Tahimik at malalim na ang gabi. Ngunit hindi ito alintana sa isang magandang babae na nakadungaw sa may bintana.
Tulad ng mga bituwin sa kalangitan ang kislap ng kanyang mapupungay na mga mata.
At kasing liwanag naman ng buwan ang kulay ng kanyang balat.
Gumuguhit rin sa kanyang mga mapupulang labi ang napakagandang ngiti habang pinagmamasdan ang paligid.
Malamig ang simoy ng hangin. Napakagaan na pakiramdam ang makikita mo sa maamo niyang mukha. Habang sumasabay naman sa ihip ng hangin ang paglipad ng kanyang malambot at mahabang buhok.
CHUNGCHA POV
Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog. Ayaw parin akong dalawin ng antok. Kainis! Bat ngayon pa? Kung kailan first day of school bukas.
Im sure, mapupuyat ako neto. At tendency, baka malate pakong pumasok. Naku namaaaan...
But by the way, let me intoduce myself first. My name is CAYSSIE CHARREEN JHEONG.
Im 18 years old. From the word "jheong", im a half korean and half pilipina. Pilipina si mom at Koreano naman si dad.
Only child lang ako sa pamilya kaya lahat ng gusto ko naiibigay agad ni mom. Or lets just say, may kaya kami sa buhay.
Bago kasi mamatay si lola, ipinamana na niya kay mom ang mansyon, ang hotel at restaurant cafe.
Yeap, we have our own hotel and cafe and my mom was the manager and of course, the owner.
About naman kay dad, bata pa lang ako ng maghiwalay na sila ni mom. Nagkaroon kasi ng ibang babae si dad.
At ang babaeng yon, ang present wife nya ngayon. At sa ibang bansa na sila naninirahan.
Pero balita ko, meron na daw akong step sister and her name was Seulbi.
Siguro, kaya hindi ako makatulog dahil sa dami kong iniisip. At number one sa problema ko, ang ex kong si Ivan.
Kaya naisipan kong bumangon sa kama at magpahangin na muna sa may bintana. Baka sakaling dalawin narin ako ng antok maya-maya.
Napakaganda ng paligid. Maraming bituwin at sobrang liwanag ng buwan. At napakasarap sa pakiramdam ang lamig ng simoy ng hangin. Feeling ko tuloy, medyo narerelax na ng kunti yong pakiramdam ko.
Pero yong feeling na yon... parang bula na bigla nalang naglaho. At napalitan ng mabilis na pagtibok ng aking puso.
Bumungad sa paningin ko ang isang matipunong pangangatawan ng isang lalaki.
Nakaupo siya sa may balcony ng kanyang dorm na katapat lang ng bahay namin. At kitang kita ko mula rito ang hubog ng kanyang pangangatawan dahil halos magkatapat lang ang bintana na kinaroroonan namin.
Wala siyang pantaas na kasuotan. Tila itim na short lamang ang suot niya sa pang-ibabang bahagi. Siguro'y nagpapahangin din siya katulad ko.
Ngunit malas, hindi ko makita ang kanyang mukha. Nakatalikod kasi siya kaya hindi ko manlang masulyapan ang kanyang mukha.
Pero iisa lang ang nasisiguro ko, kahit madilim ang paligid at tanging lamp shade lang ang ilaw ang makikita mo mula sa kanyang kwarto, sapat na ang liwanag upang makita mo ang kulay at hubog niya.
Hindi siya kaputian pero maganda ang hugis ng kanyang pangangatawan. Im sure, tulad ng mga leading man sa pelikula, gwapo at maraming abs? Tapos kasing lawak ng dagat ang malapad niyang dibdib.
*gulped*
*blinks*
No ChungCha, stop it! Hindi kana dapat nagpapadala sa emosyon mo. Gusto mo ba ulit masaktan? Gusto mo ba ulit maloko? Not again ChungCha, not anymore...
BINABASA MO ANG
[Completed]Love at First Sight
Romance[expect the wrong grammar but you are free to correct me, thank you🖤] Timothy, isang gwapong half-Thai scholar sa IT Department. Matangkad, dark-skinned, matipuno ang pangangatawan, simple, dedicated at matapang na lalaki. Chung Cha is a half-Kor...