XL - Dito na Lang

4.2K 227 88
                                    

Shout-out kay Ladybad321 na susuntukin daw ako! Hahahaha! No to violence tayo dito! Yes to bashing lang po! 😂😂😂

Sa mga nalito, naulol, nainis, nababawan, nagalit, nalungkot at kung ano pa mang naramdaman nyo... Belat! Hahahaha

Balakayojan 😂😂😂

Pag ito naka 100 votes agad. Mag uupdate ako tanyo! 😂✌️

Vote, comment, follow! 😂😂😂

--

Jema

"Ano bang sinasabi nya Trish?" Mahina kong tanong sa kaibigan.

Napabuntong hininga si Trish, "Remeber that time nung highschool tayo? When you almost broke her nose?"

I nodded.

"Alam mo bang sangkatutak na bashing at bullying inabot ni Deanns? Sobrang nawala yung confidence nya,  na depress sya to the point na kahit anong volleyballl related allergic sya. Kung iisipin ng iba, para yun lang? But to her, volleyball back then was everything. First love nya ang volleyball. Pero di nya inexpect na sa isang play na yon, mawawala sa kanya ang first love nya. Bata pa kami non, sobrang bata pa nya to deal with such bashing and bullying. Kaya sana maintindihan mo sya kahit papano." Paliwanag ni Trish.

"Pero matagal na yun, Trish. Kung pede ko lang sana ibalik yung time na yon, sana I acted matured. Sana alam nya na sobrang pinagsisihan ko yung nagawa ko noon." Sagot ko naman.

"Yun nga eh. Hindi natin pedeng ibalik yung moment na yun. It really broke her. Akala ko nga hindi na yang mag lalaro ng kahit ano. Akala ko mawawala na yung kaibigan kong very passionate. Walang nakaka intindi sa narardaman nya kundi sya lang talaga."

"Akala ko okay na kami? Akala ko nakalimutan nya na?" Tanong ko ulit.

Napabuntong hininga na naman sya, "Akala ko rin eh. Pero... Give her time. The way I see you both, obvious naman na gusto nyo ang isa't isa. Baka na overwhelm lang yung tao. I'll talk to her soon. Pero, for now let's go home muna. Okay?"

"Mhmm.. susunod ako."

Trish knew better. Iniwan nya muna ako mag isa.

At doon na nagtuloy tuloy ang mga luha ko...

Paulit ulit kong inalala ang mga sinabi ko sa kanya,

"What if I do?"

What if I do?

What if...

Naputol ang pag iisip ko ng biglang pumasok si Pen sa dugout.

"Hey... Uhmmm... Sakin ka na lang sumabay muna. Nauna na silang lahat. Sabi ko ako na ang bahala sa'yo muna.". Malungkot na paliwanag nito.

I just nodded.

Si Pen na ang nagdala ng gamit ko. Naglakad kami papunta sa sasakyan nya.

Tahimik lang si Pen na nagdrive pabalik ng dorm. Habang ako, eto umiiyak the whole time.

Pagdating ng dorm, pinagbukas ako ni Pen ng pintuan ng sasakyan.

Tahimik lang kami naglalakad papuntang room ko. Pagdating sa labas ng pinto, inabot ni Pen ang bag ko.

Niyakap nya ko in a friendly way. "I'm here for you. Always. Sana makita mo yun."

Pinigilan ko na naman ang pagpatak ng luha ko.

Nakikita naman ng mga mata ko Pen. Pero iba ang nakikita ng puso ko...

Pag bukas ko ng pinto, madilim ang room. Halatang walang tao. Walang Wong na masungit or makulit.

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon