chapter21

1.1K 33 0
                                    

Chapter21

#Hurt

#Trisha

Ganito ba talaga ang ginagawa kapag nagmamahal o sadyang ako lang ang gumagawa ng ganito. Ganitong kabaliwan.

"Buntis ka ba talaga?"Mamaya-mayay tanong na naman niya sa akin. Ang bagsik na din ng mga tingin niya. Anytime ata masasapak na niya ako.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Di ko na din kaya yong sakit. Ang sakit.

"Ano ba! Magsalita ka Trisha!"Galit na wika niya sa katamtamang lakas ng boses,ayaw niya yatang makakuha ng atensyon.

"Hindi ka ba talaga naniniwala ha?"Balik tanong ko sa kanya."Imposible ba talaga para sayo ang paniwalaan ako?"

"Yes! Imposible sa akin na paniwalaan ka. I know youre to desperate. Kaya mong gawin ang lahat makapanira ka lang."

Napailing na lang ako. Hindi na ako makapagsalita dala ng pagpipigil kong wag umiyak.

"Stop this nonsense Trish! Please,hayaan mo na kami ni Rhyya."

Double kill!
Triple kill!
Savageeee!

Aray!
Paulit-ulit ata na pinatay ang puso ko sa tuwing sinasabi niya ang mga salitang yan.

"Hindi mo ba talaga kayang magbigay ng chance para sa ating dalawa?"

Umiling si Skye."No,si Rhyya lang kasi ang laman nito. Kahit pa matukso ako sa iba. Si Rhyya pa rin ang nasa puso ko."

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang swerte ni Rhyya.

"Now tigilan na natin to. Wag mo na kaming guluhin. Mahal ko si Rhyya saka malaki na yong anak namin ngayon."

Handa na ba akong isuko siya? Sa ilang taong pakikipaglaban ko para maagaw siya. Susuko pa ba ako?
Napahinga ako ng malalim. Ang tagal ko ng lumalaban,pero kahit minsan di talaga ako manalo-nalo sa labang to. Wala talaga.
Bokya.

"Tumigil ka na please. Nagmamaka-awa ako,tama na. Hayaan mo na kami ni Rhyya. If you really love me,set me free..."

Malungkot siyang nakatingin sa akin,he really love Rhyya,kahit anong gawin kong pagpuno sa kanya noong nagkahiwalay silang dalawa. Useless.
Kasi hindi niya talaga ako natutunang mahalin.

Alam ko namang mangyayari to. Alam ko namang walang patutungan to. Ako lang naman ang palaging naghahabol.
One sided love ee.
Mahirap talaga kapag isa lang ang nagmamahal.
Wala talagang patutunguhan.

Huminga ako ng malalim saka buong tapang akong tumingin sa kanya.

"Buntis ako,Skye,pero kaya ko namang buhayin tong mag-isa. Go on,bumalik ka na kay Rhyya."Ang tapang ng boses ko,pero sa kaloob-looban ko para na akong unti-unting pinapatay sa sakit.. Taas noo akong tumingin sa kanya saka nauna ng tumayo."Goodluck,Skye,sana finally magiging masaya ka na! Sana mahanap mo na ang tunay na katahimikan na matagal mo ng inaasam. Bye,Skye!"Medyo napaos ang boses ko sa huling salitang binitiwan ko,I cant let go Skye,pero kailangan,its time to love myself na rin siguro.

Buong tapang akong humakbang palayo sa kanya,sa totoo lang,nanghihina ang mga tuhod ko,kailangan ko pang kumapit sa mga upuang nandoon just to be strong.

I need to be strong,for the sake of our baby,at least he left me with a very wonderful gift.

"Trish!"I heard him call. But I did not bother to,look back,baka hindi ko na gustuhin pang umalis. Hanggang dito na lang siguro tong mga kabaliwang to.
Ang dami ng nasira dahil sa letseng pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko na siya nilingon pa,saka nagmamadali na akong umalis sa lugar na yon.
With a bleeding heart.😢

#Rhyya

Nasa labas lang naman ako,hindi pa ako umalis agad katunayan nasa loob lang ako ng sasakyan ni Skye.

Nang namataan kong palabas na si Trisha.
Napahinga ako ng malalim saka mabilis na lumabas.

"Lets talk!"Malakas na wika ko para marinig niya ako.

Napahinto naman siya sa paglalakad saka walang emosyong tumingin siya sa akin.

"Ano pa bang pag-uusapan natin,you win it again!"Ramdam ko ang sakit sa boses niya."You always win. Kahit ako naman talaga ang nauna kay Skye,but what did you do. Inagaw mo siya sa akin."

"Alam mong ako ang gusto niya sa umpisa pa lang,gusto mo siya pero ako ang gusto niya."

"Sana iniwasan mo na lang siya ng mga panahong yon.. Alam mo naman diba,alam mo,pero anong ginawa mo,tinalikuran mo ako. Yan ba yong tamang gawain ng isang kaibigan. Sabagay youre a snake."

"Hindi ako ahas,nakita mo ba akong gumapang-gapang sa lupa ha?"Naiinis na wika ko.

"Yah right,hindi ka nga gumagapang kasi,upgraded ka na. Ahas na may paa. Wag mo na nga akong guguluhin,sayong-sayo na si Skye. Dont worry hindi ko na kayo guguluhin,mabubuhay ang anak namin,kahit wala siya!"Mataray na wika niya,saka mabilis akong tinalikuran.

"Hindi pa tayo tapos!"Malakas na wika ko.

Hinarap niya naman ako."Were done,wala na tayong dapat pang pag-usapan. Sana maging masaya ka pa rin,kahit alam mong may nasasaktan kang tao,I believe in karma. Snake friend!"Mataray na tugon nito saka nagmamadali na siyang sumakay sa sasakyan niya.

Napatingin na lang ako sa papalayo niyang sasakyan.

"Ga?"Siya namang dating ni Skye.

Agad ko siyang tinalikuran kaso mabilis niyang nahawakan ang braso ko."Let go of me!"

"Im sorry,"Tanging nasabi niya.

"Youre always saying sorry."

"Yah,I know. But I hope you will forgive me. Wala na tayo ng may mangyari sa amin.."

"So you say hindi mo ako niloko?"

Napatingin siya sa akin. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya."Ga,please wag na nating palakihin to."

"Paano si Trisha?"

"She said she wont bother me anymore."

"Paano yong bata?"

"I will support the baby,kung hahayaan niya akong makita ito."

Natahimik ako sa sinabi niya. Naawa ako kay trisha kahit papano.
Inaamin ko may mali din ako. Alam ko naman talaga na gusto niya si Skye una pa lang. Kaya nga siguro hindi naging maganda ang naging takbo ng relasyon namin ni Skye dati dahil may nasaktan akong tao.

"Umuwi na tayo,Ga,baka hinahanap na tayo ni Skylar."Wika niya sabay,hawak sa baywang ko. Wait lang diba galit ako,pero konting hawak lang ni Skye,nalusaw na yata lahat ng galit sa puso ko.

Pinagbukas niya muna ako ng pinto,saka siya pumunta sa drivers sit.

"Ga,sorry na,babawi ako.."Tumingin muna siya sa akin bago ibinaling sa kalsada ang tingin.

Pano ko matitiis si Skye?
Hay naman kasi.

"Sana last na to Skye,ayaw ko na talagang masangkot ka pa na may kinalaman sa mga babae."

Tumango siya saka marahang hinawakan ang kamay ko. "I love you Ga,. Thank you for everything. For understanding me always."

"Kung di lang kita mahal ee." Wala sa loob na nawika ko.

"And I will always love you,Ga."Matamis naman na wika niya sa akin.

Skye'Obsession(#Completed) Obsession Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon