kabanata xxiv

213 6 0
                                    

ANIMO WALANG narinig ang lalaki at nagpatuloy lang sa paglapit sa akin. Nang makalapit ay hinawakan nito ang kamay kong nakataas upang pigilan siya at muli itong humakbang. Ilang pulgada na lamang ang layo nito mula sa akin.

Inangat nito ang kaniyang kamay at sinapo ang aking pisngi. Hindi abot sa matang ngumiti ito bago nagsalita, "I have no family anymore, Ferry. I'm already annulled with Mikaela," malumanay nitong saad at banayad na hinaplos ang aking pisngi.

Tila bombang biglang sumabog ang rebelasyon nitong iyon sa akin. Hindi ko napaghandaan ang mga sinabi niyang iyon.

"P-paanong... akala k-ko... you didn't?" Hindi makapaniwala at naguguluhan kong ani sa kaniya.

Pagod ang matang tiningnan ako ng lalaki at umambang hahawakan ang aking balikat nang umiiling-iling ako saka humakbang paatras mula sa kaniya. Nagsisimula nang muling umagos ang aking mga luha habang nakatingin sa kaniya na hindi pa rin nakakahuma mula a pagkabigla.

"Bakit mo nagawang makipaghiwalay sa k-kaniya?" Pumiyok pa ang aking boses sa naging tanong kong iyon sa kaniya.

Bumalandara ang pagtataka sa kaniyang pagod na mukha at muling sumubok na hawakan ako. "No! H'wag mo akong mahawak-hawakan hanggang hindi mo sinasabi ang dahilan mo kung bakit ka nakipaghiwalay kay Tita Mikaela. Ako ba? Ako ba ang dahila-"

"Yes! Ikaw ang dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan, Ferry. I love you so much that I could risk anything I have just to have you back. Even if it means my family!"

Napaawang na lang ang aking bibig sa tinuran nitong iyon. Nagawa niyang bitawan ang sarili niyang pamilya nang dahil lang sa akin? Ganoon niya 'ko kamahal? Na kahit pamilya na niya ang maging kapalit ay isusugal niya basta bumalik lang ako sa kaniya.

"Baliw ka na. You're fucking insane, Cortez, because what you did is not for love. It's desperation!" Lumuluhang singhal ko sa kaniya ngunit ipinilig lang nito ang ulo at mabilis na humakbang palapit sa akin.

Sinubukan kong tumakbo upang makalayo sa kaniya ngunit naging mabilis ang lalaki at agad akong hinapit sa beywang nang makalapit na ito sa akin dahilan para impit akong mapatili.

Pinaghahampas ko ito sa dibdib upang bitawan ako nito ngunit kinabig lang nito ang aking batok at saka ipinigdikit ang mga labi namin.

Humihikbing napakapit na lang ako sa damit nito at hinayaan lang na magkadikit ang aming mga labi. Nang dahan-dahan nang gumalaw ang labi nito ay napasunod na lamang sa ritmo niyon ang aking labi.

Sa ginawa kong iyon ay mas lalo pa nitong pinaglapit ang aming mga katawan at idiin ang sarili sa akin. Humahangos na nagbitaw ang aming mga labi matapos ang naging halikan namin na iyon.

Naipikit ko na lamang ang mata at napasandal na lang ng aking ulo sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko naman ang isanh kamay nito na humaplos sa aking buhok at ang isa niyang kamay ay mahigpit akong niyakap.

"I'm sorry, baby, for letting you go. Hindi ko na alam ang gagawin ko noon nang malaman ni Mikaela ang namamagitan atin. She even made it worst when she blackmailed me to break up with you, or she'll file a case against us," saad nito dahilan para mapamulagat ako at tiningala ito.

Pumulupot ang dalawa kong braso sa beywang nito na namamagitan sa amin. "Why you didn't tell me?" Bakas ang lungkot sa aking boses.

Huminga ito ng malalim bago yumuko upang tingnan ako, "I can't. She threatened me to make you pay for what we did, Ferry, if you find out about it. At alam ko ang kayang gawin ni Mikaela oras na malaman niyang sinabi ko sa 'yo. Her plans will be damned if that happens. Sinakripisyo ko ang relasyon natin para maprotektahan ka. Because I don't want you to suffer, Ferry." Pahayag nito saka banayad na hinaplos ang aking pisngi.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon