[at the dorm]
Katatapos lang ng morning class ng magkaibigang Ai Nick at Ai Tim. Kaya napagkasunduan ng dalawa na sa dorm nalang magpalipas ng oras. Total, tatlong oras pa naman bago magsimula ang susunod nilang klase.
Pagdating sa dorm, panunuod agad ng action movie ang inatupag ni Nick. At tulad ng nakaugalian niya, nakahigh volume nanaman ang speakers sa kanyang tabi.
" asshole Ai Nick! Patayin mo nga yan! "- sigaw ni Tim na kalalabas lang ng bathroom.
Nagshower kasi siya sandali at nagpalit ng uniporme. Dahil sa pagmamadali niya kanina, hindi na niya nagawang maligo para lang makahabol sa mornig class. Isa pa, pawisan siya galing sa basketball practice kanina.
Ngunit tila hindi siya narinig ng kaibigan dahil patuloy parin ito sa panunuod at mukhang nag-eenjoy sa nakikita. Nagmumukha pa itong parang bata habang ginagaya ang mga fight scenes ng characters sa pinapanuod niya.
Napabuntong hininga nalang si Tim at napailing ng ulo. Saka nalang niya sinampay sa upuan malapit sa bintana ang ginamit niyang towel sa pagshashower. Ngunit tila may kung anong umudyok sa kanya dahilan na mapatingin siya sa labas. At napatanaw siya sa katapat na bintana ng malaking mansyon na katabi ng apartment building na tinitirhan nila. At sumagi nanaman sa isipan niya ang magandang babaeng ilang beses na niyang natanaw sa bintanang iyon tuwing gabi. Ngunit kahit ilang beses na niya itong napansin, ni hindi manlang niya nasilayan ang mukha ng babae. Ngunit nasisiguro niyang maganda ito, balingkinitan ang pangangatawan, maputi at makinis ang balat. Kaya naman hindi niya maiwasang hindi mapatanong sa sarili.
" sino kaya sya? "
" HUH? Sinong SYA?! "
React ni Ai Nick na agad itinigil ang panunuod. Saka tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Tim para matanaw din niya kung ano man ang natatanaw ng kanyang kaibigan. But Tim slapped his back head.
" why did you hit me again my friend? Lagi mo nalang ginagawa yan kaya tuloy... lagi akong bagsak sa quiz dahil wala na sa pwesto ang utak ko tsk. "- Nick exclaimed while caressing his own back head.
" wag mo nga akong sisihin kung bakit lagi kang bagsak sa klase. Ang sabihin mo, puro action movie at kalokohan yang laman ng utak mo. Kung nag-aaral ka sana ng mabuti. "- sermon ni Tim sa kanya.
" isa pa, kaninang kinakausap kita hindi ka namamansin. At para kang bingi dahil sa lakas ng volume ng pinapanuod mo. Tapos ngayon, bigla kang susulpot dito? Bakit? "- dagdag niya.
" well.... narinig ko lang naman yong tanong mo kanina. "- Nick answered.
Tim rolled his eyes and sighed.
" you're going to be nosy again. "
" well... yes. "
Natahimik nalang si Tim dahil alam naman niyang may lahing pagkatsismoso tong si Nick. At walang ibang alam kundi mangialam sa bawat kilos niya.
" sya nga pala friend... curious ka ba about sa tinaguriang 'pretty window girl?' Dont deny it. I already heard you asking. "
" window girl? "- Tim asked na napalingon kay Nick with question marks on his head.
BINABASA MO ANG
[Completed]Love at First Sight
Romance[expect the wrong grammar but you are free to correct me, thank you🖤] Timothy, isang gwapong half-Thai scholar sa IT Department. Matangkad, dark-skinned, matipuno ang pangangatawan, simple, dedicated at matapang na lalaki. Chung Cha is a half-Kor...