XXX - The Bomb Has Exploded!

5K 233 141
                                    

Follow, Comment, Vote!

Enjoy. Wehehehehe!

----

Jema's PoV

Para sa iba, Wednesday na ngayon. Ambilis dumaan ng araw, para din sa iba. Pero para sakin?! Wednesday pa lang ngayon!!! Antagal matapos ng week na to!!! Sabay mo pa jan yung roommate ko na kahit kelan pambwisit!

Because of that kiss, parang may disadvantage ako ngayon laban sa kanya!

Alam mo yung nanadya syang mang asar!!! Bakit?! Kasi daw ang cute ko daw mag blush?!!! Duh??!!

Alam nyo yung nasa Earth Sci class kami di ba? Tapos magkatabi? Everytime na tatalikod yung prof namin, ilalapit nya yung muka nya sakin! Tapos ako naman si utu-uto, matic na mamumula!

Kapag naman nasa locker ko ako tapos kakakuha lang gamit, e di isasara ko na. Pagkasarang pagkasara ko, anjan na naman sya anlapit ng muka sakin! Tapos etong muka kong may sariling utak, kahit anong pigil ko kusang namumula!!!

Isama mo pa yung sa cafeteria!!! Yung biglang magdidikit yung braso namin or biglang sabay kami kukuha ng ketchup bottle. Sa mata ng iba, wala lang pero alam ko sinasadya nya yun!!! Lalo na pag ngumiti yan ng parang nakakaloko!!! Si Wong pa!!! Blush na naman ang lola nyo!!! Enjoy na enjoy naman yung kumag!!!

Habang kumakain kami ng lunch, "Guys wear your old school jersey muna and varsity jackets ha for tomorrow's pep rally? Late daw madedeliver yung bago before season starts." Utos ni Jessica.

We all nodded except for the rookies. Lagi namang ilang araw bago mag start ang season dumadating yung uniform namin. What's new?

"Pano kami? Wala kaming old stuff?" Pen asked.

Oo nga naman.

"Peram ng old jacket mo, Jema!"

"Paahiramin kita ng akin, Wong!"

Magkasabay na sabi ni Pen at May. Asar!

"Humiram na ko kay Jema."

"Napahiram ko na si Wong."

Sabay naman naming sabi ni Wong. Di kami nag usap ha promise!

Nagkatinginan kami...

"Aray!" Sabay namang sabi ni May at Pen.

Namali ata kami ng sipa sa ilalim ng table ni Wong. Hahahaha! Di nga kasi kami nag usap!

Oo nga pala, update kay Pen. She's sweeter than usual. Basta may pagkakataon naka buntot sakin yan. Di ko naman sinasaway, wala naman syang ginagawang masama eh. Andyan lang sya. Okay na rin kasi nakakaiwas ako sa pang aasar ng Wong na yan!!! Besides, ayoko mafeel nya na talk shit ako nung sinabi ko na parang bibigyan ko sya ng chance... Ata...

Ay ewan di ko na maalala.

After ng lunch namin we all head out sa kanya kanyang klase.

Paglabas ko ng class, nakita ko si Pen na nakaabang sa labas. Nginitian ako nito.

"Hey!"

"Hi Pen!" Bati ko pabalik.

Sabay kami ngayong naglalakad papunta sa locker area.

"Kakapalan ko na muka ko ha, do you have any extra school shirt or kahit practice shirt lang for pep rally?" Tanong nito.

Naawa naman ako, "Meron pa naman, kaso St. Benedict lang nakalagay sa harap ha, sa likod wala ng anything."

Kasi kay Wong ko na ipapahirap yung isang shirt ko with my number, 15 sa likod. Ah, I forgot to tell you, may GALANZA din on top of the number.

Ngumiti naman si Pen, "Thanks! Really appreciate it."

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon