CHAPTER 01/4: When I Think Of You

7.5K 104 4
                                    

TIM POV

Medyo malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit anong gawin ko, hindi parin ako makatulog.

Pagod naman ako sa practice ng basketball kanina kaya dapat masarap na ang tulog ko ngayon pero heto... para akong tanga na nakatambay mag-isa sa terrace ng dorm.

At yong asshole na Ai Nick na yon, wala ng ibang ginawa kundi manuod ng manuod ng horror at action.

Buti sana kung gumagamit ng headset. Eh halos rinig na sa buong apartment building sa lakas ng volume.

*sigh*

But suddenly, biglang bumalik sa alaala ko yong mga pangyayari kanina. At ang mukha nong magandang babae na sinagip ko sa harap ng Private Building.

Bigla nalang akong napangiti nong maalala ko yong hitsura niya.

Para siyang batang nahihiya at natatakot habang senesermunan ko kanina. At wala akong ibang masabi kundi ang cute nya.

Gustong gusto ko kung paano nya ko tingnan at kausapin kanina.

Yong ngiti nya... yong mukha nya... yong lips at mata nya. For me, she's so perfect!

At sa hitsura pa lang ng pananamit at pagkilos niya, hindi nako magtataka kung bakit sa Private Building siya nanggaling.

Dahil alam kong lahat ng students na naroon ay mayayaman at may sariling sasakyan.

Kaya hindi narin ako magtataka kung bakit halos ng mga kaklase ko, ayaw sa mga private students dahil daw sa mayayabang at pangit ang mga ugali nila.

Kahit naman ako, wala niisang kaibigan mula roon.
 
Pero sa second year ko na dito sa University, ito palang ang unang pagkakataon na makatagpo ako ng isang private student na mahinhin, mabait, mahiyain at parang maliit na batang alagain.

Sigurado ba syang tao talaga sya o isa syang anghel na bumagsak sa lupa?

"Ai TIMMM!!!"

Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa tenga ko na halos ikabasag na ng eardrums ko.

I turned my head and frowned at the guy who's standing at my back yelling at me.

"Ai Nick ano ba?! Hindi ako bingi para sigawan mo ng ganyan! " sermon ko sa kanya sabay batok sa ulo.

He groaned and rubbed his head, "I know my friend! Pero kasi kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka namang naririnig! Ano bang problema?"

"Kanina... kanina ka pa nandito?" i asked him like my mind is out of the world.

"Aaw Tim, mukha ba kong nagbibiro? Oo nga kasi! Pero hindi mo manlang ako pinapansin tsk. Ano ba kasi yang iniisip mo?"

Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa isang babae dahil hindi ako titigilan ng bokong nato. Isa pa, baka asarin lang niya ako ng sobra.

*sigh*

"Wala. Wala akong iniisip." i answered coldly and looked away.

"Weeeh, di nga? Talaga bang wala? Baka nakakalimutan mo may friend, matagal na tayong magkaibigan at ngayon lang kita nakitang ganyan mag-isip. Sobrang deep my friend! Mas malalim pa sa balon alam mo ba yon?"

As i said🙄 And as always, he's talkative.

I could only let out a sigh and ignored him. Dahil may point nga naman ang sinabi niya.

Okay na sana eh. Kaya lang biglang...

"Ehem! Ehem! I smell something fishy my friend!"

He suddenly burst out while grinning. Wala naman akong ideya sa gusto niyang iparating.

I frowned, "What are you saying?"

He stepped closer and wrapped his arm around my shoulder.

"Tell me my friend... dahil ba yan sa babae?"

Sometimes, i don't understand this guy. I don't know kung may lahi ba syang manghuhula o sadyang napakatsismoso lang.

I shrugged him off, "Ai Nick tigilan mo nga ako! Wala nga sabi!"

Pero dahil makulit sya, inakbayan nya ko ulit.

"Its okay my friend. I really understand you. You know why? Dahil sa Mr. Virgin na katulad mo- Aaw!"

I didn't let him to continue when he deserves a hit on the head.

"Why did you hit me again?!" now, he's yelling at me again.

"Shit Ai Nick! I told you don't call me like that!" i yelled back at him.

I really hate when he's calling me like that. I don't know but im so irritated!

"Fine! Fine! Hindi na mauulit. I'll never call you like that again! But let me call you for the last-"

I cut him off and glared at him, "Do you want to die?!"


AUTHOR POV

Malakas na sigawan at batuhan ng mga masasamang salita na lamang ang maririnig mo mula sa dalawa. Na halos umaalingawngaw na sa buong third floor building ng apartment. 

Pero parang walang pakialam ang dalawa. Patuloy parin silang nagsasagutan at parang mga batang nag-aasaran.

But by the way, let me introduce to you Tim's bestfriend.

Meet NICK STEVEN SUSSHARAT. 19 years old half Thai and half Pilipino like Tim. But Nick was born in Thailand. Thai ang mother nya at Pilipino naman ang father nya. And he is only child.

Nick is more handsome than Tim, taller than Tim at mas light din ang skin kaysa kay Tim.

But Tim is much matured than him. Nick is very talkative, annoying, tsismoso, isip bata at minsan may pagkamanyak din. Pero lahat yon baliwala na kay Tim. Because Nick was his highschool friend. At matagal na nyang kilala ang ugali nito.

Actually, hindi lang si Nick at Tim ang magkaibigan. May kasamahan pa silang tatlo and they are JC, Garrie, and James.

That guy named JC, sa ibang bansa na nagpatuloy ng pag-aaral habang si Garrie at James naman, sa ibang University sa Pilipinas. At silang dalawa naman ni Tim ang magkasama at magkaklase sa iisang University. 

Pero tuwing bakasyon, nagkikita-kita ang lima at naghahang-out na magkakasama.
















[Completed]Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon