XXVIII - Drunk with You

5.3K 242 45
                                    

Onteng Trish Moment. Hehehehe

Follow, vote, comment!

Enjoy!

---

Trish's POV

Nakakatawa yung dalawa after ng 5 minutes in heaven game nila. I knew something happened, based pa lang sa reaction ni Jema dagdag mo pa yung pagsisinungaling ni Deanns na tinakot daw nya si Jema.

I mean, who is she kidding? Between the two of them sigurado ako na si Deanns yung matatakutin. Besides, I know when Deanns is lying. Wag ako!

At eto sila ngayon, habang lahat kami mejo iwas na sa tequila kasi we're at our limit na, yung Jema at bff ko, tumatagay ng sila lang. Hindi sila nag-uusap or nagtitinginan pero nagtatagayan sila. Hahahaha! Ang cute! Good luck na lang mamaya pag sobrang lasing na sila at wala na sa sarili. Hahahahaha!

An hour passed and nag ka ayaan na matulog. Medyo bumaba na ang tama namin except for the two na sobrang uminom. Hahahaha!

Nauna na ang love birds na sina TM and Jessica. Si Pen at May wala ng pake sa paligid kasi antok na at medyo lasing pa kaya nagsipasok na rin sa room.

Etong dalawa na to, magkatabi na sa floor nakaupo tapos kanta ng kanta. Duet! Hahahahaha!

Antok na ko kaya inaya ko na, alangan naman pabayaan ko sila jan sa sahig makatulog. Magkasakit pa yang mga yan.

"Hoy, mga lasengga. Let's go na! Time to sleep!"

Tinignan lang ako ni Wong at tinawanan. Si Jema naman tinignan ako at nagsalita pa, "What? Taposh na ang parteehhhh?"

"Kanina pa. Wala na nga sila oh natutulog na!"

Umikot ang mga mata ng dalawa sa paligid at nadisappoint na wala ng iba.

"Sush... KJ!" Sabi ng bff ko. "Tara na nga!" Dagdag pa nito.

Nakatayo naman si Wong kahit halos patumba tumba din. Inabot nito ang kamay kay Jema na halatang di na kaya ang sarili. "Let's go na! Crush mo naman ako!"

Hahahahahaha! Na ulol na naman bff ko.

Ang masnakaka gulat, kinindatan sya ni Jema tapos inabot ang kamay nito, "Alam mo yan crush!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko! Like wtf?! Ngayon pa umamin yung isa kung kelan mga lasing na sila and for sure di na nila maalala lahat. Hahahahaha! Good thing, ako lang may alam nito.

Naitayo na ni Deanns si Jema. Inakbay ni Jema ang kamay nya kay Wong tapos naglakad na sila papunta sa room namin ng pa gewang gewang. Sobrang laugh trip! Hahahaha!

Habang naglalakad ng magka akbay ti support each other to keep from falling, kumanta pa ng Terrified ng duet. Hahahaha! Masyado atang na enjoy yung kanina. Kahit wala na sa tono kasi mga lasing, feel na feel parin nila. Nagtitigan pa tapos nagtatawanan! Landeeee! Hahahahaha!

Hindi na nila ko napansin na nakasunod ako sa kanila. Wala ng mga pake sa paligid. Di nila alam kinukuhanan ko sila ng pics and vids here and there. Di ko naman ikakalat, for keeps lang. Baka magamit ko in the future pang blackmail. Hahahaha!

Ayos di ba?

Pag pasok ng room namin nung dalawa. Hiyang hiya ako ah! Dun sila nahiga sa queen sized bed! Dapat ako don ah. Inagawan a ko ng best friend ko! Hahahaha!

Okay ako na lang mag aadjust. Ako sa single bed.

May nakakagulat na nangyari bago sila mahiga. Nung nakahiga na sila at tulog na, I took a couple of photos. Hahahaha! Scandal to! Hahahahahaha!

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon