NAKATITIG LANG ako sa kawalan at binabagabag pa rin ng mga katanungan ang aking isipan. Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas mula noong nagkaharap sina Cortez at Devino.
Isang linggo na rin akong naghihintay kay Cortez mula nang umalis siya ng araw na iyon. At hindi ko alam kung may balak pa bang magpakita sa akin ang lalaki o kung may balak pa ba siyang ituloy iyong bakasyong sinabi niya noon.
Namalayan ko na lamang ang aking mga luha na muli na namang umaagos mula sa aking mga mata. Ni text o tawag kasi ay hindi man lang nagawa ni Cortez upang magparamdaman man lang sa akin sa nakalipas na isang linggo. Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung totoo bang mahalaga ako sa kaniya.
Nakatitig ako sa kawalan nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking silid ngunit hindi ko man lang magawang lingunin upang alamin kung sino iyon. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang hawak ang cell phone. Umaasang maaalala pa ako ni Cortez at padalhan man lang kahit isang mensahe ng lalaki. Maipaalam man lang niya sa akin kung okay pa ba siya o kung okay pa ba kami.
"Ferry," napahinga ako ng malalim nang maramdaman ko ang paglundo ng kama sa aking tabi at marinig ang pagtawag sa akin ni Lolo Mirgo.
Pilit na pinipigilang humikbi nang pahirin ko ang mga luhang umaagos sa 'king pisngi. Bakit ba ako nagkakaganito? Isang linggo pa lang naman mula ng hindi pagpaparamdam sa akin ni Cortez, pero ba't ganito na lang ang reaksyon ko?
Sa tatlong taon ngang nakalipas na wala kaming koneksyon ay nakayanan ko, dapat ay magawa ko rin ulit iyon ngayon. Ngunit alam ko kasing malaki na ang pagkakaiba ng sitwasyon namin noon kaysa sa ngayon.
Noon, hindi kami pwede dahil may pamilya siya. Ngayon naman, pareho na kaming malaya. Malaya sa pagkatao man o sa damdamin namin para sa isa't isa.
"Umalo ka na, apo. Kung talagang mahal ka ng lalaking iyon, babalikan ka niya gaano man katagal ang pagkakalayo n'yo sa isa't isa. At kung may tiwala ka sa kaniya, magagawa mo siyang hintayin gaano man katagal iyon." Anang Lolo saka hinagod ang aking likod.
Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at tuluyan na iyong sunod-sunod na umagos mula sa aking mga mata.
Nasapo ko ng aking palad ang aking mukha at doon binuhos lahat ng aking luha.
"Ang bigat lang kasi sa dibdib, 'Lo. Ni hindi niya man lang nagawang mag-text o tumawag upang ipaalam man lang sa 'kin kung nasaan siya o kung ano na ang nangyayari sa kaniya," hikbi ko.
Ramdam ko ang pagyakap sa akin ng matanda dahilan para tuluyan na akong mapahagulhol. Kung demanding ang dating ng pagiging madrama ko may rason naman ako. May pagkakaunawaan na kasi kami tapos biglang ganito na lang ang mangyayari. Na para bang wala lang ang namamagitan sa amin at pababayaan niya na lang.
"Magtiwala ka lang, apo. May dahilan naman siguro siya kung ba't niya nagawang hindi makapagparamdam sayo sa nakalipas na isang linggo." Muling hagod ni Lolo sa aking likod at kumalas na mula sa pagkakayakap sa akin.
Napasinghot na lang ako at muling napahikbi. Narinig ko pa ang pagbuga ng malalim na hininga ni Lolo Mirgo bago ito tumayo mula sa aking kama.
Mahina nitong tinapik ang aking balikat, "Magpahinga ka na. Noong isang araw ka pa pumapalahaw at hindi nakakatulog ng maayos. Hayaan mo't ipapaalam ko agad sa 'yo kung pumunta rito ang lalaking iyon o kung makahagilap ako ng impormasyon kung nasaan siya," pahayag ng matanda bago ako iniwanan sa aking silid.
Pahilata at pabagsak na lang akong napahiga sa aking kama habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang aking luha. Mapait akong napangiti.
"Ba't ba ako na lang palagi ang dapat na magtiwala? Siya ba, pinagkakatiwalaan niya ba ako?"
![](https://img.wattpad.com/cover/177734671-288-k696917.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am Your Sin | R18+ | Completed
Ficción General"Sinning" Ferry Martino Cortez Derovanio UNEDITED