XLVIII - In a Perfect World

4.4K 225 49
                                    

Vote muna ah! 🙄 100 votes. Ud na agad oh. Hahahahaha

Tatapusin ko na to talaga. 😁

Jema

As usual maaga ako nagising kasi may game kami mamaya after lunch against Pacific Univeristy. I heard, lumakas daw yung team nila compared sa last year. Magkaka alaman mamaya. I don't take any teams lightly naman, everytime.

Wednesday morning at nagising ako sa tabi ng aking sinisinta. Naks! Lalim non!!! Hahaha!!!

Naoangiti agad ako kasi nakayakap parin sakin si Wong, our legs a little tangled with each others. Bago ako tuluyang bumangon, tinitigan ko muna ang muka ng katabi ko. Ang peaceful. Parang walang problema. Sana araw-araw ganito kami di ba?

Habang tumatagal ang pagtitig ko, ramdam ko naman ang mas tumitindi pang pagmamahal ko sa taong ito bawat minutong lumipas. Masaya ako pag nasa tabi ko sya, that's for sure.

"Picturan mo na lang, mastatagal yan..." Mahinang sabi nito ng nakapikit.

Ewan ko ba! Hahahaha! Nakakainis kasi lagi na lang akong nahuhuli ng mokong na to Everytime na titignan ko sya ng matagal.

"Luh sya oh! In love na in love sakin!" Biro pa nito ng nakapikit parin.

Napairap tuloy ako sabay palo sa braso nya, "Ang feeling mo naman!"

"Bakit di ba totoo?! Tignan mo nga oh, kanina ka pa nakatitig!"

"Kainis talaga to minsan!" Di ko alam bakit ako napipikon, pero nakangiti parin ng slight. Guilty kasi. Hehehe! "Jan ka na nga!" Binilisan kong kumawala sa pagkakayakap nya. Pabangon na ako sa kama ng bigla nyang hinigpitan ang yakap sa bewang ko at hinila ako muli pabalik sa pagkakahiga.

Hinila ako lalo palapit sa tabi nya at niyakap ulit ng mahigpit. "Ito naman. Di na mabiro. Ang sungit mo sakin ha? Wag ka ng mainis jan. I love you!" Mahinang bulong nito.

I can't help but smile. Syempre, isang milyong kilig na naman ang nararamdaman ko. Deanna Wong loves me. Yieeee!!!

"Sagot naman jan..."

Ay oo nga pala! Lol! "I love you more..." Sagot ko dito.

"Hmmp? I love you more kaya!" Balik nito sakin.

"Luh! Mas mahal kaya kita!!!"

"Excuse me, Ms. Galanza! Mas mahal kaya kita kesa mas mahal mo ko!"

"Ah teka lang, Ms. Wong! Hindi ako papayag jan! Mas mahal kaya kita!"

"Pag di ka tumigil hahalikab kita! Mas mahal kita sabi eh!"

"I love you more, GS!" Pang aasar ko pa dito.

"Ah gusto mo ah! Gusto mo talaga!" Kung akala nyo hahalikan nya ako, akala ko lang din! Hahahaha! Bigla akong kiniliti ng walangya sa tagiliran!

Di ko tuloy mapigilan na tumawa ng tumawa.

"Ano, ano? Papalag pa?!"

"Tama na please! Sige na! Sige na panalo ka na!" Sabi ko dito. Naluluha na kasi ako katatawa.

"Good! Now say it. Aminin mo ang totoo." Sabi nito, kasabay ng paghinto ng pangingiliti.

"You love me more!" Medyo pasigaw kong sabi. Bigla akong kumalas sa pagkakayakap nya, "Pero I love you most parin!" Di ako papatalo no!

Akala ko nakawala na ako sa kanya kaso mabilis kumilos tong isang to. In split second, she's now on top of me.

Nagtama ang mga mata namin and pon realizing the situation we're in, nawala ang mapagbirong tinginan. Her eyes became softer habang nakatingin sakin. Unti-unti lumalapit ang muka nya and said, "I love you more than you'll ever know," hanggang sa magtama ng muli ang aming mga labi.

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon