XV - Ms. Wong!

4.5K 257 43
                                    

As promised. oh yan na! Para sa mga demanding na readers hahahaha

Add nyo ng ko. Lex Paine sa fb. Magkakitaan na. Hahahaha wala kasi akong friend. Loner ako

Vote! Follow! Bilis! Hahahaha

----

Jema's PoV

Eto ako ngayon katabi si Wong... at sinisipon parin.

Oo alam ko! Walang konek! Eh sa tumutulo sipon ko tapos wala akong panyo, lam na! Singhot ng singhot di ba?

Sa totoo lang. Masama pa ang loob ko kay Wong. Kasi nga di man lang nya ko binigyan ng sign or any warning about Mike.

Wait!

Process.. process..

Could it be the reason why biglang napaka sungit nito kay Mike? Yung biglang out of nowhere laging ang sama ng tingin nya kay Mike???!!! Na parang kahit anong gawin ni Mike, mali parin para sa rookie???

"Hey, sabi ko sayo yung problems 2, 4, 6, 8 and 10 akin yung odds."

I was caught off guard kasi kanina pa pala nag iinstruct si Wong.

"Uhmm sure. Sure." Sabi ko na lang.

"Isa lang kasing copy per partners and answers should be written here din. Mauna ka na gawin yung sayo. I'll do those that are assigned to me after you." She added.

Lumabas naman si Prof at naiwan kami para gawin ang pinapagawa nya. Yung partner ko naman, agad na kinabit ang headset ng phone nya and started bobbing her head. Malamang music na naman.

Few minutes passed at tapos na ako sa isa. Si Wong naman nabore na ata kaya pinatong ang dalawang braso sa desk nya at ginawa itong unan pero nakaharap sya sa direksyon ko at ng papel na hawak ko.

Medyo nakaka conscious kasi ang lapit nya sakin tapos binabasa at pinapanood nya yung ginagawa ko.

Pinilit ko na lang deadmahin ang presence ni Wong at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

----

Deanna's PoV

Alam ko sinadya ng roommate ko na lakasan ang pagsara ng pinto kanina para magising ako.

I know we're not okay pero thankful naman ako sa ginawa nya. At least, hindi ako nalate sa training.

Pagtapos ng training, nag shower ako sa dugout para derecho na sana ako ng class.

Naglalakad na ko papuntang classroom ng naalala ko na naiwan ko sa dorm yung paper na ginawa ko for Earth Sci!

Shit!

Tumakbo na ako pabalik ng dorm para kunin ito at tumakbo din para makarating agad sa classroom.

Thankfully, mejo late pero at least pasok pa naman sa 15-minute grace period. Di rin naman ako pinagalitan ni Prof Piscos today so all is well.

Nakaupo lang ako sa tabi ng roommate ko. Busy kasi sya sa problems na na assign sa kanya. Naisipan ko naman na makinig muna sa music kasi lumabas si Prof at habang wala pa kong ginagawa.

Ilang saglit pa ay bored na ako kaya pinatong ko ang dalawang braso ko sa desk at ginamit kong unan. Sa direction pa rin naman ni partner at ng paper na ginagawa namin, ako nakaharap.

Ang ganda pala magsulat ni Jema... Ang seryoso ng muka pero maamo pag busy sa ginagawa... Parang hindi nangangagat. Loljk

...

Alam mo yung bigla kang nagigising out of nowhere? Lol. Di ko pala kasi namalayan na nakatulog na ako.

Alam mo yung pagmulat na pagmulat ko, muka ni Jema yung nasa harap ko?

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon