Obsession Series 3
Title= #Skye_Obsession
Author= Rochelle ChePrologue
#Rhyya
"Rhyya Marie Villegas!"Malakas na tawag ng babaeng naka-uniform sa harap ko,malalim akong huminga saka mabilis na tumayo. Ang higpit ng hawak ko folder na hawak ko,na para bang doon ako kumukuha ng lakas. "Miss Villegas,youre next."Sabi nito sa akin pagkalapit ko sa kanya.
"Yes,Maam,thank you."Magalang na sagot ko sa kanya.
"I will you call you again."Muli na namang wika nito sa akin.
This is not my first time na mag-apply,pero hindi ko maipaliwanag ang kabang bumabalot sa buong sistema ko.
Inhale,exhale.Grabe para akong natatae na ewan.
Ano ba kasing meron at kanina pa ako nagkakaganito hindi naman ako ganito sa huling Company na pinagtrabahuan ko,sad to say,natapos na ang contract ko doon,kaya eto naghahanap na naman ng panibagong trabaho.
"MissVillegas,pwede ka ng pumasok."
"Ah,ok,thank you,Miss."Inayos ko muna ang nagusot kong damit bago pumasok kailangan ko pang kumapit sa doorknob para kumuha ng lakas doon. Kumatok muna ako ng tatlong beses,bago dahan-dahan na binuksan ang pinto. Napahanga ako sa ganda ng paligid,ang sinop ng Bigboss,ang linis ng office niya. Nakatayo lang muna ako kasi nakatalikod yong Bigboss,mukhang busy ito. Ano bang dapat gawin?
Dapat ba akong gumawa ng ingay para malaman niya na nandito na ako."Have a sit,MissVillegas."Napaiktad ako ng marinig ang pamilyar na boses na yon. Pero may kakaiba sa boses na yon,parang ang cold. Umupo na ako saka pinagkibit balikat na lang ang pamilyar na boses na yon,pano naman kasi kaboses niya yong taong dati ay mahalaga sa akin. Dati na kasi past tense na.
Umusal muna ako ng maikling panalangin,sana matanggap ako dito,malaki kasi ang pasahod nila saka maraming benifits,anut-anuman ang mangyari kailangan akong matanggap sa work na to.
"So,ayon dito sa records mo undergrad ka?"Nag-umpisa na ba siyang mag-interview bakit parang nakatago siya. Takot ba siya sa akin? Hindi ko tuloy makita ang mukha niya.
"Yes,Sir hindi po ako nakagraduate."Nakayuko ako,ayoko na kasi sanang alalahanin ang mga nangyari dati kaso sa simpleng tanong lang na yon,nabuhay lahat ang hirap na matagal ko ng itinatago.
'Tell me what happened?"Cold pa din na wika nito.
"Ho?"Ayaw ko na sana kasing pag-usapan. Bakit ba kailangan niya pang malaman wala naman siguro yong connection sa magiging trabaho ko kung sakali.
"I ask you,bakit hindi ka nakapagtapos?"Ulit niya sa tanong niya kanina.
"Sir,does it matter? Ayaw ko na sanang pag-usapan yon. It brings back a lot of heartache,Sir."Sana naman hindi na siya mangulit,ayaw ko talagang magkwento,wala akong time sa ganon. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ng malakas ang Cp ko,shit!
Lagot! Agad kong binuksan ang bag ko,nasan na ba yong phone ko."May I remind you,Miss nasa job inteview ka!"Kung cold yong voice niya dati,mas naging cold na ito ngayon,galit na yata ito.
"S-sorry Sir."Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makita ko na ang cp. Ini-off ko na ito.
"Miss Villegas..."Para akong nanginig ng magpakita na siya sa akin finally.. Akala ko kaboses niya lang,akala ko,basta akala ko. Pagkatapos ng limang taon,hindi na ako nag-eexpect pa na magkita kami uli. Mabuti na lang nakaupo ako,kung hindi baka kanina pa ako natumba. Nanuyo din ang lalamunan ko,parang di na din yata ako makahinga. Yong feeling na ganon. After 5 years ang dami ng nagbago,maski siya ang laki na din ng ipinagbago.
"Miss Villegas,bakit dapat kitang ihire?"Walang gatol na tanong niya.
Nakatingin lang ako sa kanya,nablanko ako ng makita ko siya,nawala ako bigla sa focus. Hanggang ngayon ba naman! Akala ko na nakamove-on na ako!
My gus,limang taon na kaming di nagkikita."Miss Villegas!!!!"Uulitin niya siguro yong tanong niya,mabuti na lang nakabalik na ako sa focus.
"I need this job,Sir. May pamilya akong binubuhay!"Matapang na sagot ko.
"Binubuhay?"Nakataas kilay na tanong niya. Well di naman kapani-paniwala yon sa dati kong buhay na pinagmulan.
"Yes,Sir,binubuhay. Sa ngayon,ako na lang ang bumubuhay sa pamilya ko,isa kami sa tinamaan ng crisis,nabankrupt ang business ng mga magulang ko."Ano pa bang silbi ng hindi pagkukwento kong yon ang maging daan para matanggap ako. Ayaw ko na sana dito kaso,wala na akong ibang choice nandito na ako.
"Youre hired."Para akong nabingi ng marinig ang sinabi niya.
"Totoo,Sir?"Hindi ako makapaniwala,yes,may trabaho na din ako,Thank you,Lord. Kahit pa siya ang Boss ok lang,malaki naman itong Company niya,maliit lang ang chance na magkita kami. Atsaka masyadong busy ang mga katulad niya. Matamis ko siyang nginitian. Kahit papano may maganda pa ding nangyari sa araw na to. Mabuti na lang tinanggap niya ako,paubos na din kasi ang pera ko.
"Thank you,Mr. Skye Ganz. Malaking tulong na tong pagkapasok ko dito."Masaya ako. Kahit minsan bitter ako kapag naiisip ang mga nangyari. I love him once,hay hindi ata once,hanggang ngayon pa ata.
"Mag-uumpisa ka na bukas. Pwede ka ng umalis."Walang emosyong wika niya.
Nalungkot ako ng marinig ang sinabi niya,pinapaalis na niya ako agad. Wala pa nga yatang 30 minutes kaming nagkaharap,iba na nga siya. Kung makaasta siya parang di niya ako kilala. Parang wala kaming pinagsamahan. Kungsabagay ano na lang ba kasi ako ngayon. Mahirap pa sa daga.
Tumango na ako saka tumayo na,"Thank you,Sir for hiring me,makakaasa kang hindi ko sasayangin ang oppurtunity na ibinigay mo sa akin."Hindi na siya sumagot kaya,nag-uumpisa na akong maglakad sa kanya palayo.
Gusto ko sana siyang lingunin kaso,wag na lang. Masasaktan lang ako.
Palabas na ako sa office niya ng may papasok namang isang napakagandang babae sa office niya,'Hi,babe." Hindi ko pa tuluyang naisara ang pinto kaya nadinig ko ang malambing na boses ng babae. Agad ko na lang isinara ang pinto,nagsisikip kasi ang dibdib ko. Tama,dapat ko na siyang kalimutan,biruin mo sa loob ng limang taon ni hindi man lang niya ako hinanap. Kasi naman madali lang akong mapalitan. Mabuti pa siya,masaya na. Ee ako heto.
Hay I need to forget him,kasi masyado ng malayo ang agwat naming dalawa. Hindi na ako mayaman na tulad ng dati hindi na kami magkapantay ngayon. Ang isipin ko na lang kung paano ko maiiraos ang pang-araw-araw na pangangailangan namin.
Forget,Skye,nagbago na siya. Hindi na siya ang Skye na dating minahal ko.
Nakaya ko namang mabuhay ng limang taon na wala siya.
Bahala na,basta iiwasan ko siya sa abot ng aking makakaya.😕
BINABASA MO ANG
Skye'Obsession(#Completed) Obsession Series 3
Fiksi UmumRhyya and Skye's Story. 3rd obsession series. Repost. #Completed.