Chapter 03/3: Mother's Love

5.1K 81 0
                                    

Habang nagdadrive pauwi si ChungCha, walang ibang laman ang isip niya kundi ang mga sinabi ni Tim sa kanya.

Pinag-iisipan niyang mabuti ang lahat ng advice ni Tim lalo na ang huling pinag-usapan nila ng binata.

' ChungCha.... kaya mo ba talaga? Kaya mo ba talagang sabihin sa kanya ang katotohanan? Kaya mo bang tanggapin ang magiging reaction niya kapag nalaman nya ang totoo? Hindi ko alam. What if magalit sya ng sobra? What if kamuhian nya ko? Kaykayanin mo na bang mag-isa? '

Mga haka haka at pag-aalangan sa isipan niya. Ngunit bigla din niyang naalala...

' walang magulang na kamumuhian ang kanilang anak dahil lang sa isang pagkakamali. '

' all mothers loves their children. '

' trust me ChungCha... '

" how can i trust you Tim? If im afraid to trust again. "- bulong niya sa sarili.

' everything will be okay. '

" sana nga Tim.... Sana nga totoo ang lahat ng sinabi mo. Sana nga... maging okay na ako. "

At muling sumagi sa isipan niya ang pagliligtas sa kanya ng binata, ang kabutihan ng puso nito, mga pag-aadvice sa kanya, paghatid sa kanya sa parking lot at kahit nong abutan siya ng water bottle ni Tim at lalong lalo na ang mga ngiti nito. Thinking those moments made ChungCha's smile and emotionally inside. Hindi niya mapigilang hindi mapaluha when she realized.... may tao pa palang magpapahalaga sa kanya tulad ni Tim. Kahit second time palang nya itong namemeet at hindi pa ganoong kakilala, parang magaan na agad ang loob niya sa binata. Hindi niya maipaliwanag pero iisa lang ang nasisiguro niya. Ibang iba si Tim kay Ivan. Ibang iba ang pakiramdam niya nong first time nyang mameet si Tim kaysa nong una niyang mameet si Ivan. Malayong-malayo ang pagkakaiba ng dalawa.

Habang iniisip ang mga bagay na iyon, hindi na niya namalayang nakarating na pala siya sa garahe ng kanilang mansyon. Ngunit kahit nakapatay na ang makina ng kanyang sasakyan ay nananatili parin siya sa loob. Nais niyang mag-stay muna saglit at para kalmahin ang kaba sa kanyang dibdib.





Mrs. Charlotte POV

Tinawagan ko si ChungCha para sana yayain siyang kumain sa labas at para makausap. Ngunit magdidilim na wala paring ChungChang dumarating sa bahay. Sabi niya kanina, pauwi na daw sya pero hanggang ngayon hindi pa dumarating. Iniisip ko nalang na baka nagkaroon siya ng biglaang klase sa hapon. Sakto, at nagluluto narin ako ng dinner para mamaya. Im sure, magugustuhan niya ito.

Ngunit di kalauna'y, may narinig akong tumutunog na makina ng sasakyan at di kalauna'y tumigil din. May nagpark na sasakyan sa may garahe. Baka si ChungCha na yon. Pero bakit ganon? Bigla akong kinabahan. Tila nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda.

Namalayan ko nalang na bumukas ang pinto. At lumabas sa pintuang iyon ang nag-iisa kong anak na si ChungCha.

" oh anak, nandito kana pala. Akala ko ba maaga ang uwi mo ngayon? Hinintay pa naman kita. "- sabi ko habang busy sa pagluluto.

" im sorry mom. "- tugon lang niya na malungkot ang tinig. Nakatayo siya sa isang sulok habang nakayuko. Namumula ang kanyang mukha at para mong pinagsakluban ng langit at lupa ang kanyang hitsura. Pero parang alam ko na. I know that there's something wrong with my daughter.

[Completed]Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon