XIX - Spicy Shawarma

4.2K 205 43
                                    

Kaway ka naman jan Inday! Hahahahaha

Vote muna sabi tska follow!!!! Grrrr!!!!

___
Jema's PoV

Nagising ako sa ingay ni Wong. Wala pang 4am pero naririnig ko ang frustrations ng isang to. Bakit kaya?
Puro tsk, ugh, shit at fuck ang sinasabi. Oh wag judgemental feeling nyo naman di pa kayo nakapag mura ever pag upset kayo?

Dahan dahan kong minulat ang mata ko para silipin kung ano na namang pinagsusungit ni Wong ng ke aga aga. 

Ah hawak nya ang maliit na salamin na nakatapat sa labi nya. Ahhh... Kasi may pasa na yung area na tinamaan ni Mike. Nafufrustrate siguro kasi makikita ng marami.

"Good morning, Wong!"

"Ugh!" Sagot nito na may kasamang irap.

Tignan nyo nga napaka sungit. Hahahaha!

"Wag ka ng high blood jan. Maligo ka na at mag prepare. Ako ang bahala jan." Sagot ko.

Tinignan nya ako at tinaasan ng kilay, "Dapat lang dahil boyfriend mo ang may gawa nito."

Muntik na kong masuka sa sinabi nya. Ew! "Hindi ko sya boyfriend."

"So... Kelan kayo ulit nag break officially?"

Hindi ako sakasagot. She's right. Wala kaming closure. Bigla ko tuloy naisip na tama ang decision ko na makipag usap na kay Mike to settle the score between us.

WONG smirked at me kasi alam nya na she got her point across.

Tapos na kami pareho mag shower and bihis. Isa na lang ang kulang kaya kinuha ko na ang concealer ko. Di ako ma makeup na tao. Although, I have lipstick and few others, rarely ko naman ginagamit unless kailangan.

"Lika dito sa tabi ko." Tawag ko sa rookie.

"Ayoko sa bed mo. I have my own, ikaw lumapit dito." Pagmamatigas ng masungit na si Wong. Alam ko naman na hindi ito magbabackdown kaya ako na lang nag adjust.

I used my little finger to scrape some concealer tapos dahan dahan kong inapply sa may pasang area.

Our faces were so close. For some reason, this time na koconscious ako. Awkward rin ng very slight.

Nagulat naman ako kasi biglang hinawakan ni deanna yung kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pagapply ng concealer at mapatitig din sa mga mata nya.

Hindi ako agad nakapag tanong kung bakit. Si Wong naman nakatingin lang din sakin. Alam nyo yung wala lang naman sana na ganito yung position namin pero yung titig ni Wong iba eh. Lagi syang ganyan pag tumitig parang may ibig sabihin. Very expressive ang mata, ganda pa ng kilay.

I suddenly realized na I was holding my breath pala.

...

...

...

"Dahan dahan naman. Masakit pa kaya."

Luh! Kala ko naman kung bakit! May pagtitig pa tong isang to!!! Pwede namang sabihin na lang agad.

Inirapan ko na lang sya pero dinahan dahan ko na ulit ang pag apply ng concealer.

"There! done!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

As usual, no reaction na naman si Wong.

"Yung lower lip mo na busted though, hindi ko yan matatakpan kasi nga may sugat. Tska di yan malalagyan ng concealer." Paliwanag ko sa kanya.

"Whatever. Let's go." Sagot ng masungit na to.

Aba't di man lang nagpasalamat. Ako pa talaga ang may attitude according to her?!

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon