Chapter16
#Breathless😅
#Rhyya
"Hey,stop!"Sa wakas,nagkaroon din ako ng lakas ng loob na magsalita. Pinanlakihan ko siya ng mata bilang babala,para tumigil na siya.
"What? Hindi ka pa din naniniwala?"Halata sa boses niya na di siya makapaniwalang,hindi ko siya pinaniwalaan. Well,mahirap na naman kasing umasa sa wala.
Naranasan ko na yon kaya ayaw ko ng maulit yong sakit."Im serious!"Halata na ang inis na bumabalot sa maamo niyang mukha. Ang cute niya parang si Picacho ng pokemon,na paboritong panoorin ni Skylar.
"Alam mo bang mahilig si Skylar manood ng Pokemon!"Wala sa loob na wika ko. Shit! Ano na bang pinagsasabi ko. Ang layo sa topic!
Kaasar!Kita ko ang pagkunot ng makinis niyang noo,halata namang naguguluhan siya sa binuksan kong topic.
"What? Pokemon? Hindi ko alam yong palabas na yon. I hardly watch Tv. Sa sobrang busy ko di ko na maisingit manood."
Napangiti ako sa kainosentehan niya."Picca,picca,picacho!"Parang ewan na wika ko. Gusto ko lang maging normal muna ang mga body organ ko,na nadamay ko kanina dahil sa pagconfess ni Skye.
"Now youre talking,nonsense. Anong gusto mong mangyari?"Seryosong tanong niya. Mabuti naman ramdam ko na ang pagkalma ng puso ko,at lahat ng organ ko.
"Im not talking nonsense. Linya yon ng paboritong,character ni Skylar. Gusto ko lang pakalmahin ang sarili ko na binigla mo kanina. Im shocked! Kaya wag mo akong mamadaliing magsalita ng maayos. Loading pa kaya ang system ko. Wag kang ano dyan."Protesta ko sa sinabi niyang nagsasalita ako ng nonsense,ang kyut kaya ni Piccacho!
"Fine,sorry kung nabigla kita kanina. I cant help it. Kahit anong deny ko sa sarili ko. Its always you,Ga. Maraming babae ang dumaan sa akin ng maghiwalay tayo. Pero walang nagtagal,kasi hinahanap kita parati sa kanila."
Inirapan ko siya. Para malaman niya na hindi ako naniniwala sa kanya."Pero pagdating kay Aloira,wala ka."Nagmamaktol na wika ko. Kita ko ang biglang pananahimik niya. Sabi na nga ba. "Gusto mo pa rin siya?"Ouch bat ba ang sakit!
"Hindi na!"Matipid na sagot niya."Isa lang ang gusto ko mula noon hanggang ngayon."
"Sino?"Ay tangahan-tangahan lang ang peg!
"Its you! Ikaw lang naman yon,kahit minsan sinasabi mong di mo ramdam ang pagmamahal ko! Talaga lang di ako masyadong showy na tao."
"Bumalik na tayo,napagod na ako."Pag-iiba ko sa usapan. Saka nauna ng umalis,kaso,nahila niya ako kaya napakalapit ko na sa kanya. Ramdam ko ang mga bisig niya sa baywang ko. Ilang dangkal na lang mahahalikan na niya ako. "L-lumayo ka nga!"Shit nauutal na wika ko. Nanghihina na din ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa balikat niya.
"Let me kiss,you Ga!"Dinig ko ang paos na boses niya. Halatang nagpipigil lang siya.
Di na ako umimik basta nakapikit na lang ako. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng mainit na labi niya sa labi ko.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang unti-unting paggalaw ng mga labi namin.
This is it!
Nahalikan ko na ulit siya!
Akala ko sa pantasya ko na lang mahahalikan si Skye.
Pareho kaming kinapos ng hininga ng matapos ang halik.Namula ata ang pisngi ko dala ng matinding hiya.
"I really miss you,that kiss is not enough! I want more from you Ga. Just like before,me inside you,again and again!"
Nanlaki mata ko ng marinig ang sinabi niya saka ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng hawak niya sa baywang ko,samantalang ramdam ko ang paghaplos ng isang kamay niya sa likod ko pababa sa pang-upo ko.
Nakakapanghina!
BINABASA MO ANG
Skye'Obsession(#Completed) Obsession Series 3
General FictionRhyya and Skye's Story. 3rd obsession series. Repost. #Completed.