XXIV - Revelation

4.7K 225 67
                                    

Wala akong gustong sabihin kundi Vote and Follow.

Other than that, enjoy. Magugustuhan nyo to. 😈😈😈

----

Jema's POV

Ikaw....?!" Gulat na gulat kong tanong.

"Ah... Yes? Ako nga?" Sagot naman nito na parang wala rin sa sarili kasi nahuli ko sya.

Niyakap ko na lang sya bigla. Kung bakit? Hindi ko sigurado. Sobrang saya and thankful siguro.

Di ko mapigilang umiyak for some reason. Probably because of happiness. Masaya ako dahil sa wakas naalaman ko na kung sino si Mayor. Akala ko kasi maypagka stalker na din yung ichura nya. Yun bang obsessed na? Buti na lang si Pen pala si Mayor.  Yun lang! Wala ng ibang reason.

Hindi naman ako fall or wala naman akong naradamdamang iba for Mayor... errr Pen. Nababaitan lang ako kasi nung may sakit ako physically and emotionally, sya yung nagsisigurado na kumakain akk at umiimom ng gamot.

"I can't breathe." Reklamo ni Pen

Ayyy oo nga pala niyakap ko sya bigla. Kahit ako nagulat sa ginawa ko.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay Pen.

"Sorry. Nabigla lang ako." Sabi ko dito.

"Umiiyak ka." Sagot naman nito habang nakatitig sa aking mga mata. Humakbang ito palapit at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang mga kamay.

"Kung alam ko lang na iiyak ka. Hindi ko na lang sana ginawa."

Umiiyak pa pala ako. Hindi ko rin gaanong napansin na tumutulo pa ang luha ko.  Bakit nga ba ako iyak ng iyak?

Sinubukan kong pigilan ito. Successfully, tumigil naman na ang pagluha ko.

"Jema, ano? Yes or no lang.."

May sinasabi pala si Pen na hindi ko naintindihan.  Nahiya naman akong ipaulit kasi iisipin nito napaka ungrateful ko naman.

Di bale na nga. Itatanong ko na lang, baka mamaya kung ano na pala yun. "Ano ulit yun?"

"Sabi ko, labas tayo kahit isang beses lang."

"Uhmmmm......" I don't really know what to say. Sa totoo lang hindi ako gaano makapag focus. Medyo unexpected kasi na malalaman ko na kung sino si Mayor. At lalong di ko inexpect na si Pen pala.

However, Pen a.k.a. Mayor deserves a big thank you from me. So I said, "Sure. Yun lang pala."

Sobrang lumaki ang nigiti nito, "Yes! Thank you! Thank you! Wala ng bawian ha?"

Napangiti na rin sa kanya.  "Ah... Kelan ulit to?" Tanong ko. Yan kasi di nakikinig.

"Luh! Sa Sunday nga di ba? After natin mag mass. Nood tayo movie." Sagot ni Pen.

"Oh. Okay. Sige." Sagot ko na lang kahit medyo wala sa sarili.

"Jema, pano. I have to go na. Malelate na ko sa training namin.  Mag attitude na naman si Wong sakin. Hahahaha!" Sabay abot nya sakin ng Starbucks paper bag.

"Si Wong...." Sabi ko more on sa sarili ko.

"Oo, naku! Daig pa non team captain namin pag may late. Ayaw na ayaw daa nya yung hindi seryoso sa commitments." Paliwanag pa nito. "Sige ah. I have to go."  At tumakbo na ito paalis.

For some reason, it took me a few minutes na nakatayo lang sa labas ng room ko and when I realized that agad naman akong pumasok na.

Nilapag ko ang paper bag sa study table ko ag naupo na ako. "Huh... Si Pen nga talaga si Mayor."

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon