XI - Zero Chance

4.2K 221 8
                                    

Here is another update. Senya na di madalas. May pinagdadaanan lang. 🤣😁 Kaya follow and vote na.

Apir!

____

Jema's PoV

Tuesday morning... Napakabigat ng pakiramdam ko. Mula pa lang nung pag gising ko, ang gloomy, ang boring. Minsan ganon di ba? Sa di kadahilanang dahilan parang ambigat bigat, parang anlungkot lungkot.

I dragged myself out of my bed at pinilit na mag shower to start my day. Mejo napaaga ako ng gising kaya nauna ako mag shower. Paglabas na paglabas ko dito, sya namang gising ng roommate ko. Sanay naman na ako na little to no interaction kami palagi. Pero iba yung pakiramdam ngayon. Kung dati palaging may parinig or masamang titig na bubungad sakin, ngayon kahit tingin lang wala.  I can't blame her though, after what happened in the past. Kasalanan ko naman talaga.

Sobrang bagal ko kumilos, as in it took me a whole hour to get ready for school. Nauna pa nga sakin si Wong makapag bihis kaya nauna na rin sya sa cafeteria.  I made my way there at di na ko nasurprise na nandoon na si TM, Jessica, Pen, May, Trish and, of course, si Wong. I sat on the opposite side na lang, yung mejo malayo kay Wong. Wala ako sa mood mag breakfast kaya niyuko ko na lang ulo ko sa table.

"Oh, Jema! Kakagising lang tutulog na ulit?" Tanong ni TM. Di naman ako sumagot.

Captain Jessica poked my side naman, "Huy! Napapano ka jan?!"

This time, I had to answer. "Wala bored lang. Walang gana."

"Napaka full of emotions naman ng sagot mo, ba...". Hindi na natapos ni Pen ang sasabihin nya kasi dumating si Mike.

"Try mo ituloy." Pagbabanta nito ng pabiro kay Pen.

"Joke lang bossing! To naman!" Tatawa tawang sagot ni Pen.

Agad namang tumabi sakin ang boyfriend ko, "Boo, I got you-your favorite pancakes. Kain ka na."

As usual, my Mr. Nice guy is trying to save the day. Ayoko naman syang mapahiya kaya itinaas ko na ang ulo ko mula sa pagkaka ub-ob nito sa table.

"Awe! Wala sa mood si Boo! Subuan na lang kita, basta kumain ka lang." Dagdag ni Mike.

Nag nod na lang ako ng yes. Napaka sweet talaga ni Mike. Buti na lang lagi syang nandyan para sakin. Wala na akong mahihiling pa.

Maririnig mo naman na parang may nasusukang sound na nagmumula kay May. "Ew! Ang aga aga ang cheesy nyo! Nakakaumay!!!"

"Inggit ka?" Si mike.

"Hindi no!!! Bat ako maiinggit?!" Maang maangan ni May.

Biglang umakbay si Pen kayay, "Ikaw naman kasi baby andito naman ako. Roommates pa tayo, e di sana ang saya na natin araw-araw!" Banat na naman ni Pen. Wala talagang pinapalagpas na pagkakataon sa babae ang isang to.

Pinalo naman ni May ang kamay ni Pen na syang dahilan upang matanggal ang pagkaka akbay nito, "Isa ka pang ew! Lahat naman ata ng babae dito sa University type mo. Ayoko sa babaero. Gusto ko yung ako lang. Yung hindi maingay, yung sakin lang nakatingin. Yung parang mysterious and intriguing at the same time. Malakas ang dating..." Napaisip ito. "Yung kabaliktaran mo!" Pasigaw na sabi nito kay Pen.

Nagkunwari namang nakahawak sa may bandang puso nya si Pen, "Ouch! Napaka sakit naman! Di pa man nagsisimula basted agad!"

Nagtawanan naman sila lahat except sakin at syempre kay Wong.

Napansin ko rin na nagbubulungan yung mag best friend sa gilid. Ano kayang pinag uusapan ng dalawang to? Ako kaya? Yung nangyari kagabi? Yung nagawa ko noon? Yung....

Travel Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon