NI ISA SA AMIN ni Alivia ay hindi sumubok na kausapin si Tito Cortez nang makabalik at nasa loob na kami ng kotse. Dahil ramdam namin ang tensyong nakapaligid kay Tito na sa hinuha ko'y nagagalit ito hindi lang sa kadahilanang hindi man lang namin nakita si Tita Mikaela dahil nga sa abala ang ginang sa duty nito.
Something is really off with Tito Cortez. As if something is bothering him that's why he's acting so beast mode today.
Mabuti na lamang at naging mabagal na ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Tito nang pauwi na kami, hindi katulad kanina na para bang nagmamadali kaming makapunta sa gasoline station na animo mauubusan ng gas kung hindi agad kami makakarating.
Nang nasa bahay na kami ay pinauna na ako ni Alivia na pumanhik sa aking kwarto dahil kakausapin niya raw ang daddy niya. Maybe it's a good idea kaya tumango na lang ako at tinungo na ang aking silid.
Nagsusuot ako ng t-shirt nang marinig ko ang mabining katok sa pinto ng aking kwarto. Tinapos ko muna ang pagdadamit bago naglakad patungo sa pinto at agad na binuksan iyon sa pag-aakalang si Alivia lang ang kumakatok.
Namumungay ang matang sumalubong sa 'kin nang mag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo ngayon sa bungad ng aking kwarto.
"Tito?"
He smiled at me when he heard that, but a faint one. Nakaramdam ako ng awa sa lalaki dahil sa itsura nito. Parang nawawalan na ito ng pag-asa tungkol sa kung ano man. He's struggling, whether to fight or not.
Dahil ganoon din ang nararamdaman ko sa puntong ito.
"Are you okay? Alivia talk to you, right? Are you feeling well now, Tito?" hindi ito nagsalita ngunit tanging pag-iling lang ang ginawa nito.
"I don't know what should I do, Ferry. I-I... I'm trying to forget you, baby, but fuck! I just can't do it."
Nanlaki na lamang ang mata ko nang bigla ako nitong tinulak papasok sa kwarto at agad na sinara ang pinto. Matapos ay saka ako nito pininid doon. Ni hindi ko maisip kung anong dapat kong maging reaksyon.
"I really wanted to stop, because I know I'm acting so sick for the past few days," panimula pa nito at bakas ang pagkalito sa ekspresyon ng mukha ni Tito.
And I can't find the right word to say. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin. Should I push him away or just let him do what he wanted to do?
Huminga muna ito ng malalim bago ako tiningnan ng diretso sa mata. "I'm a married man with a child, but I've been doing something so wrong and I even involved you. But I don't know how to stop it, Ferry, I don't know what to do anymore. And I... I just fall... fall to you."
Nahigit ko ang aking paghinga matapos nitong sabihin iyon. Pilit pino-proseso ng aking isipan ang kaniyang naging pahayag.
"Y-you can't... Tito, you can't love me the way you love Tita Mikaela. Y-you... you shouldn't, please." Pigil ang pagluhang pahayag ko rito at nanghihinang tinulak ito palayo sa 'kin. Mabuti na lamang at agad din itong humakbang palayo sa akin.
Napayuko ako at hinayaang tumulo ang aking luha. "Kung hi-hindi mo mapipigilan a-ang sarili mong maha... m-mahalin ako. I should leave t-this place, ako na lang ang lalayo par--" bago ko pa man matapos ang nais kong sabihin ay kagyat na muling lumapit sa akin si Tito at saka ako niyakap ng mahigpit.
"No! You're not leaving. You will not, never. You'll stay and live here with us and I... I will try to stop myself from falling to you. Just don't leave, please." Anito, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang mahina nitong pagsinghot maging ang pagyugyog ng balikat nito habang nakayakap pa rin sa akin.

BINABASA MO ANG
I Am Your Sin | R18+ | Completed
Aktuelle Literatur"Sinning" Ferry Martino Cortez Derovanio UNEDITED