Chapter 18

9 0 0
                                    

Pumipito pa akong pumasok sa kwarto. Isa na akong bayani nang kaharian! Napigilan ko ang pag-aalsa ng grupo nila Meneses laban sa kaharian. Hindi ko lang alam kung ano ang mapapala nila kapag kinausap nila si Zephyr.

Nagulat ako nang pagpasok ko nang pinto ay biglang may humablot sa akin papasok at itinapon ako sa sahig.

"A-anong...?"

I was pinned on the ground. Zephyr was looking at me with eyes full of fury.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito nagagalit sakin...

Bigla kong naalala! May usapan nga pala kaming magkikita ngayon!

Sinabi ko nga palang magkikita kami kanina sa may training ground. At least doon safe siya at maraming mga mata ang makakakita kung sakaling mapagpasyahan nila Meneses na kunin ng sapilitan si Zephyr.

Yun lang? Galit na galit na ito?

"Anong ibig sabihin nito?" Anito sabay sampal sakin ng isang pamilyar na dokumento.

Ito ang nakasulat:

Ako si, Ares, ay sumusumpang sasanib sa Rebeldeng grupo na laban sa kaharian ng Armania. Nangangako rin ako na makikipagtulungang patumbahin ang kaharian at magtataguyod ng panibagong matatag at maayos na pamamahala para sa mga karaniwang tao.

May pirma ko ito at thumbmark.

"Isa kang rebelde." Punong-puno ng galit ang ekspresyon ng mukha nito.

"H-hindi! It's all a misunderstanding!"

Lalo nitong diniinan ang pagkakahawak sa akin.

"A-aray!"

Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong medyo lumuwag ang hawak nito sa akin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo...hindi ako espiya! Hindi ko kasamahan si Meneses. Isa lamang akong hamak na manlalakbay na naghahanap ng matitirhan." Mariin kong saad.

"Hindi mo maiaalis sa akin ang paghinalaan ka. Unang-una, sabay kayong dumating ng Armania ni Meneses. Nang dumating din kayo ay doon nagsimula ang mga kahina-hinalang pangyayari sa kampo. Pagkatapos, nakipaglapit ka pa sa amin ni Artemius. At ikaw ang laging nakikita na kasama ni Meneses sa halos lahat ng pagkakataon."

"Masayahing tao si Meneses kaya kami naging malapit. Pero wala akong ideya na isa siyang espiya. At wala rin akong alam kung anong ginagawa niya pagkatapos ng aming pagsasanay!"

"Kung ganon, bakit lagi kang hatinggabi kung umuwi?? Saan ka nagpupunta pagkatapos ng pagsasanay?? Ano ang mga ginagawa mo sa mga panahong iyon??"

"Nagsasanay ako gumamit ng pana!! Tinuturuan nga ako minsan ni Artemius!" Nanggigigil na ako sa lalakeng ito.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon tinuturuan ka ni Artemius. Isa pa, kasama ka ni Meneses sa bayan nang isakatuparan nito ang tangkang pag-aaklas!"

"Kanino ba kasing kasalanan na hatinggabi na ako umuuwi at madaling-araw ako umaalis?!" Hindi ko na mapigilang pakawalan ang emosyong matagal ko nang inimbak sa aking puso. Alam mo ba kung anong panganib ang hinarap ko para sayo kanina?

"Sabi mo sa akin, kailangan hindi mo maramdaman ang presensya ko sa silid mo. Kaya nagkukunwari ako magsanay hanggang hating-gabi. Para pagpasok ko tulog ka na. Alam mo bang nakatulog na ako minsan sa damuhan kakahintay ng hatinggabi?? Nilinis ko na rin lahat ng sandata sa sandatahan para lang magpalipas ng oras. Kinaibigan ko na rin halos lahat ng tagapag-luto para pwede ako tumambay dun minsan. Huwag mo lang masabi na nakakaabala ako sayo. Kulang na nga lang...ako na gumawa ng lintek na higaan na yun para hindi na kita makita kahit kailan!!!

"Sino ba kasi nagsabing gawin mo ang mga bagay na yun? Hindi naman yun ang ibig kong sabihin nung sinabi ko yun."

Tiningnan ko siya ng matalim. Hindi pa rin talaga maintindihan ng gunggong na to ang pinupunto ko. Naglakad ako palapit sa kanya habang hindi inaalis ang paningin dito. Unti-unti naman itong napaatras hanggang napasandal na ito sa dingding.

Itinukod ko ang kanan kong kamay sa dingding. Halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng aming mga mukha subalit pareho kaming hindi binibitawan ang titig sa isa't isa.

Nag-uumapaw ang inis at galit ko sa kanya!

"H-hindi ko naman sinabing maghintay ka hanggang hating-gabi bago ka pumasok ng silid. P-pwede ka namang pumasok pagkatapos ng pagsasanay basta hindi ka lang mag-iingay at pakikialaman ako...."nauutal nitong saad.

Natigilan ito nang makitang nakayuko na ako. Maya-maya ay dahan-dahan ng yumuyugyog ang mga balikat ko.

"Napakasama mo...", mahina kong saad. "Napakasama mong tao!!!"

"U-umiiyak ka ba?", alangan nitong tanong.

"Waaaaahhh!!! Nakakainis ka! Ikaw ang pinaka-nakakainis na lalake sa balat ng lupa!" Bumulahaw na ako ng iyak. Wala akong pakialam kung anong sabihin niya. Pagkatapos ng pinagdaanan ko ngayong araw para sa kanya. Ito pa maririnig ko?

"B-bakit ka umiiyak?", natataranta nitong tanong. "Nakikita mo ba ang sarili mo. Hindi umiiyak ang tunay na lalake.P-para kang babae..."

Mas lalo lamang lumakas ang iyak ko sa sinabi nito.

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon