kabanata xxv

267 7 0
                                    

WARNING!

Wild at explicit na mga kaganapan. Be open-minded, and please, read at your own risk. Magsilayas ang mga painosente at mga batang gustong manatiling inosente!

On the other hand, enjoy! 😊

⚜☪⚜


MAS LALONG naghuramentado sa kaba ang aking dibdib nang nasa harap na kami ng pinto ng condo unit ni Cortez. Nakailang mura na rin ako sa aking isipan sa kung ano-anong mga pumapasok doon habang pinapanood ang lalaki na buksan ang pinto ng kaniyang unit.

Inilahad nito ang kamay sa akin nang mabuksan na niya ang pinto, malugod ko namang inabot iyon at tuluyan na nga kaming pumasok sa kaniyang tirahan. Napatanga na lamang ako nang makita kung gaano kalinis at kaorganisado ang loob ng condo.

Halatang magaling ang interior designer nito dahil sa ganda ng ambiance sa loob. Matalino ang combination ng bawat kulay at halatang lalaki nga ang may-ari nito. Ang mas lalo pang nagpamangha sa akin ay ang mga nakasabit na painting sa dingding ng condo. Karamihan ay medium ang sukat at may mga hindi naman ganoon kalakihan.

Nang madako ang tingin ko aa isang medium size na abstract landscape painting ay literal na bumuka ang aking bibig sa pagkamangha roon.

Dahan-dahan akong lumapit doon at hinawakan ang magandang pagkakadetalye ng obrang iyon. Hindi ko maipagkakailang nangingibabaw ang emosyon sa painting na ito. Very astonishing.

Gusto ko sanang mahawakan mismo ang canvas at maramdaman ang gaspang niyon ngunit nakalagay sa frame ang painting. Ni hindi ko na napansing nakalapit na pala sa akin si Cortez sa sobrang pagkamangha sa napakagandang sining kung hindi pa ako hinapit ng lalaki mula sa aking beywang.

"It's beautiful, isn't it, baby?" Nabaling ang tingin ko sa lalaki sa naging turan nito at binalik muli ang tingin sa obra.

"It's exquisite and I love it, Cortez. Where did you get this?" Hindi pa rin makahuma mula sa pagkamangha kong tanong sa kaniya na mahinang tinawanan naman ng lalaki.

Siguro'y hindi ito makapaniwala na masyado akong na-engross sa sobrang gandang painting.

"It's my mom."

Agad na bumaling ang tingin ko sa kaniya at hindi makapaniwala sa sinabi niyang iyon. "Your mom is a painter?!" Namimilog ang matang untag ko sa kaniya na tinnguan naman ng lalaki.

"She's a great artist, my love." Bakas sa ekspresyon ng kaniyang mukha ang pagiging proud sa kaniyang ina nang sabihin nito iyon.

Napakapit na lang akong bigla sa kaniyang braso at malawak itong nginitian. "I wanna meet her! Please, I badly want to meet her and her other masterpiece! Can I?" Tila desperadong pangungusap ko sa kaniya.

Ramdam ko ang pag-iiba ng aura nito sa ginawa kong iyon. Parang bigla itong nalungkot bigla. "You can't, she's already dead eight years ago." Bumagsak ang aking balikat at nahahabag na tiningnan si Cortez.

"I-I'm sorry," mahina ko na lang na nasabi at niyakap ito.

Sinuklian naman nito ang yakap ko sa kaniya at hinaplos ang aking buhok. "It's okay. Even though she's dead, her works will always remain. It will always be recognized."

Mas lalo ko siyang niyakap sa naging pahayag nitong iyon. Hindi man niya sabihin ay alam kong may kakarampot pa rin siyang sakit na nararamdaman tuwing naaalala ang kaniyang yumaong ina. Alam ko, dahil ako mismo ay naranasan na ring mawalan ng magulang.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon