Chapter 5

14 0 0
                                    

"Pinapayagan kitang manatili sa aking silid pero kailangan mong sumunod sa mga patakaran ko", mariing saad ni Zephyr.

"Una, huwag na huwag kang lalapit sa akin. Limang metro lagi ang layo mo sakin!"

Sobra naman yun!!!Saang parte na ako ng silid susuot nun?!

"Pangalawa, bawal mong pakialaman ang mga gamit ko. Lalong-lalo na ang laman ng maliit na aprador na yun."

Itinuro nito ang aparador na gawa sa matibay na kahoy. May kalapating simbulo ang mga pinto nito.

Ano naman ang gagawin ko sa mga gamit mo?!? May sarili din akong gamit no?

"Pangatlo, bawal mo akong kausapin sa loob o labas man ng silid. Kailangan hindi ko maramdaman ang presensya mo sa silid na ito at kailangan walang makakaalam na magkakilala tayo at magkasama tayo sa silid."

Sa tingin mo ba isang napakalaking karangalan ang malaman nila na kakilala mo ko? Diyos kong mahabagin!!! Yang sungit mo na yan...siguradong walang mangingialam kung anuman gawin mo sa buhay mo! Unggoy na 'to!!
Kumukontra pa ang Author! Sige na! GWAPONG UNGGOY!!!

"Nagkakaintindihan ba tayo, Andres??"

Umikot ang mga mata ko.

"A-Ares pangalan ko." Lecheng 'to. Ginawan pa ko ng bagong inembentong pangalan.

"Naintindihan mo ba?", ulit nito.

"O-opo!"

__________________€€€_________________

Sa aking paggising, isang panibagong umaga ang bumungad sa akin...

"Waaaaah!!!", di ko napigilang mapasigaw sabay takip ng mga mata ko.

Bumungad sa akin ang napakakisig na katawan ni Zephyr, na noon ay kalalabas lang ng banyo. Malulutong ang kalamnan nito lalo na sa may bandang tiyan. Anim na pares ng pandesal!!!! Eto na ba ang agahan ko??

Sa kanuna-unahang pagkakataon ay nakakita ako ng halos hubo nang katawan ng lalake, kahit may mga kapatid pa akong prinsipe. Mas lalo pa itong nagmukhang kahali-halina dahil sa basa pa nitong buhok at mga butil ng tubig sa ibang parte ng katawan nito.

Bakit parang tumutulo ang laway ko???

"A-anong g-ginagawa mo?", taranta kong tanong habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.(Author: Huwag ka magkunwari!! Ang lawak nung pagitan ng daliri mo...pano matatakpan ang mga mata mo niyan?? Kanina pa busog yang mata mo!!!)

Huwag kang kumontra Author!! Kwento ko to!!!

"Bakit ka sumisigaw?" Kunot ang mga noo nito habang pinapatuyo ang buhok at katawan. Di ko maiwasang mapatingin pababa. Natatakpan man ng tuwalya ang babang parte ng katawan nito...Halatang-halata naman ang umbok...(Author: Yung laway mo Ariadne...kanina pa tumutulo!!!)
"Di ba sabi ko sayo ayaw ko nang maingay? Para kang babae na ngayon lang nakakita ng katawan ng lalake."

"N-nagulat lang ako..."

Napalunok ako ng laway.
Diyos kong mahabagin...kung ganito ang lagi kong makikita bawat umaga...baka atakehin ako sa puso...

Inang Reyna...patawarin mo ako kung ako'y nagiging makasalanan at hindi ko sinusunod ang bilin mo sa aking mamuhay nang dalisay at kapuri-puri.

Mukhang kailangan kong magising nang maaga para hindi ko na uli maranasan ang ganitong pangyayari.

__________________€€€_________________

Gaya ng kondisyon ni Zephyr...namuhay nga ako na parang hindi niya nararamdaman ang presensya ko sa silid niya. Pumapasok lamang ako kapag ako'y matutulog na at maaga naman ang akong umaalis habang tulog pa siya. Wala rin nakakaalam na kami ay magkasama sa iisang silid.

Matindi ang mga naging sumunod naming pagsasanay. Pinasubok sa amin ang iba't ibang sandata sa pakikipaglaban.

Hindi ako nahirapan sa espada sapagkat hinasa ako ng aking nakatatandang kapatid na prinsipe sa pakikipaglaban gamit ito.

Ang nahirapan akong matutunan ay ang paggamit ng palaso.

Nangangailangan ito ng kaukulang lakas at konsentrasyon upang matutunan. Lagi kong nauubos ang pasensya ng tagapagturo dito kaya't minabuti kong magbigay ng karagdagang oras para mag-ensayo nito.

Pagkatapos nang oras ng pagsasanay...nag-eensayo pa ako ng halos apat na oras bago matulog. At pagkagising sa umaga ay nag-eensayo uli ako.

Halos dumugo at namamanhid na ang mga kamay ko subalit hindi ko ito alintana. Kailangan ko matutunang gamitin ang sandatang ito.

Natulog ako nang gabing yun na determinadong matutunan ang paggamit ng palaso.

----Dahil tulog na ang bida...Author's POV na---

Pagod na naupo si Zephyr sa kaniyang kama. Saglit nitong hinilot ang noo. Halatang-halata ang pagod sa mukha nito. Di sinasadyang napatingin siya sa natutulog na kasamahan sa kabila ng kanyang higaan.

Maaliwalas ang mukha nito at...nakangiti??? Mukha talagang engot kahit natutulog (Sabi ng Author yan. Ang bitter sa bida porke wala yung lablayp.)

Naalala niya nakita niya ito kanina na nag-eensayo gumamit ng palaso subalit sa tantiya niya ay wala itong pag-asang matutunan ang nasabing sandata.

Napatingin siya sa sugat-sugat na nitong kamay.

..........Sumunod na araw......

--Gising na yung bida kaya siya na uli--

Maghapon uli kaming nag-ensayo subalit hindi ko pa ring magawang kahit tumarak man lang sa target.

Hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa!!! Matututunan ko rin to!

Huminga ako nang malalim. Tinututok ko ang palaso sa target at nakapikit na pinakawalan ang pana.
Laking tuwa ko nang pagmulat ko ay nakatarak ang palaso sa mismong gitna ng target!!!

"Sa wakas!!!!" Napalundag ako sa tuwa. "Ang galing ko!!!"

Isang pigil na tawa ang narinig ko mula sa aking likuran. "Sa tingin mo ba talaga...ang palaso mo ang tumama sa target?", nakakainsulto ang ngiting sabi ng isang pamilyar na mukha. Pinulot nito ang palaso na nasa malapit lang sa kinalulugaran ko. "Hindi ba itong palasong ito?"

Napatingin ako sa palasong nakatarak sa target at sa hawak na pana ni Zephyr. Magkapareha ang mga ito. May pula ang dulo nito. Yung sa akin ay purong itim lamang.

"Bakit ba pinipilit mong matutunan ang pagpana?",kunot-noo nitong tanong. " Pagtibayin mo na lang ang kakayahan mo sa espada. Mas may pag-asa ka doon."

Natikom ko ang aking mga kamao at kinagat ko ang aking labi. Huwag kang magpapadala sa emosyon, Ariadne. Tandaan mo, may sariling banyo ang silid niya!!!

"Nais kong matutunan ang lahat ng sandata. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may hawak akong espada. Paano kung pana ang pinakamalapit na sandata para protektahan ang aking sarili? Hindi ko gugustuhing maging pabigat pagdating sa digmaan. Gusto kong taas-noo kong masasabing...malaking tulong ako sa labanan."

"Subalit ang tagal mo nang nag-eensayo!!! Hindi mo pa ba nahahalata na wala kang pag-asa pagdating sa paggamit ng pana?", gigil nitong saad.

Nagulat ito nang may tumarak na palaso sa malapit sa paa nito.

"Hindi man ako magaling tumira nang malayuan...kaya kong itarak ang aking palaso ngayon din diyan mismo sa iyong puso kung gugustuhin ko. Huwag mong minamaliit ang kakayahan ng isang taong tulad ko," yun lang at agad ko siyang tinalikurang tulala pa rin sa pagkabigla.

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon