kabanata xi

437 5 0
                                    

SINUBUKAN KONG pigilan ang sarili na tumugon sa halik na iginagawad sa 'kin ni Tito Cortez ngunit ang katawan ko mismo ang ayaw magpatinag sa sinisigaw ng isip ko. Palagi naman. Kahit naman sino, alam ko, hindi magagawang hindi tumugon kapag natutupok na rin ng apoy ng pagnanasa.

"Fuck, Ferry!" Tila nahihirapang anas ni Tito Cortez nang tumigil at humiwalay na ito sa halik na pinagsaluhan namin saka pinagdikit ang aming mga noo.

"I need you," mababanaag ang pangungusap sa mata nitong titig na titig sa 'kin habang sinasabi iyon.

Binuksan ko ang bibig upang magsalita ngunit wala akong mahagilap na salitang maaaring sabihin sa kaniya. Kaya mainam ko na lang na ipininid ang bibig at nanahimik. Tanging ang mabibigat naming paghinga na lang ang maririnig namin sa silid na iyon dahil sa katahimikang bumalot sa 'min.

Kalaunan ay mahinang napadaing na lang ako dahil sa pangangalay mula sa pagkakapinid niya sa 'kin sa pader at sa mahigpit niyang pagkakahawak sa dalawa kong kamay. Nang mapansin nito iyon ay binitawan nito ang pagkakahawak sa kamay ko saka ako pinangko bago pinulupot ang dalawa kong binti sa kaniyang beywang. Sunod ay ipinulupot naman nito ang aking braso sa kaniyang batok. Nakaramdam ako ng pagkailang sa posisyon kong iyon ngunit hindi na lang ako nagkomento.

"Better?" May bahid ng pag-aalalang untag nito matapos ayusin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Naiikot ko ang mata dahil sa nararamdamang awkwardness bago tumango na ikinangiti lang nito.

"You're not leaving, okay? You won't leave me." Wika nito upang maiyuko ko na lang ang ulo sa kawalan ng maisasagot sa kaniya. I'm still confused whether to leave or not.

Ngunit kung hindi ako aalis ay alam kong magdudulot ng malaking gulo ang namamagitang ito sa amin ni Tito Cortez sa kaniyang pamilya. Hindi ko kakayanin iyon. At kung hindi naman ako aalis at patuloy lang naming itatago ang pagkakamaling ito na mas lalo pa naming pinalalawak ay ikasisiya ko iyon dahil makakasama ko pa ang lalaking tuluyan na akong nahulog.

Hinawakan ni Tito ang aking baba saka inangat iyon upang tumingin ako sa kaniya. "Always remember that I love you and I won't let you go. Ipaglalaban kita kahit ano pa man ang maging kapalit niyon, because I want to prove to you that I sincerely love you. And no one can change that, even my wife and Alivia." Napasinghap na lang ako at hindi na naman mapigilang umiyak dahil sa mga sinabi niyang iyon.

Nanlalabo ang mata dahil sa luha na mapait akong napangiti bago nagsalita, "I should've choose the right thing, Tito Cortez, because I'm ruining this family for what we were doing. Alam ko namang mali, but--" huminga ako ng malalim dahil parang kinakapos na ako ng paghinga, sumasabay pa ang walang tigil sa pagluha kong mata. "--but I can't help it. Hindi ko mapigilang mahulog sa 'yo and I already love you, Tito Cortez. Pero nahihirapan na ako sa sitwasyon natin," patuloy ko at naipatong na lang ang ulo sa balikat niya saka umiyak nang umiyak doon.

"There's nothing wrong with what we are doing, baby. Because we love each other, and for me it isn't wrong to love you. We just need to be strong for each other and I want you to be strong for me." Anito habang hinahagod ang aking likod.

"H-hindi ko k-kaya, Tito Cortez, dahil... d-dahil iniisip ko pa lang na masisira ang pagsasama ninyo ni Tita Mikaela, napapaurong na ako." Umiiling kong saad at tiningnan ito. "I can't, hindi ko maaatim na masaktan ang pamilya mo," dagdag ko pa habang nakatingin sa kaniya.

"If you love me, you can fight for us," namumungay ang matang wika nito na mas lalo pang nagpapabilis ng pagtibok ng aking puso.

Ngumiti ako at marahang sinuklay ng aking daliri ang magulo niyang buhok, "Hindi por que mahal kita magagawa ko nang ipaglaban ang kung ano mang mayroon tayo. Dahil ang pagmamahalang mayroon tayo, Tito Cortez, ay bawal na pagmamahalan. And we can't change that because you're married." Muli na namang lumandas ang aking luha sa aking pisngi mula sa 'king mata matapos iyon sabihin.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon