kabanata xxiii

256 4 0
                                    


AGAD AKONG napaatras nang makita ang lalaking nakaupo sa harap ng mesang madalas kong pagpuwestuhan tuwing naririto ako sa karinderya ni Manong Bobet. Naikuyom ko ang kamay na nasa magkabilang gilid ko at humugot ng malalim na paghinga bago inilibot ang tingin sa buong karinderya upang maghanap ng ibang mauupuan.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong may tatlo pang bakanteng mesa. Lumapit ako sa malapit sa pintuan ng kainan at doon pumwesto. Iyon kasi ang malayo mula sa kinauupuan ni Cortez na siyang nakaupo sa paborito kong puwesto.

Nang makita kong patungo si Kuya Henry sa alam niyang favorite spot ko ay agad kong tinawag ang atensyon nito. "Kuya Henry!" Tawag ko sa pangalan niti dahilan para bumaling ang tingin nito sa direksyon ko, maging iyong ibang customers ay napatingin din sa akin.

Hindi ko pinansin ang tingin sa akin at nginitian na lamang ang lalaki habang naglalakad ito patungo sa kinaroroonan ko. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Kuya Henry nang makalapit na ito sa akin at ilapag sa mesa ko ang pananghalian ko na pibre raw nito.

Ngunit hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko upang totohanin na magpalibre sa kaniya. Babayaran ko naman ang kakainin ko, 'no?

"Hindi ko alam na may nakaupo na pala roon, pasensya na, ah? Nakalimutan kong madalas din palang umupo sa paborito mong pwesto si Cortez," anang Kuya Henry habang inilalapag nito ang pagkain ko.

Nagsalubong na lang ang aking kilay ngunit ang aking puso ay hindi pa rin nagiging normal ang pagtibok. Binubundol pa rin ng kaba dahil baka biglang bumaling ang tingin ni Cortez sa aking direksyon at makita ako.

"Okay lang, Kuya. Besides, hindi ko naman pagmamay-ari ang spot na iyon kaya okay lang na may umupong iba roon lalo na't maganda talaga sa puwestong iyon." Nakauunawang ngumiti ako sa kaniya na ikinangiti naman nito.

"H'wag kang mag-alala sa sunod ay palalagyan ko na ng pangalan mo ang mesang iyon maging ang upuan para wala nang umupo pa roon. Ayos ba?" Namilog naman ang mata ko sa naging pahayag nito.

"Hindi na po kailangan, si Kuya talaga!" Naiiling-nangingiting sambulat ko na lang na tinawanan lang ng lalaki bago ako iniwanan dahil may bagong customer na naman ang dumating.

Huminga ako ng malalim at pasimpleng pinagmasdan si Cortez na kanina pa hindi kumikilos mula sa kinauupuan niya at nakatitig lang sa labas ng karinderya. Bigla akong napaayos ng pagkakaupo at itinuon na lang ang pansin sa aking pagkain nang biglang bumaling ang tingin ng lalaki sa aking direksyon. Naramdaman niya sigurong tinitingnan ko siya.

Naghuhuramentado ang aking puso nang magsimula na akong sumubo ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa katotohanang sa tinagal-tagal na panahon ay muli kong nakita ang lalaking dahilan ng pagiging mailap ko sa mga lalaki, maliban sa mga lalaking may malaking parte na sa pagkatao ko.

Mahigpit kong nahawakan ang tinidor nang maalala ang mga pangyayari noon sa bahay ng mga Derovanio. Ang sakit na hindi pa rin nagbabago ang hapding dinudulot sa aking dibdib habang inaalala ang ginawa ni Cortez. Ipinilig ko na lang ang ulo at pilit iwinawaglit sa isipan ang nakalipas na iyon.

Umiinom na ako ng tubig matapos kong maubos ang pagkain ko nang biglang may umupo na lang sa upuang nasa tapat ko. Muntik ko pang maibuga ang tubig na nasa bibig ko nang makilala kung sino iyon, mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili.

Nang salubungin ko ang tingin ng lalaki ay naipinid ko na lang ang bibig. Sa tatlong taon na nakalipas na hindi ko ito nakita ay wala pa ring nagbago sa kaniya, maliban na lang sa kapansin-pansing pagbagsak ng timbang nito.

Ang pisngi nito ay lumubog ng kaunti at ang dating makisig nitong mga braso ay namayat na at hindi na gaanong depina ang masels doon. Ngunit ang tingin nitong maintensidad at talagang nanunuot sa pagkatao ng matititigan ay hindi pa rin nagbago. And he's still the man who can make my heart pound faster than its normal velocity.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon