kabanata v

589 7 0
                                    


AS IF HE WAS hallucinating when he scratches his eyes to know that he wasn't. Parehong hindi nagpapatalo sa titigang nangyayari sa pagitan namin nang marahan ko itong binitawan. Mabuti na lamang at hindi ito nabuwal mula sa pagkakatayo.

Nanatiling nakatingin lang si Tito Cortez nang humakbang ako palayo sa kaniya at seryosong sinalubong muli ang mata nito.

"You should rest or sleep for a while, Tito, to sober up your drunkenness." At tinalikuran ko na ito matapos kong sabihin iyon.

Hindi pa man malayo ang nalalakad ko mula rito nang pabulong ngunit sapat na upang marinig kong tinawag nito ang aking pangalan, "Ferry." Hindi lumilingong tumigil ako sa paghakbang.

"I k-know you're mad at me but please... please don't treat me this cold as if I don't exist. And I'm sorry."

Wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pagtulo ng luha mula sa aking mata nang marinig ang sinabi niyang iyon. Mariin ko ring naikuyom ang aking kamay.
Ilang segundong nanatili akong tahimik ngunit kalauna'y naiiling na nagpatuloy na sa pagpanhik sa aking kwarto.

"A-alivia?" nangangatal ang tono ng aking boses habang kausap sa kabilang linya ang aking kaibigan.

Pagkarating ko sa aking kwarto'y agad kong d-in-ial ang numero ni Alivia sa aking phone dahil gusto ko itong makausap.

"Ate Ferry, what happened? Why are you stuttering?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito nang marinig ang aking boses.

Noon lamang ako napangiti at naisandal na lang ang likod sa dulo ng kama habang nakaupo ako sa sahig. "Busy ka ba sa session mo? Am I not disturbing you?" pinilit kong pasiglahin ang boses upang hindi ito mag-alala.

"It's okay, Ate. Break time naman ng psychiatrist ko kaya ok lang. Actually, I'm bored here and I just wanna go home." Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito patunay na nabuburyo na nga ito sa kaniyang kinaroroonan.

Mahina na lang akong natawa sa naging turan nito, "But you have to stay there for a while. Para rin naman kasi iyan sa 'yo, Alivia. You need to get over with your trauma at mangyayari lang iyon kung makikipag-cooperate ka sa psychiatrist mo. Do you understand me?" malumanay na paliwanag ko rito dahilan para makatanggap ako ng mahinang hagikhik mula sa kabilang linya.

Nangunot bigla ang noo ko sa pagtataka. May nakakatawa ba sa mga sinabi kong iyon?

"You sound just like Mom. It only proves that you really cared for me."

Saglit akong hindi nakaimik sa sinabing iyon ni Alivia. Parang mas ginising pa ako niyon sa reyalidad. That this isn't just a dream nor illusions. And the wrong doings between me and Alivia's father is real.

"Ate?" noon lang ako nahatak mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Alivia.

"Hey, I'm still here. Kumain ka na ba ng tanghalian?" pagbabago ko ng usapan para iwaglit sa aking isipan ang kung ano-anong pumapasok sa isipan ko.

"Yep! E, ikaw kumain ka na ba? Don't you dare skip meals, ate. Kung hindi'y hindi na rin ako kakain para may kadamay ka." May himig kapilyahan ang boses na saad nito.

Nakangiti at naiiling na lang ako sa pagiging masigasig nito ngayon. "Opo, boss. Kumain na kam-- kumain na ako, kanina pa." Muntik ko pang mabanggit ang ama nito na sa kaniyang pagkakaalam ay pumasok sa trabaho ngunit hindi naman at nagpakalasing lang.

"That's good then. Oh I'm sorry, ate, but I need to hang up. My shrink is here," anito na tila hindi natutuwa sa ideyang naroroon na nga ang kaniyang psych at kailangan na naming putulin ang aming pag-uusap.

Hindi ko man nakikita ay alam kong umikot na naman ang mata nito kaya natawa na lamang ako at nagpaalam na rito.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig at pinunas ang natuyo nang luha sa aking pisngi. At pikit-matang pabagsak na inihiga ang katawan sa aking kama.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon