kabanata xiv

275 4 0
                                    

APAT NA ARAW na mula nang mahulog ako sa puno at naka-bed rest lang dahil nga sa injury at pananakit ng katawan na natamo ko mula sa pagkahulog. Ngayon ay nakagagalaw na ako at nakakatayo na rin. Ngunit hindi pa ako gaanong pinagagalaw nina Tita Mikaela upang mas madali raw akong gumaling.

Nakalagay pa rin naman iyong neck braces sa leeg ko kaya hindi ko pa masyadong naikikilos ang ulo ko. Wala ngayon ang mag-asawang Derovanio dahil nasa trabaho ang mga ito, si Alivia lang ang kasama ko ngayon sa bahay na nasa kusina at mukhang nagbe-bake na naman. Hobby niya iyon kapag nabuburyo na siya.

Noong isang araw ay linggo, iyong usapan namin nina Tita Mikaela na bibili kami ng mga gamit para sa pasukan pagkatapos magsimba ay hindi na natuloy. Pinakiusapan kasi ni Alivia ang mama niya na kung maaari ay kaming dalawa na lang daw ang bibili ng mga gamit namin kapag magaling na ako. Wala nang nagawa pa ang ginang kaya pinagbigyan na lang ang kaniyang anak.

Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at naglakad patungo sa study table ko. Hindi na sumasakit ang likod ko kapag kumikilos ako pero kapag masyadong nape-pressure ay napapadaing na lang ako dahil kumikirot pa rin. Umupo ako sa harap ng study table at kinuha iyong sketch pad ko. Ito naman ang hilig kong gawin kapag wala akong magawa at ginugupo ng kaburyuhan.

Gustong-gusto ko ang mag-doodle o mag-sketch. Pero sa totoo lang, painting ang gusto kong gawin. Pangarap ko ang maging pintor kaso nga lang mukhang malabo iyon dahil hindi pa ako nakakahawak ng kahit anong paint brush at hindi ko pa na-try ang magpinta ng kahit ano.

Kaya ngayong darating na pasukan ay hindi na ako makapaghintay na pumasok sa school upang mas ma-improve pa ang talento ko at mapag-aralan pa ang mga bagay-bagay tungkol sa gusto kong gawin at maging. Arts and Design ang pinili kong strand dahil naaayon iyon sa gusto ko.

"Ate Ferry?"

Marahan akong bumaling kay Alivia nang tawagin nito ang pangalan ko. Ni hindi ko napansing binuksan pala nito ang pinto ng aking silid.

Ibinaba ko ang hawak na lapis at tumayo mula sa pagkakaupo. "Tapos ka nang mag-bake?" Nagtatakang tanong ko rito na ikinangiti lang nito bago lumapit sa 'kin.

Noon ko lang napansin ang hawak nito na itinago niya sa kaniyang likuran para hindi ko makita. "What's that?" pang-uusisa ko pa na mas ikinalawak lang ng pagkakangiti nito.

Nang nasa harapan ko na ito ay saka lang nito ipinakita ang tinago sa likuran niya. "I bake cookies for you!" Tuwang-tuwa na bulalas nito habang nakalahad sa harapan ko ang b-in-ake niyang cookies.

Mahina na lang akong natawa at kumuha ng isang pirasong cookie, "Thank you," ani ko bago naglakad patungo sa kama at umupo sa gilid niyon bago kumagat sa hawak kong cookie.

Ngumunguya ako at pinipigilang matawa habang nakatingin sa ekspresyon ng mukha ni Alivia. Para kasi itong nag-aalala na ewan na baka hindi ko magustuhan ang ginawa niya.

"Hindi masarap, pahingi pa ng isa." Seryosong wika ko at muling kumuha sa lalagyang hawak nito kung saan nakalagay ang ginawa nitong cookies.

Sandaling hindi umimik si Alivia sa naging turan kong iyon. Pagdaka'y nang maintindihan na na nito ang ibig kong sabihin ay sumilay na lamang ang isang malawak na ngiti sa labi nito.

"Loka-loka ka rin talaga, Ate Ferry, but thanks 'cause I know you like my cookies or even love it." Natutuwang sambit nito saka tumabi sa akin sa pagkakaupo ko sa kama.

Tinaasan ko na lang ito ng kilay at nginisihan. Of course she knew it, I always love her cookies anyway.

Kumuha na rin din ito ng cookie mula sa lagayang hawak niya at kinagatan iyon. Tahimik na lang kaming kumain ng cookies at walang nagtangkang bumasag ng katahimikang bumalot na sa amin.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon