XLVII - It's Always Greater

4.5K 264 90
                                    

Vote muna ah! Gigil nyo ko.

Loljk

Add nyo ko, Lex Paine sa fb. Add lang ha. 😂

Enjoyyyy!!!!

_____

Jema

Hindi na ako bumalik ng klase pagkatapos ng harapan namin nila Dean at yung sagutan namin ni Wong.  Almost lunch na rin naman at ayokong makita pa ng buong class na naiiyak pa ako or namamaga yung mata ko.

Nagstay na lang ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi mawala sa isip ko yung muka ni Wong nung galit sya. Lalo na nung moment na bumalik sya sa pagiging emotionless nya. It's scary. Not because muka syang nakakatakot kundi natatakot ako na sobra ko na naman syang nasaktan kaya aya bumalik sa pagiging ganon.

Sana alam nya na ako yung unang-unang nasaktan sa ginawa ko. I did this for us. Akala ko ito yung pinaka magandang solusyon, pero bakit ayaw tumigil ng pagpatak ng luha ko.

Ah... It's 12 noon already. Lunch na.

Pinahid ko ang mga luha ko at huminga ako ng malalim. Kelangan ko syang makausap ulit at ipaliwanag kung bakit ko ginawa yun. Kahit ilang ulit ko pang ipaliwanag sa kanya hanggang sa sana maintindihan nya, gagawin ko. Hindi pedeng mawala ang scholarship ko at ang mahal ko. Pede naman di ba?

Naglakas loob akong nagtungo sa cafeteria at agad akong nagpunta sa table ng barkada.

Bigla silang natahimik. Alam na nila siguro... For now, it doesn't matter. Kelangan ko lang makausap sya pero...

"Asan si Wong?" Tanong ko kay TM tapos naupo.

"Yun nga yung gusto rin namin itanong sayo sana. Asan si Wong tska si Trish?" Sagot naman nito.

"Iniiwasan nya ko." Napatungo na lang ako. Ramdam ko na namumuo na ang mga luha sa mata ko.

Bigla namang lumipat sa tabi ko si captain Jessica at niyakap ako. "Jema, kahit di namin alam kung ano ang nangyari andito lang kami. Kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako."

Niyakap ko rin sya ng mahigpit. Sobrang hirap pigilan ng mga luha, kusa na silang umagos mula sa mga mata ko.

As much as ayokong makita ng ibang studyante kasi baka maging issue na naman, hindi ko talaga ma control ang pagpatak nito.

Nagulat ako ng biglang tumayo si May at sumali sa yakap namin ni captain, dahilan upang maitago sa mga taong maaaring makakita na umiiyak ako.

Thankful talaga ako sa mg totoong kaibigan ko.

Dahil sa mga taong nasa paligid ko at naka suporta sakin, kahit papano, gumaan ang loob ko. Napigilan ko ang patuloy pang pag luha.

Bumalik na si May sa pwesto nya. Si captain naman, stayed beside me.

No one dared to ask kung ano ang nangyari, kaya ako na ang nagkwento sa kanila. I want them to know kung ano talaga ang naganap kanina. Ayoko rin namang manghula sila at mag alala saming dalawa ni Wong.

Ikwinento ko lahat mula don sa office ni Dean hanggang sa usapan namin ni Wong. Nagbabadya na naman ang mga luha ko pero napigilan ko this time.

"I'm sorry na kailangang humantong dito." Sabi ni Pen. "Nakasalubong ko si Dean kanina and I was asked about you two. Sa tono ng tanong nya, I knew something was up. Ayokong sumawsaw o ilaglag kayo, kaya I told her the safest answer na kayo na lang ang tanungin." Paliwanag pa nito.

"Ganon din ang sinabi ko." Sabi naman ni May.

"Same here." Sabay na sagot naman ni TM and captain.

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon