XIV - New Start?

4.4K 224 47
                                    

Vote/Follow! Tapos usapan! Mga 50 votes and few follows update agad. Boom panes!

____

Jema's PoV

Anlamig....

Kasing lamig ng nararamdaman ng puso ko ngayon.

Naglalakad na ako pabalik ng dorm. And yes, naka payong naman ako. Pinipigilan ko na naman na umiyak habang naglalakad.

Gusto ko na lang matulog, yung matagal bago ulit magising. Yung sana pag gising ko, wala na akong nararamdamang sakit. Yung sana pag gising ko, hindi ko na kilala si Mike at parang wala ng nangyari saming dalawa. If only...

Lalong bumigat ang dibdib ko nung papasok na ako ng university. Pabigat ng pabigat hanggang sa papasok ng dorm.

"Jema???" Si May pala.

"Kasama mo ba si Deanna???" Tanong naman ni Trish.

"Hindi." Maiksing sagot ko.

"Bakit basang basa ka? What happened?" Usisa pa ni May.

At ayun, bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Na naman.

Trish and May didn't hesitate to hug me. Finally, kahit papano, I feel warm inside. Kahit sandali lang.

"Trish, can you please get anything hot na maiinom for Jema tapos meet us sa room ko." Agad namang sinunod ni Trish si May.

May lead us to her room. Pagbukas pa lang nito ay bumungad na ang makulit na si Pen. Naka headphones at nagsasayaw kasabay ng pagkanta. Kung any normal day to, matatawa ako kaso hindi.

"Pen! Shut up!" Sigaw ni May, "Kahit ngayon lang!"

Nagulat naman si Pen kaya agad nya tinanggal ang headphones nya. Any normal day, magrereklamo pa sya. Pero siguro, nakita nya ako na ganito kaya sinunod na lang nya at naupo sa kama nya.

"Jema, mag hot bath na muna agad. Maykakasipon ka nyan." Utos ni May.

Tatanggi sana ako, pero pinagtulakan nya ako sa bathroom nila.

Hindi ko pa binubuksan ang shower kaya rinig ko si Pen, "Anyare?"

"Shhhh!!!! Wag ka maingay. Di ko alam. Wag kang chismosa! Mabuti pa, pumunta ka sa room nila at kumuha ka ng damit ni Jema doon."

Agad ko naman narinig ang pagkatok ni May sa bathroom door, "Jema peram susi ng room."

Inabot ko naman ito agad.

Narinig ko na lang na sumara ang pinto. Lumabas na siguro si Pen.

Like in the movies, kahit muka akong tanga, binuksan ko ang shower kasabay ng pagtulo ng luha ko. Bakit parang tanga? Kasi ang purpose ay para walang makakita ng luha ko, e ako lang naman nandito. So parang tanga lang di ba?

Nakakapagod umiyak. Pero wala naman akong magagawa para pigilan ito.

I stayed in the shower for almost an hour. Mostly umiyak lang. Naalala ko kasi yung masayayang moments namin ni Mike. We were happy. What happened?

Inabot sakin no May ang damit ko at lumabas lang ako kasi kinatok na ako ni May. Ayoko naman na makipag talo kaya sinunod ko na lang.

Paglabas ko nandoon na pala si Trish na may dalang hot choco siguro at si Pen nakaupo sa kama nya. Si May naman, tinapik ang kama nya para doon ako umupo sa tabi nya and I did.

"Do you want us to leave so you can talk?" Tanong ni Pen, referring to her and Trish.

"No. It's alright." Sagot ko.

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon