I - Bangungot

12.9K 254 10
                                    

Vote nga. Kawawa naman tong earlier chapters ah. 😭😭

___
Deanna's PoV

She spiked the ball so hard as I tried to block it but failed miserably. One, naka score sya against me to finish the match. Two, na out of balance pa ko pag land ko at sobrang sakit ng pwetan ko. And worst, three, nakalimutan ko pang sabihin na sa muka and ilong ko tumama ng pagkalakas lakas yung bola.

Naka stare down pa sya sakin at naka ngisi pa sya ng pagka yabang yabang at kinakawag kawag ang hintuturo while shouting, "You're no match for me!"

Nagising ako from dreaming. Ah mali, mula sa isang bangungot na kahit kelan di ko makakalimutan. Akala ko talaga noon nabali yung ilong ko. Buti na lang hindi. Pero grabe sa sakit yung muka ko noon. Bukod don, sobrang kahihiyan yung naramdaman ko dagdagan mo pa ng isang malditang babae na walang puso na parang walang pakealam sa nangyari.

Flashback...

St. Benedict University, although not a highschool, held up an event inviting top 10 highschools in the field of women's volleyball for free training. I guess para na rin mag scout for incoming college by next year. Incoming first year highschool pa lang naman ako sa OLMA (Our Lady of Mercy Academy) so kahit di pa ko mag co-college, sumama ako kasi for sure marami ako matututunan at magiging bagong kaibigan from other schools din.

I was the setter of our team. Wala akong kilala except for my teammates kasi nga bago pa lang ako and di pa nag start yung season. Most people say na very promising daw ako as a setter kasi mejo matangkad na ko for my age meaning I can also be a prominent blocker. They call me flash, yan ang monicker ko. I don't know why pero awkward for me yung bibigyan ka ng iba ng monicker agad at wala pa kong napapatunayan as a rookie.

Sabi ng teammates ko, dapat daw matuwa ako kasi ibig sabihin magaling ako. Well, for me, marami pa ko dapat matutunan. Yan yung reason bakit talaga ko sumama sa training camp na to.

I checked the time and it's 7 in the morning palang. 7:30 am yung assembly pero as usual maaga yung buong team namin.

Isa-isa namang nagdatingan ang ibang teams. Wala akong narinig kundi chismisan ng teammates ko tungkol sa mga dumarating. Kesyo, ayan yung 3rd best team. Sya si ano...best digger. Si ano..best server..blah...blah...

Di ko magets bakit sobrang entertained sila sa mga dumarating. Eh highschool lang din naman sila. Tska kesa, sayangin ang oras kaka idolize sa iba, sana unahin nilang isipin yung kelangan nilang ipolish sa skills nila di ba?

I rolled my eyes at the thought of them gushing about other teams. I took out my headphones and just listen to music habang naghihintay. Nagulat na lang ako ng biglang mag tilian halos lahat ng teams.

My curiosity got the best out of me so I paused the music to check kung ano ba yung reason ng ingay. Tumingin ako sa entrance ng gym and there they were wearing their St. James gym clothes. I don't see anything special. Ah well, matatangkad sila lahat mostly except for a few na libero siguro or whatever.

"OMG! Si Queen Falcon!" Tili ng best friend ko kaya napatingin ako kay Tricia. Parang nabubuang at kilig na kilig. I rolled my ayes at her and played the music again.

What's so good about this team anyway? Bukod sa height nila ang pinaka importante ay late sila. Di ba? Parang as a player unang kelangan discipline, eh simple punctuality lang di pa magawa. Sus!

Dahil complete na ang delegates, pinaupo na lahat ng players sa sahig ng gym. I was forced to stop my music and listen to boring introductions like who's the head coach to lead the training, top college volleybelles ng university na tutulong to facilitate the training, schedule ng whole camp, which team will stay what room... Blah...blah...blah...

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon