X - Back At You

4.1K 227 13
                                    

Jema's PoV

Nagising ako sa amoy na mabango. Minty na citrus-ish. Amoy ni Deanna.  Napangiti ako kasi mejo okay na ata kami.

Naghikab ako at tinignan ang phone ko to check the time. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko!

Wtf?! Late ako ng gising. 20 minutes na din nag start ang class ko!!!

Napasarap ata ako ng tulog. Shit!!! Agad akong bumangon at nagmamadali kumuha ng towel. Habang si Wong naman ay palabas na.

Bigla itong huminto at lingon sakin, ngumiti. Ang cuuttteeeeeee!

"Baka may nagpatay ng alarm? So 3-2 is it?" Sabay kindat at layas.

Naiwan na naman akong naka buka ang bibig.  Wow! And I thought na may chance kami maging friends! Ibang level ang sama ng ugali ng taong to!!! She just made me miss my first class. Ibang usapan na to!!!

Humanda ka sa ganti ko!!!

The week went by so fast. School, homeworks, trainings, kain sa cafeteria. Yan lang ang araw araw kong ginagawa.

Yung absent ko sa Earth Sci? Hindi naman ako napagalitan kasi wala namang quiz or assignment dahil kaka start pa lang nga ng sem. Buti na lang talaga!!!

Tahimik ngayon yung Wong. Hindi nang aasar o nagsusungit kaya mas nakakatakot.

Malay mo naman busy lang? Sabi ng aking konsensya.

No way. Si wong? Walang patawad yan sakin kahit busy sya!!!

___

Sunday ngayon, kaya nagsimba lang ako. Nakita ko naman si Wong mag isa sa loob ng simbahan.

Nakakagulat kasi hindi sya nasusunog!!! Hahaha!!!

Seriously though, nagsisimba pala to kahit ansama ng ugali.

After mass, derecho ako ng dorm. Ayoko na lang lumabas ng campus mas gusto kong magpahinga na lang at tapusin ang homeworks ko.

Binuksan ko ang laptop ko at pinagpatuloy ang paggawa ng reaction paper sa Earth Sci. Yes ako lang ang gumagawa. Nag agree kasi kami ni Mike na alternate kami gagawa ng paper. So ako muna ngayon, next time sya lang ang gagawa. Fair na yun. Matalino rin naman si Mike plus, I trust him.

Yung roommate ko naman, eto nag cramming. Andami nya kasing homeworks. Siguro hindi pa sya gaano nakaka adjust sa pagiging student athlete as a college student. Mahirap kaya pagsabayin.

---

Paakyat na ako ng room ko. Nagulat ako kasi pagbukas ko, andon parin si Wong. Busy mag type sa laptop nya.

Ah... Yung sa Earth Sci.

Hindi na ata nakakain ang isang to sa dami ng ginagawa. Kawawa naman.

Pero dahil masama ugali nito, di ko na ikinuha ng food. Malaki naman na sya . Kaya nya na yan!

I did my night rituals and went straight to bed.  Pinakiusapan ko naman yung rookie na mag lamp na lang kasi matutulog na ako. To my surprise, di naman ito umangal. Siguro sobrang busy sa ginagawa at walang time makipag away.

Nauna ako magising napa aga pa nga eh.  Tulog pa ang roommate ko. Puyat na puyat to malamang. Di ko na ginising maaga pa naman and for sure nag alarm naman to.

Naligo, kumain sa cafeteria tapos derecho sa class. As usual, nasa tabi ko lang ang boyfriend ko na si Mike. I kissed him on his cheek as a good morning! Ngumiti naman ito ng pag ka gwapo gwapo. Napa swerte ko talaga!!!

After a while, dumating na si Prof Piscos. Late si Wong. Hala!

Eh bakit ako natutuwa? Hahahaha!

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon