kabanata ix

393 5 0
                                    

MABILIS ANG TIBOK ng aking puso habang magkapanabay kaming naglalakad ni Tito Cortez patungo sa bahay. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa hindi ko malamang kadahilanan.

At nang nasa harap na kami ng pinto ng bahay ay pinagbuksan pa ako niyon ni Tito saka pinaunang pinapasok. Naghuhuramentado sa kaba ang aking dibdib nang tuluyan na akong makapasok na sinundan naman ng lalaking kasama ko. Nang maisara nang muli ni Tito Cortez ang pinto ay tahimik ko lang itong pinakikiramdaman sa 'king likuran.

"Baby..." Napalunok ako ng laway ng wala sa oras nang marinig ang tinawag nito sa akin.

And the way he called me with his baritone voice made me more nervous. Shit!

Nahigit ko ang paghinga nang maramdaman ko ang kamay nitong humawak sa aking braso at ang pagdaiti ng dibdib nito sa aking likod. Mukha akong nakukuryenteng tuod dito sa kinatatayuan kong ito dahil sa ginagawa niya.

Kalauna'y naramdaman ko na lamang ang paghinga nito sa aking leeg. And then he nuzzled his nose to my exposed shoulder.
Dahil off-shoulder ang suot kong damit ay malaya nitong napasadahan ng kaniyang kamay ang aking braso at balikat.

Nararamdaman ko na ang unti-unting pagkatupok mula sa sensuwal nitong paghawak maging sa pag-amoy nito sa akin. Pagdaka ay naramdaman ko na lang ang braso nitong pumulupot sa 'king beywang at mas hinapit pa ako palapit sa kaniya.

"Would you?" Hindi ko naintindihan ang nais nitong iparating sa tanong niyang iyon kaya naipikit ko na lamang ang mata at hinayaan itong hawakan ako.

Ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay naramdaman ko na lang ang pagbitaw at paglayo nito sa akin. Kaya naguguluhan akong idinilat ang mata at nalilitong hinarap siya.

"Why did you...stop?" Nahihiya man ay kinapalan ko na lang ang mukha para itanong iyon sa kaniya.

Sumilay ang tila namamanghang ngisi sa labi nito dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. "I asked you but you did not answer me, Ferry." Napakunot na lang ako ng noo sa pahayag nitong iyon.

"Paanong hindi ako sasagot, e, hindi ko naman naintindihan." Muntik ko pang maiikot ang mata sa iritasyong naramdaman.

Akala ko pa naman kasi kung ano nang malaking dahilan para tumigil siya sa ginagawa niya kanina. God! What the fuck is happening to me?! Masyado na akong nagiging marupok sa mga pinaggagagawa namin. Fuck!

Mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Tito Cortez at marahang humakbang palapit sa 'kin. Agad naman akong napaatras sa ginawa niyang iyon. Mabigat at tila naninimbang ang bawat hakbang na ginagawa nito palapit sa 'kin dahilan para mas mapaatras akong lalo.

Nang salubungin ko ang tingin nito ay hindi ko mapigilang makipagtitigan sa mata nitong nanunuot sa pagkatao ko kung tumingin.

"Stop walking away from me, Ferry, or you-- Fuck!" Bago pa man niya matapos ang sinasabi ay naramdaman ko na lang ang pagtama ko sa matigas na bagay sa aking likuran.

"Ahh!" Napasigaw na lang ako nang bigla akong matalisod sa bagay na iyon at napapikit na lang habang hinihintay na bumagsak sa sahig.

Ngunit ilang segundo na ang nakakaraan ay hindi ko naramdamang bumagsak ako sa sahig bagkus ay naramdaman ko na lamang ang mahigpit na hawak sa 'kin ni Tito Cortez sa aking palapulsuhan upang pigilan ang pagbagsak ko. Nang idilat ko ang mata'y nakangisi at umiiling ang lalaki habang nakatingin sa akin.

Napa-ikot na lang ako ng mata at tuluyan na ako nitong tinulungang makatayo ng maayos.

"Thanks," wika ko ngunit hindi nakatingin sa kaniya at nakatuon lang ang atensyon sa pag-aayos ng damit kong medyo nakita na ang tiyan ko dahil sa pagkakatalisod ko.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon