Isang matalim na titig nalang ang makikita sa mga mata ni Tim habang pinagmamasdan niya ang lalaking papalayo sa kanila.
Parang gusto pa niya itong habulin at paulanan ng sipa at suntok sa sobrang inis ngunit pinipigilan lang niya ang sarili. Isa pa, nasa loob kasi siya ng University at wala sa kanto.
Ngunit bigla siyang natigilan at tuluyang nawala sa isipan niya ang lalaki ng bigla siyang makarinig ng hagulhol.
Agad naman siyang napatingin sa pinanggagalingan niyon at doo'y nakita niya si ChungCha na nakaupo sa semento.
Nakayuko at nakapatong ang kanyang noo sa ibabaw ng dalawa niyang tuhod habang nakayakap naman ang dalawa niyang braso sa kanyang mga binti. Bahagya ding nakasandal sa gulong ng magarang sasakyan ang kanyang likuran habang humahagulhol ng iyak.
Nakaramdam agad ng kaba si Tim ng marinig niya itong umiiyak kaya agad niya itong pinuntahan at nilapitan saka umupo sa tabi ng dalaga. Sumandal narin siya sa gulong ng magarang sasakyan.
"Hey, dont cry." Tim said with his very gently voice but deep inside, he was worried.
Pero hindi manlang siya kinibo ni ChungCha. Patuloy parin ito sa pag-iyak. But if you want to know why she is crying. Let me explain about ChungCha's side.
First, natrauma sya sa ginawang pagsakal sa kanya ni Ivan sa leeg. Na halos malagutan na siya ng hininga at muntik na siyang mamatay.
Second, punong-puno ng takot at kaba ang dibdib niya sa pananakot ni Ivan sa kanya na erereveal na nito ang katotohanan sa kanyang mommy.
And last, natatakot siya sa magiging reaction ng kanyang mommy kung sakaling malaman na nito ang katotohanan.
At yon ang mga bagay na nagpapasakit sa kanyang kalooban. Parang may kung anong kumurot sa kanyang puso. Kaya't hindi na niya napigilang hindi mapaiyak ng sobra. Buti nalang dumating si Tim upang iligtas ulit siya.
<time skip>
Dinala ni Tim sa isang mapayapang lugar si ChungCha. Kung saan walang maraming taong makakakitang umiiyak siya. Isa pa, nais din niyang makausap ang dalaga. Sumama naman ito sa kanya.
[inside the Sports Gym]
Near the swimming pool area, doon dinala ni Tim si ChungCha kung saan madalas silang nagprapractice ng basketball.
Tuwing umaga lang naman ang practice kaya't wala niisang tao ang naroon sa mga ganoong oras.
Napakatahimik na lugar ang gym ngunit pag-iyak at puro sobbing lang ang maririnig mula sa dalawang taong magkatabing nakaupo.
Mula kasi ng lisanin nila ang parking lot at naglakad patungo roon, ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa niisa sa kanila ang kumikibo. Patuloy parin si ChungCha sa pag-iyak na parang isang batang inagawan ng lollipop.
Habang si Tim naman, sumusulyap- sulyap lang ng tingin sa katabi habang pinapakinggan ito sa pag-iyak.
Wala siyang alam gawin. Hindi din naman kasi niya alam kung paano ito patatahanin. Isa pa, hiyang hiya siya sa sarili sa tuwing sumasagi sa isipan niya ang kanyang mga sinabi kanina.
BINABASA MO ANG
[Completed]Love at First Sight
Romance[expect the wrong grammar but you are free to correct me, thank you🖤] Timothy, isang gwapong half-Thai scholar sa IT Department. Matangkad, dark-skinned, matipuno ang pangangatawan, simple, dedicated at matapang na lalaki. Chung Cha is a half-Kor...