chapter1

3.9K 89 2
                                    

Chapter1

#First_day_of_work

#Rhyya

Abot-abot na naman ang kaba na nararamdaman ko.
Ewan ko ba,ang maisip na posibleng magkrus muli ang landas namin ni Skye parang nanghihina ako.
Hanggang ngayon may epekto parin siya sa akin. Nagmamadali na ang bawat kilos ko,pano dahil sa pagtatagpo namin ni Skye nahirapan akong makatulog kaya heto,puyat ang beauty ko.

"Sandali lang!!!"Hingal na hingal na wika ko,paano magsasara na kasi yong elavator. Agad akong pumasok nakipagsiksikan pa ako para lang makasakay. Di ako pwedeng malate.

Lagot limang minuto na lang,malalate na ako.

Nang marating ko na ang floor ko halos takbuhin ko na naman ang HR Office. Para malaman kong saan ako maaasign.

"Goodmorning po,Maam."Napahawak pa ako sa dibdib ko pano,nahihirapan na akong huminga.

"What happened to you,Miss Villegas?!"Nakasimangot na tanong niya sa akin.

"So-sorry po,Maam. Hiningal lang."Actually hindi ako ganito pinalaki ng mga magulang ko,pinalaki akong pino ang bawat kilos kaso sa limang taong pakikipagbuno ko sa kahirapan nakalimutan ko ang salitang yon.

"Have a sit."Senyas niya kaya umupo na din ako agad. Sa taas ba naman ng suot kong heels at sa ginawa kong takbo kanina,para akong nakipag-marathon.

"Thank you,Maam."Magalang na wika ko.

"Ok,para sa unang araw mo sa trabaho doon ka muna sa accounting office maasign."Hindi pa siya tapos magsalita ng makarinig kami ng katok sa pinto."Come in."

"Goodmorning,Maam."Magalang na bati ng bagong dating,medyo matanda lang ito sa akin ng ilang taon. Medyo may itsura naman siya.

"Miss Villegas this is Mr. Randall Olarte head supervisor ng Accounting Department Mr. Olarte this is Miss Villegas your trainee."

"Hi,Miss Villegas nice meeting you." Saka napansin ko ang kakaibang ngiti sa labi niya.

"Ikaw na ang bahala sa kanya,Mr. Olarte turuan mo siya sa magiging trabaho niya."

"Yes,Maam. Shall we go,Miss Villegas?"

Tumayo na ako saka sumunod kay Randall,"Mauna na po ako Maam."Paalam ko sa HR bago umalis.

....

"Hello,girl,lunch time na. Tara kain na muna tayo."Napahinto ako sa pagtipa sa keyboard ng magsalita ang kasama  kong si Arya.

"Huh? Sige mauna ka na. May baon naman ako."Sa totoo lang wala akong planong makihalubilo ngayon,at isa pa nagbubudget ako. Ang dami ko pang kailangang bayaran.

"Saan mo balak kumain?"Makulit pa rin na wika nito.

"Dito na lang."Matipid na sagot ko. Mas safe ako dito,baka makita ko pa doon si Skye sa canteen. Kahit malabong mangyari kailangan kong mag-ingat. Ayon naman kay Arya,once in a blue moon nagagawi dito ang Bigboss kadalasan pinapatawag na lang si Randall kung may kailangan siya.

"Sige mauna na ako."

"Sige."Nang makaalis na siya saka ko naman pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ilang saglit pa nakadama ako ng gutom. Pasilip-silip pa ako sa ibang cubicle kung may tao pa ba,ng matanto kong nag-iisa na lang ako saka ko kinuha ang baon ko.
Hindi naman sa ikinakahiya ko ang ulam ko kaso,masyadong out of place ang ulam ko,pritong itlog at tuyo.

Hay,saklap ng life ko,kung noon di ako kumakain ng ganitong pagkain ngayon ito na ang favorite food ko.
Masaya na akong magkaulam ng ganito.

Gutom na ako kaya magana akong kumain sa sobrang gana di ko na napansin na may ka-officemate na akong pabalik."Ewww,whats that smell?"Napayuko ako ng marinig ang reklamo ng isa sa mga kasamhan ko. Ang arte kala mo maganda!

"Hey,you!"

Palinga-linga ako."Ako?"

"Oo,meron pa bang iba! Unless my ghost kang katabi."Nanakot ba siya o nang-aasar!

Haisst. Dami naman yatang pabida sa lugar na to.

"Bakit?"

"Wag ka ngang kumain dito,maghanap ka ng lugar mo. Aircon tong office kaya malamang,nangangamoy tuyo na tong office,palibhasa dukha!"Maarteng wika nito. Saka nagtawanan pa sila. Napanting ang tainga ko sa narinig,oo alam ko namang mahirap na ako pero wala pang nanglalait sa akin ng ganon. Kaso unang araw ko pa lang dito. Kaya ang ginawa ko,niligpit ko na lang ang lunchbox ko.

"Ok na,tapos na akong kumain."Mahinang wika ko. Kahit ang totoo hindi pa. Kaso umurong lahat ng gana ko,dahil sa panglalait ng mga officemate ko sa akin.

"Common,pano ba yan nakapasok dito,dapat sa kanya nasa utility department mas bagay siya doon."Pinagtatawanan ba nila ako. Mga walanghiya!

Sumusobra na sila!

Akmang sasagot na sana ako ng biglang dumating si Arya at ipinagtanggol ako."Hoy,tigilan nyo tong si Rhyya,insecure lang kayo ee. Dahil si Bigboss mismo ang nag-interview sa kanya." May dapat ba akong ikasaya sa bagay na yon. Kung alam lang nila kung ano si Skye dati ay Mr. Ganz pala baka hindi lang ito ang aabutin ko. Ang bubully ng mga to kala mo ikinaganda nila yon.😦

"Wag na nga nating pag-aksayan ang bitch na yan."Maarteng wika nong isa. Ewan kong anong pangalan nila wala na akong balak pa na alamin.

"Ok ka lang ba,Rhy?"Concerned na tanong nito ng makaalis na yong mga bully kong kasamahan. Marahan lang akong tumango,di lang sana ako naghirap. Kaso tapos na ang kabanatang yon ng buhay ko." Wag mo na lang silang pansinin,ganon talaga sila Ivy hobby na nilang mangbully dito lalo pat bago ka lang."

"Ok lang,di naman nila ako sinaktan."Ayoko ng gulo,kailangan ko ang trabahong to,para may maipadala ako sa mga magulang ko sa Province,may lupa kami doon ngunit pati yon nakasanla na rin.
Naku naman,sana naman malampasan ko ang lahat ng to. Kakapagod din kong minsan.
Unti-unti na din akong nawawalan ng pag-asa na makakaahon pa ako.
Sa hirap na kinasasadlakan ko ngayon.

"Sige na babalik na ako sa desk ko,sigurado ka bang ok ka lang?"

Tumango-tango lang ako. Unang araw pa lang kapagod na. Kinuha ko cp ko saka tiningnan ang wallpaper ko.
Napangiti ako.
Tama,kailangan kong maging matapang.
Kailangan dahil hindi lang ang mga magulang ko ang umaasa sa akin.

Kaya ko to!
Hindi ako susuko.
Ngayon pa.
Ramdam ko ang kakaibang sigla na bumalot sa akin. Madali kong natapos ang mga trabaho ko.

#Skye

Kapagod ang araw na to,kahapon sa di inaasahang pagkakataon nagkrus muli ang landas namin ni Rhyya. Nagulat din ako ng muli siyang makita. Kahit papano guilty pa din ako,dahil sa pang-iwan ko sa kanya noon. Naging duwag ako at diko siya pinaglaban para makuha kay Phoenix. Dahil sa kagaguhan ko noon,nadamay pati ang lovelife ko.

Mabilis kong tinungga ang laman ng baso ko,nandito ako sa isang sikat na bar,unang beses pa lang akong nagawi dito. Hindi ko alam pano ako napunta dito,hindi naman ito ang dati kong tambayan.

Ang lalim ng iniisip ko ng bigla kong narinig na nagsipulan ang mga customer na nandoon,saka biglang tumugtog ang isang maharot na musika. Nacurious ako kasi biglang umusok yong stage,baka may live show yon ang unang naisip ko.

May live show nga,kasi lumabas mula sa ilalim ng stage ang isang babaeng nakasuot ng itim na maskara.
Maharot ang bawat pag-indak ng katawan niya.
Kahit sinong tumingin talagang maakit sa kanya.

Nakuha niya ang atensyon ko,ang ganda ng hubog ng katawan niya. Nakakaakit.

Sigurado akong maganda ang mukha sa likod ng maskarang itim.

"More,more,more,Miss Raine!"Dinig kong sabay-sabay na hiyaw ng mga lalaking nandoon. Shit!
Halos di na ako makahinga ng mag-umpisa siyang ibaba ang suot niyang sobrang ikling short,saka itinapon niya ito sa mga lalaking nandoon. Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko.
She was dancing with almost nothing. Naka-Tback na lang siya,saka nakasuot ng sobrang sexy na bra.

"Sino siya?"Tanong ko sa bartender na nandoon na naglaway na din sa live show nong babae.

"Hindi ko pa nakita ang mukha niya,Sir ilang buwan na din siyang sumasayaw dito."Namamaos ba ang boses nito dala ng matinding libog!
Shit!

"Pwede ba siyang itake-out?"Diretsang tanong ko.

Umiling lang ang bartender tanda na hindi pwedeng itake-out ang babae.
Damn it!
Kailangan ko siyang makilala.
Kailangan!😕

Skye'Obsession(#Completed) Obsession Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon