PARA AKONG KAKAPUSIN ng hininga nang unti-unting tanggalin ni Tito Cortez ang neck braces ko. At nang tuluyan na nitong matanggal iyon mula sa aking leeg ay basta na lang nitong hinulog iyon sa sahig at pinadausdos ang daliri paibaba sa aking leeg.
"C-Cortez..." Namumungay ang mata at namimigat ang paghingang tawag ko sa pangalan nito.
Ramdam na ramdam ko ang eratikong pagtibok ng aking puso habang humahakbang ito palapit sa 'kin. Nanatiling dumadaiti sa gilid ng leeg ko ang daliri nito, at ni hindi ko magawang kumilos man lang upang lumayo mula sa kaniya. We're just inches apart from each other. Nakakadagdag pa iyon sa kilabot na nararamdaman ko sa aking katawan.
Mayamaya pa ay impit akong napatili nang bigla akong hapitin ni Tito Cortez, gamit ang isa niyang kamay, sa aking beywang dahilan para magtama ang aming mga katawan.
Animo napapasong sinubok kong lumayo mula rito dahil ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan nito ngunit mahigpit lang na kumapit ang kamay nito sa tagiliran ko. Namimigat ang paghinga na tiningala ko ito at tila nangungusap na tiningnan ito diretso sa mata.
Ang kamay nitong kanina ay nasa leeg ko ngayon ay nakasapo na sa likod ng aking ulo at mahinang hinahaplos ang aking buhok. "You're so beautiful, baby." Aniya, mababanaag ang pagkasinsero sa paraan ng pagtingin nito sa 'kin.
Wala sa sariling napalunok na lang ako at mahigpit na napakapit sa kaniyang damit.
"Would you mind if I kiss you?" Untag nito kalaunan ngunit unti-unti nang inilalapit sa 'kin ang kaniyang mukha.
Humugot ako ng malalim na paghinga at ipinikit ang mata, nang dumilat ako ay agad kong inilingkis sa kaniyang batok ang aking dalawang braso at hinatak ito upang halikan. Kasabay ng pagtulo ng butil ng luha mula sa kanan kong mata ay ang pagdiin ng halik niya sa 'kin. At muli akong napapikit upang namnamin ang momentong ito.
"Hmm..." Mahinang ungol ko nang mahina nitong hinatak ang buhok ko paibaba upang mas tumingala pa ang aking ulo saka ako mas hinapit sa kaniya.
Unti-unti nang ginugupo ng init ang buo kong katawan nang maging mas mapaghangad pa ang halikan namin. Tila nagtatalo ang mga labi maging ang dila kung sino ang dapat na masunod. Nag-aalab sa sensuwal na pakiramdam at natutupok ng apoy ng pagnanasa. Mapusok na may pinaghalong rahas at pag-iingat.
Inalis ko mula sa pagkakapulupot ang dalawa kong braso sa kaniyang leeg at hinayaang maglakbay ang aking mga kamay sa kaniyang katawan. Inalis ko ang suot nitong coat at binitawan muna ako nito upang tuluyan ko na iyong matanggal bago muling naglakbay ang kaniyang kamay sa aking katawan. Maging ang sa akin ay ganoon din.
Nang maramdaman ni Tito Cortez na kinakapos na ako ng hininga sa pinagsasaluhan naming halik ay binitawan na nito ang aking labi at bumaba ang halik sa aking panga pababa sa aking leeg. Ang kamay ko naman ay isa-isa nang inaalis mula sa pagkakabutones ang kaniyang suot na polo at muling pinaglandas ang kamay sa kaniyang lantad nang katawan.
I let my hands explore his lean body and defined abs. Alam kong may edad na si Tito Cortez ngunit hindi ko inaasahan na mapapanatili niya ang ganitong uri ng pangangatawan. And as far as I know, he doesn't do work out.
"Ferry..." He groan when he felt my hand on his belt.
Tumigil ito sa paghalik sa akin at sumisigaw sa pagnanasa at the same time pag-aalala ang mata nitong tiningnan ako.
"Do you want us to continue? I know you're not ready for this." Humahangos na anito at marahang kinintalan ng halik ang aking labi.
Sumilay ang ngiti sa aking labi at sinapo ng dalawa kong palad ang mukha nito. "Mahal na mahal kita, Cortez. Ngunit gustuhin ko man na gawin ang makipagtalik sa iyo ay binubundol pa rin ng takot ang dibdib ko. I know you know that I am not ready to do the deed, and I'm very thankful for that. Could you wait for the time that I'm ready to do it, Cortez?" Gumuhit ang nakauunawang ngiti sa labi nito at muli akong hinalikan.

BINABASA MO ANG
I Am Your Sin | R18+ | Completed
General Fiction"Sinning" Ferry Martino Cortez Derovanio UNEDITED