V - Sungit

4.5K 234 2
                                    

Paalala: Vote muna bago basa! Salamat. Wehehe
_____

Jema's Point of View

Dali dali akong tumawag ng tulong at dinala sa clinic ang roommate ko. Sobrang nagaalala ako kung bakit pagkakita nya sakin, daig nya pa ang nakakita ng multo.

Tinanong ako ng nurse namin kung nangyari. Kwinento ko naman na hindi ako sigurado kasi biglang nahimatay pagkakita sakin.

Chineck naman agad ang vitals nya. Okay naman daw kaya pedeng iwan ko na muna sya para magpahinga. Di ko sana iiwan pero bigla namang sumulpot ang teammate ko na si Trish. Nagsisigaw na kumusta daw ang best friend nya. Nung malamang okay naman, saka nya lang napansin na nandon ako. Pinili ko na lang iwan ang roommate ko tutal andito naman na ang best friend nya.

----

It was already 11:30 pm, hinihintay ko yung teammate kong bumalik ara itanong kung okay lang sya. Patay na ang ilaw at naka higa lang ako. Pero naisip ko na baka doon na sya matutulog sa clinic. I was about to fall asleep ng biglang tumunog ang phone ko. I grabbed it and read a personal message.

Captn Jessica: I don't know why pero your roomie and her best friend asked me and my girlfriend if she can switch rooms. Ano bang nangyari at parang ayaw nya jan sa room na yan?

Me: Idk Jessica. Sana alam ko rin bakit, pero I'm just as clueless like you. Did you let her switch tho?

Jessica: Nope. Hindi na pede eh. Strict orders from the top. Plus, she couldn't give me a valid reason as to why she needed to change rooms. So denied.

Me: Okay. I wonder though bakit wala pa sya. Clearly she's out of the clinic already.

Jessica: Naks! Concern na concern ah!

Me: Syempre. Bigla ba namang mahimatay pagkakita sayo. Besides I'm her roommate at ako yung dapat guide nya dito db?

Jessica: you have a point. Bait naman. O pano borlog na lola mo. Good night na. Almost 12mn na.

Me: gnight din. 😙

Bago ko ilapag ang phone ko, nag pm muna ko sa boyfriend ko kahit alam kong tulog na to.

Me: Good night boo. Matutulog na ko. Wala pa si teammate pero antok na ko. I love you so.

Dahan dahan naman bumukas ang pinto at pumasok ang teammate ko.

I don't know why pero bigla akong napa pikit pretending to be asleep.

I heard little noises and a door closing. I opened one eye realizing na nag banyo sya. Probably to brush her teeth and stuff.

After a while, nagbukas ulit ang pinto ng banyo at matic na tulog tulugan na naman ako.

Dahan dahan naman syang nahiga sa kama nya. Di ko alam bat biglang napasalita ako, "Why do you wanna change rooms?" Gusto kong sampalin sarili ko sa kadldalan ko.

"None of your business." Maiksing sagot nito na halatang galit.

I didn't push further. Baka mahimatay na naman bigla to. Tska baka bad mood lang. Ayoko naman magmukang chismosa.

---

Maaga ako nagising dahil mejo maaga rin class ko. Agad naman akong nagshower. Di ko naman napigilang kumanta ng, Tell me where it hurts ni Juris.

Paglabas ko ng banyo agad naman ako nag good morning sa roommate ko. Pero walang sagot. As usual tinignan lang ako. Tapos dumerecho sa banyo para maligo. Napansin ko naman na di sya nakapagdala ng towel sa pagmamadali.

Ano kaya talagang problema non sakin?

Tinanong ko kung gusto nyang hintayin ko sya para sabay kami mag breakfast. Di na naman sumagot. Kaya lumabas na ko para kumain.

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon