko.
Nagmamadali naman akong nagmano saka yumakap sa kanya,namiss ko ang Daddy ko. Pansin ko medyo namayat siya.
"Sina Mommy at Skylar?"Wika ko sabay tingin sa likuran niya baka nandoon lang kaso mag-isa lang siya.
"Pumunta sa taniman ang Mommy mo,kasama si Skylar alam mo naman ang anak mong yon,naghatid ng pagkain,dika naman nagsabi na uuwi ka.."Nahinto si Daddy sa pagsasalita ng makitang palapit si Skye."Isinama mo siya dito?"Tanong ni Dad sa akin,alam niya ang sakit na pinagdaanan ko,di man nila sabihin alam ko masama ang loob nila kay Skye.
Tumango lang ako."Tara Dad,sa loob na tayo,mag-usap."Saka inakay ko siya papasok,sininyasan ko na lang si Skye na sumunod na lang sa amin.
"Di mo na siya dapat sinama dito,ok na si Skylar na walang tatay!"Mahinang wika ni Dad sa akin,sapat lang na marinig ko,inaasahan ko na hindi magugustuhan ni Dad na makita ulit si Skye.
"Ok lang yan,Dad,may karapatan naman siya."Maikling wika ko. Pano pa kaya kapag nalaman niya na si Skye ang nagbayad ng utang namin.."Upo ka muna Dad."
BINABASA MO ANG
Skye'Obsession(#Completed) Obsession Series 3
General FictionRhyya and Skye's Story. 3rd obsession series. Repost. #Completed.