Chapter 16

7 0 0
                                    

"Uy! Ares! Ayos na ba pakiramdam mo?" Masayang bati sakin ni Meneses.

"Oo, maayos na! Pwede  na nga uli tayong maglaban ng espada ngayon eh!"

"Ayoko! Tatalunin mo na naman lang ako eh!"

"Magsanay ka kasi lagi!"

Sabay kaming natawa. Inakbayan pa ako nito at ginusot ang buhok ko.

"Siyanga pala! Mamaya sumama ka samin!"

"Saan naman?"

"Huling araw ng perya sa bayan. Manonood at maglalaro tayo!" Buong pananabik nitong saad.

"Talaga!!!"

Hindi ako nakapanood nung nakaraan! Kailangan kong makapanood bago umalis ang perya!

"S-sige.." Nag-aalangan pa rin ako pero mas masidhi ang kagustuhan kong makapanood.

_______________€€€€________________

Gaya nang inaasahan ko...masaya nga manood ng Perya! Sayang huling araw na ito nito ngayon sa bayan.

Pagkatapos naming manood ay nag-alok si Meneses na kumain sa isang  pribadong kainan.

"Oorder lang kami ni Horje." Ani Meneses. Lumabas ang mga ito ng silid. Nakaramdam ako nang tawag ng kalikasan kaya lumabas din ako.

"Sigurado ka bang papayag si Ares na pumanig sa atin?", narinig kong boses yun ni Horje.

"Kailangan niyang pumayag. Dahil pag hindi...Di na natin siya palalabasing buhay sa lugar na ito."

Nanlaki ang mga mata ko.

Bakit? Papanig saan? Naguguluhan ako!

"Malapit na yung dumating ang ating mga kasamahan." Si Meneses ito. "Maghanda ka na Horje. Kailangan, sa sunod na linggo ay maisakatuparan na natin ang plano."

Ano kayang pinaplano ng mga ito at idinadamay pa ako?

Nagdesisyon akong maghintay sa kanila. Maya-maya'y dumating ang mga ito na may kasamang mga di ko kilalang lalake.

"Sino sila?" Taka kong tanong.

"Ares, kailangan namin ang tulong mo?" Sabi ni Meneses.

"Para saan?"

"Nais sana naming makausap at makipagkita kay Zephyr subalit hindi kami nagkakaraon ng pagkakataon."

"Bakit ako?" Taka kong tanong. "Bakit hindi nyo siya direktang tanungin?"

"Sinubukan na namin subalit hindi niya kami pinapansin. Sa lahat ng kawal sa kampo, sayo lang siya nakikipag-usap."

"Paano kayo nakakasiguro na makikipagtulungan ako sainyo?"

Nagulat ako nang biglang may tumutok na espada sa leeg ko.

"Dahil pag hindi ka pumayag ay di ka na makakauwi ng kampo ng buhay." Pagbabanta ni Horje.

Kung tutuusin, kayang-kaya kong takasan ang mga ito ngayon. Pero kapag ginawa ko yun, siguradong maghahanap din ang mga ito nang ibang gagawa ng misyon para sa kanila.

"P-payag na ako!"

"Kung ganun ay pirmahan mo ang dokumentong ito para masiguro naming tutupad ka talaga sa usapan namin."

Umikot ang mata ko nang mabasa ang nakasulat. Anong kalokohan ito?

Pinirmahan ko rin ang dokumento. May choice ba ako?

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon