chapter15

1.9K 43 0
                                    

Chapter15
Skyes Obsession

#Forgive

#Rhyya

"Ok na ba kayo?"Namula ako ng madatnan kami ng mga magulang ko na magkahawak kamay. Alam ko di madaling mapatawad ang mga nagawa ni Skye sa akin,kaso nanaig ang pagmamahal ko sa kanya.

"I will win your daughter's heart again,Tito,Tita."Seryosong sagot niya sa mga magulang ko.

Seryoso ding nakatingin sa kanya si Dad."Better make sure na hindi na masasaktan ang anak ko,Skye,you hurt her once,hindi ko na hahayaan na ulitin mo pa yon!"

Kita ko ang paglunok ni Skye,masyado ata siyang natakot ni Dad,sabagay kilala ni Skye ang Dad ko at alam niya kong paano ito magalit."Shes our only child,Skye,nag-iisa lang siya kaya hindi talaga kami nasiyahan ng makita namin siyang nasasaktan dahil sa kagagawan mo. Ipagkakatiwala namin siya sayo sa ikalawang pagkakataon,just make sure hindi mo na ulit siya sasaktan. Kung hindi,hindi mo na makikita pa ang mag-ina mo kahit kailan!"Napailing na lang ako ng marinig ang sinabi ni Dad,ito talagang si Dad masyadong,protective.

"Dad,tama na yan,naiparating mo na sa kanya,ang mga gusto mo."Malumanay na wika ko. Namutla na ata si Skye.

"Ano,magsalita ka!"Dad talaga ayaw pang tigilan si Skye.

"Promise po,Tito,I will not hurt her again. Hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikasasakit ng loob niya. I promise to love her,kasama ang anak namin."

Tumango si Dad bilang sagot."Kung tanggap ka na ng anak ko wala na akong rason,para hindi ka patawarin. Pinapatawad na kita,dahil alam kong mahal ka ng anak ko at alang-alang sa apo kong sabik na makilala ang Tatay niya.."Dad,naman,kailangan pa talagang ivoice out,magpapakipot pa ako ee.😂

"Thank you po. Thank you po,sa second chance na ibinigay nyo sa akin. Sana bigyan din ako ng chance ng anak nyo,sana mapatawad din niya ako."

Napailing na lang ako sa kadramahan niya,seriously?
Parang hindi si Skye to,ang bait niya sa harap ng mga magulang ko!

May sanib ata!
Sana hindi na umalis yong sumapi sa kanya,para maging mabait na siya😂

....

"Ang saya mo ata!"Puna ko kay Skye na pangiti-ngiti habang binabaktas namin ang daan papunta sa ilog na sakop ng lupa namin. Palagi kasi akong napapasyal doon namiss ko lang ang lugar kaya naisipan kong pumasyal doon ngayon kasama siya.

"Ok na kami ng parents mo. Ibig sabihin hindi ka na nila iguguyo kay Phoenix!"

Napataas ang kilay ko ng marinig ang sinabi niya.
Pano naman napasok sa usapan si Phoenix?

"Paano napasok sa usapan si Phoenix,nanahimik naman yata yong tao!"Naiinis na wika ko sa kanya. Saka nauna ng maglakad.

"Hey,wait."Napabalik ako mga bisig niya ng may kalakasan niya akong hinila. Napayakap tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.

"Ano ka ba! Bitiwan mo nga ako!"Ganon na lang ang paglaki ng mga mata ko ng maramdamang mahigpit niya akong niyakap.. Tuluyan na din akong napasubsub sa dibdib niya.

"I miss you,Ga!"Mainit na bulong niya,na naghatid ng kakaibang sensasyon sa kaliit-liitang himaymay ng katawan ko. Feeling ko nanghihina ang tuhod ko. Mabuti na lang yakap niya ako.

"B-bitiw na,"Mahinang wika ko. Kahit ang totoo,gusto kong maging maging matapang!

"No,hayaan mo na muna ako kahit sandali lang,wag ka ng magalit. Dati pa akong asar kay Phoenix,alam mo yon! Nagseselos ako sa kanya,lalo nat siya ang kasama mo nong mga panahong wala ako."

Napalunok ako,tama siya. Baka lalo siyang maasar kapag nalaman niya na Daddy ang tawag ni Skylar kay Phoenix!

Kahit pinagtaguan ko si Phoenix,nahanap niya pa rin ako,saka hindi siya sumukong makipaglapit sa akin,kaso waley. Hanggang special friend lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Skylar call him,Daddy."Wala sa loob na wika ko. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko,tanda na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Bakit,Daddy!? Pwede namang iba na lang!"Halata sa boses niya ang tinitimping inis.

"I dont know! Basta narinig ko na lang isang araw,tinawag ni Skylar na Daddy si Phoenix. Hindi naman namin siya tinuruan."

"Ah,basta! Naiinis ako"Parang batang wika nito.

"Alangan namang pagalitan namin si Skylar! Pero kinausap ko na siya sabi ko,Tito na lang itawag kay Phoenix,kaso ayaw niya,umiiyak siya everytime na pinagsasabihan ko."Naasar na din ako sa kakitiran ng lalaking to! Hmmp,nawalan na ako ng ganang,mamasyal."Bumalik na lang tayo sa bahay,nawalan na ako ng ganang mamasyal!"Naiinis na wika ko saka buong lakas na kumawala mula kay Skye,ng makawala na ako sa kanya,saka ako nagmamadaling tumalikod sa kanya saka tinahak ang daan pabalik. Bumalik na naman ang dating ugali nito.

"Wait,comeback here!"Malakas na sigaw nito. Sa sobrang lakas,nagliparan pa ata ang mga ibon,sa paligid. Kita mo ugali nito,hindi pa nga tapos ang isang araw mula ng magkaayos kami.

Tumigil ako sa di kalayuan saka nakapameywang na hinarap siya."Umuwi na tayo,nawalan na ako ng ganang mamasyal."Walang ganang wika ko.

Mabilis siyang nakalapit sa akin."Im sorry."

Sorry na naman!
Psssh!
Nakakasawa na!

"Hindi ka parin nagbabago,ang kitid pa din ng utak mo! Kailan mo ba matatanggap na naging bahagi na ng buhay natin si Phoenix,dati pa. Hindi na natin mababago yon! Kahit bali-baliktarin pa natin ang mundo!"Galit na wika ko,kailan ba niya maiintindihan yon!

Kita ko ang pagkalma ng mukha niya,parang natauhan ata siya bigla."Hey,tama na."Malumanay na wika niya."Ok,I get it,tama ka,mali ako."Talunan na wika nito."Pero di mo maiaalis sa akin ang makaramdam ng ganito. Nagseselos ako sa kanya! At sa lahat ng lalaki na umaaligid sayo. I want you to be mine only!"

Napatawa ako ng hilaw ng marinig ang sinabi niya."Yan ang hirap sayo,masyado kang ewan! Kailan ka ba magtitiwala sa akin. Hindi ako babaeng pakawala alam mo yan! Hindi ako pumapatol ng basta-basta! Nag-iisa ka lang na lalaki sa buhay ko. Kahit pa hindi LANG ako ang naging babae sa buhay mo. Inintindi kita dati,tinanggap pero anong sinukli mo? Ano? Ikaw pa ang may kasalanan ikaw pa ang may ganang mang-iwan!" Naalala ko na naman tuloy ang mapait na katotohanan. Nagpakatanga ako kay Skye dati,kahit alam kong may nirape siya. Pero anong isinukli nito.
Puro sakit at kabiguan.

"Ga,pasensya na. Hindi ko nakontrol yong emosyon ko. Ito yong isa sa uunahin kong baguhin."

"Wag na,mukhang di na yata talaga tayo magkakaayos. Youre to impossible to handle."

"Ga,dont give up on me,please. Napakaswerte ko dahil sa kabila ng kagaguhan ko dati,nanatili ka sa tabi ko. Kahit nong malaman mo na nirape ko si Aloira,you still stayed by my side."Parang piniga ang puso ko ng makitang nanubig ang gilid ng mga mata niya. Parang maiiyak na siya.

"Control youre temper,napaka-mainitin ng ulo mo. Talo mo pa ang may Highblood pressure."Kumalma na din ako kahit papano. Ito naman talaga ako,mahina pagdating sa kanya.
Walang kasing hina.

"Gagawin ko yan. Wag ka ng magalit,saka sana wag kang magsawa sa mga sorry ko. Kapag nagsosorry ko ako it only mean one thing...."

Napataas kilay ako dahil sa pambibitin niya!"Ano?"

"I love you! It means I love you. Im sorry,means I love you. I love you! I love you! I love you! I love you! I love you! I love you very much!"Napahawak ako sa puso ko,kaloka naman kasi,isigaw ba naman ang mga katagang yon!
Na matagal ko ng inaasam na marinig buhat sa kanya.
Ito na yon.

"Pssst,tama na baka mausog tayo! Nasa gubat kaya tayo!"Saway ko sa kanya.

"I love you."This time nakatingin na siya sa mga mata ko,pakiramdam ko tuloy kinapos na naman ako ng hininga. Puso,Lungs,Liver,kapit lang kayo. Magpapakipot pa tayo,Liver wag kang magpump ng maraming vile ayokong magblush,Puso kapit ka,baka pumutok ka sa sobrang lakas ng tibok mo. Saka lungs,double time ka naman sa pagbibigay ng oxygen,baka kasi himatayin na ako dito.😂😂😂.

Skye'Obsession(#Completed) Obsession Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon